Hello christian,
One year na exactly today nung una kitang nakasama at finally nakilala. Saw you sa school before once lang ata palapit ka sa motor mo and nakatingin lang ako sayo nun and I know hindi mo yun maalala. Kaya pala ganun nalang kita tinitigan nung mga oras na yun magiging parte ka pala ng buhay ko. Sobrang thankful ako na nakilala kita ikaw lang yung lalaking nagalit sakin dahil dis oras ng gabi nasa makati pa ko at nagpaparty pero you still manage na antayin at sunduin parin ako kahit galit ka na sakin. Sobrang dami ng taong jinujudge ka pero di ako naniniwala kasi alam ko kung sino ka hindi ka naman talaga cold at woman hater katulad ng sinasabi mo you really know paano mag care at magpahalaga sa isang tao pero di mo yun kayang sabihin. Sobrang family oriented mo kaya sobra ka rin nasasaktan pag binabaliwala ka lang nila. You are still blessed. You know how much I want you to feel loved pero you wont allow me to do that. Ganyan ka katigas. Akala ko pag alis ko mawawalan na tayo ng connection pero hindi. Imagine kung ilang araw lang tayo nagkasama pero parang sobrang tagal na nung feeling. Im longing for you. Alam ko para sakin to at masaya ka din naman kung nasan ako ngayon pero yung lungkot sobra sobra. Kapalit ng naachieve ko para sa sarili ko is pagkamanhid na ng pakiramdam. Kelangan ko maging strong para sa sarili ko. Yung pakiramdam na naalala ka nalang kasi may kailangan sayo. You tend to loose people. Wala talagang permanente sa mundo. Your friends now your enemies later. Dami ko na sinabi. Tinatype ko to habang nandito ko sa mall nag chichill magisa at the same time parang music video na kasi naiiyak ako. I feel so alone. I wont ask na para sa label na matagal ko ng hinihingi sayo. Ibibigay mo rin naman sakin yun kunyari ka pa. Di ako maniniwala na di ka rin nainlove saken. Gago ka ba? Hahaha. Yung mga small things na ginawa mo para saken even pagpapalamig ng coke sa ref para may mainom ako grabe di ko yun nakakalimutan ang liit liit na bagay. Yung mga foodtrip natin, tambay sa kawalan, pagsundo mo sakin at walang katapusang tapsi. Mga nakaw na sandali kung tutuusin pero napakasaya. Simpleng pagnakaw ko ng tingin sayo kasi di pwede malaman ng mundo. Miss ko na boses mo. Miss na kita. Napaka unfair ng mundo bakit mo makikilala yung isang tao magpaparamdam sayo kung gaano ka kahalaga kung kelan paalis ka na? Kaya sobrang broke ako nung dumating ako dito. Kahit antagal ko na tong pinlano nawala ako sa focus. I want to cancel everything. Kasi yung utak ko puro what ifs. What if I stayed? What could have been? Baka napasakin ka na alam na alam ko na yang mga kiliti mo eh. Kunyari galit pero pag sinuyo mo kelangan paglutuan pa. Wala na di ko na napraktis yung cooking skills ko. Jinudge mo kasi agad. Sa lasa lang tayo magbabased hindi sa itsura. Hahaha. Ayun ang haba na baka di mo rin naman basahin effort pa ko. Sana pagbalik ko meron ng second chance. Baka naman po pwede na maging girlfriend mo. Lol.
We only part to meet again,
Majinbyu ✨
Sign in to FutureMe
or use your email address
Create an account
or use your email address
FutureMe uses cookies.
Learn how we use cookies to improve your experience by reviewing our Terms of Service
Share this FutureMe letter
Copy the link to your clipboard:
Or share directly via social media:
Why is this inappropriate?