Press ← and → on your keyboard to move between
letters
Dear FutureMe,
Hello, I am so amazed to finally found a website like this. finally I can write a letter to the future me. at this moment I am wearing a stripe green, black and orange dress. i am listening to an Angeline Quinto's song which I dont know the title. I am here in school, Kuwait. i am supposed to be doing/editing the IDs for the school year 2015-2016. yes, I am here to work but as you can see, I am not doing my job because I am totally out of focus. (I know the title of the song now---Umiiyak ang Puso Ko't Sumisigaw) anyway, thank you for this website, now I can pour all the things that are ******* me these past few months of my existence.
I am strong.
I am determined.
I am fine.
those are my daily mantra to survive my miserable days here in Kuwait, but the truth is, I am so weak, I am running out of hope and I am broken.
financially, emotionally, mentally, spiritually I AM BROKEN. all I ever wanted is to have a happy and peaceful life, I was happy, I was contented and I was peaceful. everything was in place. everything was perfect until I met HIM.
i fell in love with the wrong person. i fell in love on the wrong time. i fell in love at the wrong place. i fell in love AGAIN.
J. he's one of the most wonderful person i ever met. his eyes, his nose, his lips, his scent are all perfect. the first time i saw him, I knew he'll have a big place in my heart. we became friends at the time that there is someone who already owns me. i am married to the person i thought will be the first and last love of my life.
A is one of the most amazing person everyone could ever met. he was my best friend, my mentor, my knight in shining armor, he is my superman. things went bad when everything between us has changed. i was busy, he was busy. the sad part is, we both know what was going on, but we chose to ignore.
mahal ko si J, mahal na mahal ko si A. alam kong mahal ako ni J, alam kong minahal ako ni A. alam kong maghihintay sa akin si J, alam kong kayang isakripisyo ni A ang lahat sa kanya para sa akin. alam kong kaya nilang pumatay para sa pagmamahal na meron sila para sa akin. pero pareho ko silang nasaktan. pareho ko silang pinatay. pareho ko silang sinaktan. pareho ko silang tinanggalan ng karapatang magmahal ng babaeng karapat dapat para sa kanila.
sa mga oras na to, wala na akong kahit anumang komunikasyon kay J. hindi ko na alam kung nasan siya, kung anong ginagawa niya at kung sino na ang kasama niya. pero alam ko, binubulong ng puso ko, alam ng kaluluwa ko, ako parin ang nag iisang mahal niya. ako parin ang hinihintay niya. ako parin ang pinapangarap niyang makasama. ako parin ang gagawin niyang inspirasyon para makamit lahat ng pangarap niya. alam ko, nararamdaman ko, kung gaano kasakit ang nararamdaman ko ngayon mas nasasaktan siya.
sa mga oras ding ito, madalang na kaming mag usap ni A. actually text nalang pala kami nag papalitan ng kumustahan. ang dami ng nabago, ang dami ng nawala at nasayang, madami na din ang nabitawang masasakit na salita. mahal ako ni A, alam ko yun, walang duda yun, pero minsan naiiisip kong mas mabuti na nga siguro na ibigay ko muna sa kanya yung space na hinahanap niya, baka sakaling maisip na din niya kung ano ang gusto niyang mangyari sa buhay niya.
sa mga oras na to nasasaktan ako, durog na durog na ang isip at puso ko. nasasaktan ako ng paulit ulit dahil alam ko kung ano ang gusto ko, ngunit alam ko den kung ano ang dapat. kung sarili ko lang ang susundin ko, siguro matagal na akong nakalaya sa sakit na ito, pero hindi pwede,kasi may masasaktan, madaming tao ang masasaktan at mahihirapan at kasama dun yung anak ko.
sabi nila, lahat ng imposible kayang gawing posible ng isang ina. noon pinagdududahan ko yun, pero ngayon, kung kelan kaya kong mabuhay sa kabila ng paglagot na ng aking hininga sa twing maiiisip ko siya (J), ngayon ko napatunayan na oo nga, kaya ko nga, kasi isa akong ina.
ipapadala ko tong sulat na to sa future, 10 years from now, i dont know kung makakarating ka, hindi ko alam kung mababasa pa kita, pero sana pag dating ng araw na yun na muli kitang makita, sana buo na ulit ako, sana magawa ko yung tama para sa pamilya ko, para sa mga pangarap ko, para sa mga taong mahal ko at para sa anak ko.
after 10 years umaasa ako na kung hindi ko man maayos yung sa amin ni A sana man lang makita kong masaya na siya, na sana natupad din niya pangarap niya, na sana nabago niya yung kaisipan niya sa madaming bagay. sana paglipas ng sampung taon, makita ko ulit yung confident, matibay, magaling at kumpletong A na nakilala ko noon.
after 10 years, sigurado akong expired na yung visa ko kay J. sana pagdating ng araw na yun, nakakilala na din siya ng ababeng mamahalin siya ng buong buo. sana nakahanap na siya ng babaeng magmamahal sa kanya gaya ng pagmamahal na ibinigay niya sakin. sana natupad niya lahat ng pangarap niya.
after 10 years sana makita ko na sa salamin yung AKO na pinalaki ng maayos ng mga magulang ko. sana after 10 years kaya parin akong ipagmalaki ng anak ko. sana after 10 years, makalimutan ko na lahat ng sakit. sana after 10 years, ako parin si MRS. REYNON. sana after 10 years pag binasa ko tong sulat na to, sana iiyak parin ako pero hindi na dahil sa sakit kundi dahil sa pagpapasalamat na natupad ko lahat ng hiling at pangarap ko sa sulat na to.
Sign in to FutureMe
or use your email address
Create an account
or use your email address
FutureMe uses cookies.
Learn how we use cookies to improve your experience by reviewing our Terms of Service
Share this FutureMe letter
Copy the link to your clipboard:
Or share directly via social media:
Why is this inappropriate?