Da,
Happy birthday babe :( pangatlong letter ko na to sa birthday mo hahaha but this time sa secondary email mo na nakaaddress. Sorry kung sad. Ngayon kase yung day na pinutol na natin lahat ng meron tayo. Ang sakit. Parang diko kaya babe e. Ilang minutes pa nga lang, namimiss na kita ng sobra :( tangina lang. Oo na, magleleggings na ko. Magpapataba nako, mahalin mo lang ako pabalik please :( pota ang sakit da. Diko alam pano harapin yung mga susunod na araw na darating pa sa buhay ko. Pota ang corny pero totoo yan :( da mahirap ba kong mahalin? Miss na miss na kita e.
5 months from now, i have no idea kung ano nang nangyayare sa buhay natin. Siguro, sa mga oras na matatanggap mo to medyo nakalimutan na kita ng konti. Sana sa 5 months na lumipas, maayos na buhay ko para kung sakaling bumalik ka deserve mo na ko. Sana okay na ang lahat. Sana magka amnesia nalang ako da para di nako masaktan ng ganto. Sana ganun lang kadaling kalimutan ka. Walang tayo. Walang tayo pero umiiyak ako ng sobra sayo. Da, mahal na mahal kita sobra. Diko alam kung mapapabuti buhay ko neto o mas lalala lang. Diko alam. Gusto ko lang makalimutan ka. Makalimutan ka para maging okay na ko.
Mahihirapan nanaman akong makatulog neto just like before. Pota, sana ako nalang si Sofia e. Ang tanga ng babaeng yun. Di mo deserve masaktan. Dati, nung nakikita kong masaya kayo. Tuwing binabasa ko mga comment nyo kahit masakit pero masaya ako dahil masaya ka. Araw araw kitang inistalk nun pati si Sofia. Da ang sakit da. Sobrang sakit.
Habang sinusulat ko tong letter na to alam mo makulimlim yung langit. Parang uulan. Nananadya nuh? Sana mamatay na lang ako para matapos na to lahat. Happy birthday ulit da. I love you so muchhh :'(
Bubuksan ko lang ulit yung fb ko pag move on na ko sayo. So pag na receive mo to tas di pa rin active yung fb ko ibig sabihin nun, di parin kita nakalimutan :(
30% yung battery ko habang sinusulat to. Uubusin ko lahat ng natitirang percentage ng battery ko kakasulat sayo. Sorry kung medyo mahaba to.
Ayun umulan na da. Dinamayan ako ng langit pero nakakainis lang. Mas lalo akong nalulungkot e. Mag iingat ka palagi huh. Lubus lubusin ko na to. Dito ko na ibubuhos ang lahat.
Nang gabing nag meet tayo, that was one of the happiest moment of my life. Ayoko pa nga sanang umuwe nun e. Gusto pa kitang makasama. Kaya lagi kitang inaaya na gumala kase gusto kitang makasama. Siguro di natuloy yung pagkikita natin ulit dahil mangyayare to. Tinutulungan lang siguro ako ni God para di masyadong mahirapan. Ang lakas ng ulan. Ang lungkot ng paligid. Umuulan rin ba diyan? Alam ko namang may iba kang gusto e. Di ako manhid da. Ramdam ko. At yung linyahang "makakahanap ka din ng mas better e" linyahan yan ng mga taong di mahal yung kausap hahaha.
Salamat sa lahat . Sa pagpapahalaga na pinakita mo saken. Either it's true or not, thank you padin. Sana mamiss mo man lang kakulitan ko. Sana sumagi man lang ako sa isip mo minsan. Sana mapanaginipan mo man lang ako.
Sana ako nalang. Sana ako nalang ulit. Nakakainis din tong love e. Pota. Ba't napakacomplicated? Pwede mo namang mahalin yung taong mahal ka pero bket dun kapa nagkakagusto sa taong di ka mahal? Sobrang haba na neto sana may tiyaga ka pang basahin to. Sige hanggang dito nalang yung letter ko. Thank you for everything and mahal na mahal na mahal na mahal na mahal kita. If papipiliin ako, I'll still choose you no matter what. Sayo ako masaya e. I hope mareceive mo lahat ng 3 letters ko for your birthday.
Si Anne Rose pala to if ever di mo ko nakilala. Bye babe :( happy birthday again. October 10 yung birthday ko. Wala lang. Baka lang gusto mokong batiin. Pero wag na. Baka mas lalo akong mainlove sayo.
Sign in to FutureMe
or use your email address
Create an account
or use your email address
FutureMe uses cookies.
Learn how we use cookies to improve your experience by reviewing our Terms of Service
Share this FutureMe letter
Copy the link to your clipboard:
Or share directly via social media:
Why is this inappropriate?