Time Travelled — almost 5 years

A letter from July 18th, 2020

Jul 18, 2020 Jul 18, 2025

Peaceful right?

Hey future cye, i hope you're doing good right now, i hope you've already achieved your dreams and what you aspire in life, siguro may trabaho ka na? ano kayang trabaho mo ngayon? nasa hr ka ba? andami kong gustong tanungin sayo alam mo ba yun?? and sana naman may boyfriend ka na, hindi habang buhay dapat single ka. masaya ka ba ngayon? sana oo, kase ginawa ko yung lahat para alagaan ka. i have endured a lot just for you to be happy. sana nakamit mo na yung genuine na happiness na matagal na natin hinahanap. magkekwento ako ng kaunting bagay tungkol sa ating dalawa, alam kong hindi ka maniniwala pero alam mo ba, back in the days you were a teen who used to fear a lot, marami kang kinakatakutang bagay na hindi naman dapat katakutan ng isang teenager na kagaya mo, nga bagay na hindi naman dapat iniisip ng musmos nating kaisipan, madaming tanong sa isipan mo na hindi pa nasasagot, maraming what ifs and sana as you're reading this letter nasagot na yung mga tanong natin, sana naovercome nadin yung mga kibakatakutan natin. the date is july 18, 2020 as im writing this, and you won't believe me if i say na naka-quarantine parin tayo, this year wasn't that good. maraming nangyaring di maganda, maraming pagsubok; pero nagawa mong lumaban. and alam kong patuloy ka paring lumalaban hanggang ngayon. sana natatandaan mo parin yung nga lessons na natutunan nating dalawa as we grow old, alam ko hindi na mabilang 'yung mga yon. sana hindi ka na rin takot sa mga bagay na walang kasiguraduhan, i want you to take the risk. subukan mo ng subukan, wag na wag kang matatakot magkamali. mas masarap sa pakiram*** kung alam mong nag-try ka, wag na wag mong sasayangin ang panahon. and alam mo ba na you'll be taking college this year?? pero sa kasamaang palad you're not able to meet your blockmates kase sa internet lang kayo mag-aaral, i know it may sound odd pero yun yung nangyari. alam mo bang sobrang laki yung pinaglalaban nating mga kabataan ngayon? tinaggalan tayo ng boses para ipahayag yung mga gusto nating ipahayag, ginawa nila yun. sana sa panahon mo nabawi na natin yung boses na minsan ng nawala at nanakaw sa atin, sana may kapangyarihan na ulit tayo para makapagsalita, sana hindi tayo nakakulong sa mga bagay na hindi natin alam kung ano ang mangyayari, lagi kong ipinagdarasal yan. and do you still remember straykids??? i hope you still do, kase kung hindi pupuntahan kita diyan sa future at sasabunutan kita ng bongga. wag na wag mo silang kakalimutan ha, dahil sa kanila kaya ka lumaban noon, at dahil din sa kanila kung bakit ka lumalaban hanggang ngayon, tinuruan ka nilang ng napakaraming bagay cye, binigyan ka nila ng memories na habang buhay mong itetreasure, alam mo ba na sa tuwing nalulungkot ka makikinig ka lang ng music nila or manonood ng video; masaya ka na ulit. bigla mong makakalimutan yung kalungkutang nararamdaman mo. binigyan ka nila ng rason para ipagpatuloy yung buhay. kundi dahil sa kanila cye, wala ka na ngayon. matagal mo na sigurong tinapos yung buhay mo. they saved you when you were under the pit of darkness, they were there when you're alone, afraid, when you're doubting yourself, when you feel like crying, when you feel unsafe, they are the mere reason why you chose to continue living, alam kong nasabi ko na sayo pero they saved you. masaya yung teenage life mo dahil sa kanila. alam mo ba na you used to joke about getting a tattoo that reminds you of them. either a music player on your left pulse, with writings that said mixtape 0325 - straykids. that's the date when they debuted and introduced to the world; or a simple text that says "straykids makes stays stay" "stay" basta anything that reminds you of them, back then you don't have any idea na sila yung makakaligtas sayo, sila yung aahon sayo sa nakakalunod na kalungkutan, sila yung magiging dahilan at sandata mo para lumaban. sana magkatotoo to ha, wag mong kakalimutan na itattoo yan sa balat mo. sana 5 years from now nakita mo na sila, sana nagawa mo ng magpasalamat sa mga taong nagligtas sayo, gagawin mo ha. magpasalamat ka sa kanila, kay bang chan, kay lee minho, kay seo changbin, kay hwang hyunjin, kay han jisung, kay lee felix, kay kim seungmin, kay yang jeongin. gusto kong pasalamatan mo sila ng sobra. sana ginawa mo ang lahat para magkaroon ka ng pagkakataong mapasalamatan sila. alam mo bang habang sinusulat mo to tong talata na to ngayon, tumutugtog yung kanta nilang 잘하고 있어 and hindi mo mapigilan yung luha mo kase yan yung exact song na lagi mong pinaghuhugutan ng lakas, yan yung kantang lagi mong pinapakinggan kase nandiyaan yung nga salitang gustong gusto mong naririnig. walang pagkakataong hindi ka umiiyak kapag naririnig mo yan, and alam mo ba feeling ko hanggang ngayon sa panahon mo, everytime na papakinggan mo to umiiyak ka parin. siguro yung ibang members nasa military na hahahahaha, wala lang gusto ko lang i-share to. haha ilang concert na kaya nattendan mo? nabuo mo na ba plano nating collection ng skz album? ilan na kaya album nila? ilan na naproduce ng 3racha na kanta? sino naging actor sa kanila??? im betting it's hwang hyunjin, seungmin, or minho hahaha. may solo na ba sa kanila? sino pang single para alam ko kung pupunta pa ba ako sa south korea or hindi, charot hahahahahaha. nakapunta ka na sana sa south korea ha. alam kong successful fangirl ka na. lagi mong itetreasure yung part ng memories nato ha. wag na wag mong kakalimutan. gusto ko hanggang sa pagtanda natin dala dala natin yung ala alang binigay sa atin ng skz. napahaba natong part nato hahahaha. so yun, gusto ko na munang itigil to sa ngayon. future self, lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita. magiging successful tayo at maabot natin yung mga pangarap natin. magiging masaya tayo. hindi ko na gagawing madrama tong ending kase masyado na madrama buhay mo from the past few years hahahaha. yun lang, kitakits! side note: SANA SI BANG CHAN PARIN BIAS MO AT MAGJOWA KA NA!!!!!

Load more comments

Sign in to FutureMe

or use your email address

Don't know your password? Sign in with an email link instead.

By signing in to FutureMe you agree to the Terms of use.

Create an account

or use your email address

You will receive a confirmation email

By signing in to FutureMe you agree to the Terms of use.

Share this FutureMe letter

Copy the link to your clipboard:

Or share directly via social media:

Why is this inappropriate?