Time Travelled — almost 4 years

A letter from Jun 16th, 2021

Jun 16, 2021 Jun 04, 2025

Peaceful right?

Dear Shaira from future, Sinulat ko to year 2021. Graduating as SHS. Hindi ko alam sasabihin ko sayo. Madaming nageexpect na magiging successful ka. May mga pangako kang dapat tupadin. May mga responsibilidad kang dapat gampanin. Habang sinusulat ko ito, naiiyak ako kasi ang bigat ng pakiram*** ko. Hindi ako makapagfocus sa pagaaral. Natatakot din ako na baka magfail ako unang pasok palang ng college. Hindi ko din alam kukunin kong course. Ano bang course ang kinuha mo? Criminology padin ba? Gusto ko din naman mag crim pero gusto ko din mag psychology. Ang hirap ng buhay ko ngayon Shai. Ang sakit, ang lungkot, ang dilim. Wala akong kakampi. Ako lang nag iisa. May mga kaibigan naman ako sa ngayon pero pakiram*** ko hindi sila makakatulong. Hindi nila ako maiintindihan. Gusto ko na sumuko. Gusto ko na mamatay. Gusto ko na mawala. Nagsasawa na ako. Bigat na bigat na ako sa buhay ko. Ang hirap ngayon. Sobrang hirap. Gusto ko umiyak. Gusto ko mapagisa. Gustoko lumayo. Gusto kong umalis na sa bahay na ito. Gusto ko nalang makidnap at patayin para hindi na nila ako hanapin. Gusto ko nalang mabangga para tapos na lahat. Sobrang hirap na hirap na ako. Hindi ko alam paano pa ako makakatuloy. Sobrang bigat, sobrang lungkot. Sobra sobra ang binigay sakin. Lagi nilang sinasabi, "Mag pray ka lang mawawala yang problelma mo." ang dali lang sabihin. Mawawala ba nanay ko? Mawawala ba kabobohan ko? Mawawala ba kapangitan ko? Mawawala ba mismo ako? Hindi niya mapapatahimik ang buhay ko ng isahan. Ang kailangan ko lang katahimikan. Simula bata palang gusto ko ang katahimikan. Sa dami ng tao na ginawa ni Lord, bakit ako pa napili niyang magdusa? Bakit sa akin mo binigay lahat ng sama ng loob? Naiinggit ako sa iba. May masayang pamilya, kumpleto, mayaman, may magandang bahay, mabait. Naiinggit ako kasi wala ako lahat niyan. Sana after 4 years, makita kitang nakatoga, may hawak na diploma. Sana din after 4 years, tumatayo kana sa sarili mong paa. Sana nakatira ka sa isang bahay mag isa. Sana lumayo ka sa mga taong walang magandang dulot sayo kahit kamag anak mo pa. Hinid nila alam kung paano ka naghirap sa kanila. Sana maging malaya ka sa lahat ng aspeto ng buhay. Sana mahalin mo na talaga ang sarili mo. Naiiyak ako HAHAHAHAHA. Shai, ikaw ang pinakang malakas na taong nakilala ko. Sa akin magsisimula ang daan para sa kinabukasan natin. Ang hirap lang HAHAHAHAH. Palit tayo u want? Walang magmamahal sayo kundi ang sarili mo Shai. Huwag kang maghanap ng pagmamahal sa ibang tao. Stay virgin den ayoko mapahiya ka sa angkan ng tatay ko. Higitan mo sila at ipakita mo din sa kanila na tagumpay ka kahit walang sumusuporta sayo. Sana mabago mo ang pagiging mahiyain ko. Hinid ko hihilingin na lagi kang ngumiti, ang akin lang, sana huwag kang matakot sa mga tao. Mahal na mahal kita. Magkikita tayo after 4 years. Sana makapag bar kana den. i llove you muah.

Load more comments

Sign in to FutureMe

or use your email address

Don't know your password? Sign in with an email link instead.

By signing in to FutureMe you agree to the Terms of use.

Create an account

or use your email address

You will receive a confirmation email

By signing in to FutureMe you agree to the Terms of use.

Share this FutureMe letter

Copy the link to your clipboard:

Or share directly via social media:

Why is this inappropriate?