Time Travelled — almost 5 years

A letter from June 21st, 2020

Jun 21, 2020 Jun 21, 2025

Peaceful right?

Hi to the 23 year old Anlie, Kumusta? Limang taon na ang nakakalipas. Iniisip ko pa lang kung ano na kayang narating mo ngayon? The 18 year old version of you wanted to become a lawyer and has a dream of studying at San Beda. Naging lawyer ka ba? Paiba-iba naman kasi ang ambition mo sa buhay. Nung bata ka gusto mo maging news anchor, then biglang switch sa education and psychology tapos ngayon law naman. Hindi ko lang talaga alam kung saan ka humuhugot ng kapal ng mukha HAHAHAHA pero kahit ano pa man ang kunin/nakuha mong course, remember, na your younger self is still very proud of you. Alam kong hindi madali sa umpisa, tayo pa ba. Tayo lang din naman kasi ang nakakakilala sa sarili natin. And in your case, I'm really praying na once na mabasa mo itong letter ko para sayo, hindi ka na nawawalan ng pag asa. In your younger days, you're very close minded not literally pero laging sarado ang utak mo pagdating sa self esteem mo. One day, marealize mo yung totoong worth mo and sana sa pagdating ng taon, natutunan mo nang patawarin ang sarili mo. You should always accept and think ahead of what's more to come. Hindi naman kita masisisi, bata ka pa lang, namulat ka na sa kung gaano ********** ang mundo. Biruin mo, wala ni isa sa fam mo ang proud sayo, binobody shame ka pa kasi ang drastic ng pagbabago sa katawan mo. Lagi kang nakukumpara sa mga pinsan mong laging with honors samantalang ikaw basta walang line of seven ayos na. Laging pinapamukha sayo na wala kang kwenta. Gusto ko lang malaman mo na kahit talikuran ka ng buong mundo, atleast makakapitan mo pa rin yung sarili mo. I hope that after five years, you're already healed from the pain and bruises. Na gumaling ka mula sa mga pinagdaanan mo. I know you. Ang kapal lang din talaga minsan ng pagmumukha mo na sabihing matapang ka pero mahina ka talaga? Na hindi ka apektado sa lahat pero natatandaan mo ba? Since jhs, nagbebreakdown ka over petty things? Kasi di mo makilala yung sarili mo. Prinessure ka ng mga taong dapat ay naglilift sa spirit mo at kahit durog ka na, pinipilit mong buuin ang sarili mo gamit ang natitirang lakas mo. Sabi mo nga eh, sa mga kapatid mo na lang ikaw kumakapit, sana panindigan mo, ayokong mawala ka. At sana sa limang taon, matuto kang mahalin ang sarili mo. Try to overcome your insecurities. Hindi ka man tanggap ng society atleast you're being true to yourself. And please, ayoko na nag iisip ka na magpapakamatay ka, stop on you're suicidal thoughts. Diba pinanghahawakan mo yung salitang magbebreakdown pero magfufunction ulit? Sana hanggang maging 23 ka buhay ka pa rin, your 18 year old self is already giving up at sana walang mangyari sa akin na ikakasisi ko buong buhay ko. I've been already mentally and physically drained from all the depression, stress, anxiety and pressure. You've got no one to talk to at sana maging totoo ka para sa sarili mo. I hope na pag naging 23 ka na, you're still going mighty and strong. Hindi ka si Anlie pag di mo kayang maging matibay. Do you remember your answer nung tinanong ka ng ESP teacher mo kung bakit nga ba tayo buhay? Dahil sabi mo, nabuhay tayo kasi may purpose tayong dapat alamin and please, magtiwala ka kay God. DONT U EVER PUT DOUBTS ON UR RELATIONSHIP WITH LORD. JUST PRAY AND REFLECT. Anyways, I'll be writing more. I'll repeat. Kung ano o sino ka man ngayon, please stay happy and contented. Remember, let your shyness fade away. Grab lang ng opportunity and always remember, you're the best version I will surely be proud of. You're pretty inside and out and God knows how much you really miss tatay. I love you my future self, take care! PAG NABASA MO TO, TAPOS NA SEASON NG HAIKYUU BAHALA KA IPAPAALALA KO LANG ULIT SAYO PARA LALO KA MAIYAK BWISIT KA

Load more comments

Sign in to FutureMe

or use your email address

Don't know your password? Sign in with an email link instead.

By signing in to FutureMe you agree to the Terms of use.

Create an account

or use your email address

You will receive a confirmation email

By signing in to FutureMe you agree to the Terms of use.

Share this FutureMe letter

Copy the link to your clipboard:

Or share directly via social media:

Why is this inappropriate?