Time Travelled — 12 months

A letter from November 16th, 2017

Nov 16, 2017 Nov 16, 2018

Peaceful right?

Dear FutureMe, Ikasampung araw simula ng magpasya akong lisanin ka, di sa kadahilanang ayaw ko na, di ko mapagtanto kung anu ang maaari ko pang gawin. Sobrang bigat ng damdamin na halos ayaw ng kumawala pa. Mananatili na lang ba akong ganito? Magkukulong sa apat na sulok ng emosyong di ko maintindihan? Bakit nagka ganon?. Unti unti akong pinapatay ng iyong tinging tila ba nagpapahiwatig ng katagang “ayoko na”. Ngunit patuloy pa din ako sa katangahang pinaiiral ng ng aking puso. Ikapitong araw ng muli tayong magkita , noong panahong iyon ay ramdam ko na ang iyong pag iwas , nkikita sa iyong galaw na para bang wala ng gana , ngunit patuloy pa din.. patuloy at patuloy. Saglit iyong napalitan ng mga ngiti ng umpisahan mo akong halikan sa noo papunta sa mga labi.. Bawat haplos mo’y kaakibat ng isang estraherong sabik na sabik. Maari ngang pinagkait sa ating dalawa ang pagkakataong ito , di ko mawari na yun na pala ang huling araw na masisilayan kita , namumutawi pa rin sa aking isipan ang mga panahong huli kang nakasama. Palaging nakatingin sa’yo na para bang isang batang naglalaro ng dugtungang linya , ikaw ay nagtaka at nagtanong sa akin “o ba’t ganyan ka na lang makatingin?” gusto ko mang umiyak pero walang luhang pumapatak sa magkabilang bahagi ng aking mga mata, ang nasambit na lamang ay “Wala, kinakabisado ko lang ang bawat anggulo mo”.Pero sa loob ko “Sana hindi ito ang huli nating pagkikita , gusto ko pang umabot tayo ng taon, taon kung saan makikita ko ang bawat ikaw.. ikaw at ikaw sa sandaling pansamantalang ikaw”. “Wag ka nga ganyan makatingin”, sambit mo… napangiti ako “O, baket bawal ba?”ang sambit ko. Gustuhin ko mang yapusin ka , pero bakit parang wala akong nararamdam, di ko malaman kung manhid ba pero bakit ang saya ko… Napakadamot ng tadhana, mapaglaro ,mapusok, mapanakit.. Ngayong wala nang ikaw , wala na akong dahilan para kumapit pa sa pisi na iyong sinimulan, putulin ko man o hindi ay doon pa din ang punta. Darating din sa sukdulan ng pagsasawalang bahala. Marapatin na lang na isang tabi ang lahat , magsimulang wala ka.. Bumuo ng Isang talata na sa bawat linya ay walang ikaw, Ikaw na wala ng saysay, Ikaw na kaakibat ng isang abong naglaho na lang bigla , Ikaw at ikaw sa walang katapusang Ikaw..

Load more comments

Sign in to FutureMe

or use your email address

Don't know your password? Sign in with an email link instead.

By signing in to FutureMe you agree to the Terms of use.

Create an account

or use your email address

You will receive a confirmation email

By signing in to FutureMe you agree to the Terms of use.

Share this FutureMe letter

Copy the link to your clipboard:

Or share directly via social media:

Why is this inappropriate?