Press ← and → on your keyboard to move between
letters
Dear FutureMe,
hello it's me your younger self.
sa ngayon 2 days nalang before our graduation.
ewan ko pero bigla nalang nag sink in saakin sinabi ng kaibigan ko na... "ito na pala yung huling hatid ko sayo noh" context lang, kasi kadalasan ako kasabay niya papasok at pauwi kasi naka motor naman siya, at nung sinabi niya sakin yon para napaisip ako na... oo nga noh ito na pala yung last, hanggang sa mas lumalim pa naiisip ko ngayon na magkaibigan parin kaya tayo? mag kikita parin kaya o mag kakasama pa ulit kaya tayo after graduation or after many years? ganon parin kaya tayo ka close? or makakahanap na ba ulit tayo ng panibagong kaibigan na papalit doon sa kaibigan mo na yon?
beside that, kamusta ka na kaya sa college life mo?
kinakaya mo pa ba?
mga panahon kasi na ito ay hindi mo pa gaano ka siguro kung ano ang gusto mo na 100% at kung ano mangyayari sa hinaharap mo.
pero ngayon nag hihintay pa ako ng email from plmun for interview.
psychology nga pala kinuha mo,
kaya mo pa ba? pinag papatuloy mo parin ba pag aaral mo?
kamusta naman ang buhay mo ngayon? pumapabor paba sayo ang mundo?
kasi ngayon palaging pabor sayo ang mundo eh at palagi kong sinabi na sobrang swerte ko kasi lahat ng swerte parang nakukuha ko, or ganon lang talaga ako maka appreciate. eh ngayon ganon ka parin ba? masiyahin ka parin ba?
at oo nga pala sa mga panahon na ito nag hihintay ka sa isang babae na gusto mo makasama habang buhay, minsan magulo nararamdaman mo, minsan masaya na parang walang bukas, minsan sobrang sakit na parang ayaw mo na masilayan ang bukas.
ano na balita sainyo? kasi itong panahon na ito sabi ko hindi ako susuko, titigil at mapapagod.
eh ngayon pinag papatuloy mo parin ba? kasi kung hindi kokotongan talaga kita.
para sakin yan na yung the one ko kaya magagalit talaga ako sayo kung gumawa ka ng kalokohan.
and btw sana mas maging confident kana at maging independent man ka na, hindi kana katulad ko, malaki kana ha!
alam ko madami kang tumatakbo na ideya sa utak mo! kaya gawin mong makatotohanan yan.
wag mong hayaan na anjajaan lang sa kokote mo yang mga naiisip mo, GUMALAW AT KUMILOS KA!
kung sa sa future tingin mo wala ka nang mararating o late kana.
magising ka may kanya kanya tayong oras siguro hindi pa yun ang oras mo pero hindi porket hindi mo pa oras hindi kana kililos. wag ka panghinaan ng loob kung nag fail ka man.
at oo nga pala gusto nila mama mag abroad ka haha kasi mataas daw sweldo.
alam ko na ayaw mong mag ibang bansa para mag trabaho.
actually gusto ka lang naman nila mag ibang bansa dahil sa pera, pero hindi manlang nila naitanong kung gusto ko ba yung ganong trabaho.
basta sana kung ano nasan ka man o ano ginagawa mo ngayon sana nag eenjoy ka.
sana hindi ka parin nag babago, isa ka paring joker, kalog, at masiyahing tao.
I love you self.
from yourself 1yr ago.
Sign in to FutureMe
or use your email address
Create an account
or use your email address
FutureMe uses cookies.
Learn how we use cookies to improve your experience by reviewing our Terms of Service
Share this FutureMe letter
Copy the link to your clipboard:
Or share directly via social media:
Why is this inappropriate?