Time Travelled — almost 3 years

A letter from May 24th, 2022

May 24, 2022 May 24, 2025

Peaceful right?

Dear FutureMe, If you're still in the same situation you are in right now, leave the **** immediately. Ang dami mo nang utang sa sarili mo. Masyado ka nang maraming nasayang na panahon. At kung hanggang ngayon nandyan ka pa, BAKIT? JUSKO SANA HINDI NA. Kung mababasa mo man ito ngayon, pinapalangin ko, na sana nasa maayos ka na. Sana, maayos na kayo ng pamilya mo, mga anak mo. Sana kahit papano naayos mo na ang buhay mo. Wag mo na muling pahirapanang sarili mo katulad ng ginagawa mo ngayon. Tignan mo nga itsura mo oh, maga mga mata, sirang sira, mabigat ang puso, wasak ang pagkatao. Walang wala ka. Ubos na ubos ka. At kasalanan mo lahat yan. Salbahe diba? Pero sana, ngayong nababasa mo to, mabait kana ulit sa sarili mo. Sana napatawad mo na ang sarili mo sa napakaraming bagay. Sana magaan na ang lahat para sayo. Sana bumalik na yung dating mga ngiti at tawa mo. Yun bang, labas gilagid at nakakabingi yung tunog at sumasabay ang mga mata. I wish you're unapologetically and undeniably happy again. Sana sa tuwing humaharap ka sa salamin, kilala mo nang muli ang kaharap mo. Sana nahanap mo na ang sarili mo. I hope you are now writing again. Not letters like this, ha. Hindi tungkol sa galit. Sa sakit. Sa pagkabigo. I hope you are writing about love again. Yung masayang pagibig. Yung pagibig na matagal mo nang gusto. Yung pagibig na sobrang nararapat para sayo. Sana pag nabasa mo ito, malayong malayo ka na sa ikaw ngayon. Sa ikaw na nagsusulat nito, habang umiiyak. Havang sugatan ang puso. Huwag na huwag ka nang babalik sa ganitong estado. Kapag nabasa mo ito, sana nakangiti ka. Sana proud kang ito yung nalagpasan mo. Mag iingat ka palagi. Patuloy kang lumaban.

Load more comments

Sign in to FutureMe

or use your email address

Don't know your password? Sign in with an email link instead.

By signing in to FutureMe you agree to the Terms of use.

Create an account

or use your email address

You will receive a confirmation email

By signing in to FutureMe you agree to the Terms of use.

Share this FutureMe letter

Copy the link to your clipboard:

Or share directly via social media:

Why is this inappropriate?