Time Travelled — 12 months

A letter from January 1st, 2018

Jan 01, 2018 Jan 01, 2019

Peaceful right?

Dear FutureMe, Musta ang araw? naabot mo na ba ang target mo? 30 years old ka na! pangarap mong maging successful at the age of 35 di ba? 5 years na lang GRIND pa para sa pamilya mo. Marami kang pinagdaanan sa buhay nitong mga nakaraang taon anong bago? isulat mo ulit.. Habang sinusulat mo itong mail na ito sa sarili mo ay nakaupo ka sa sofa ng inyong flat sa KUWAIT habang nakikinig sa musika ni YIRUMA at kakagaling mo lang sa mahabang pagtakbo sa beach mula 5:30 am at 7:30 na ngayon kahit medyo nakainom ka ay gumising ka pa rin ng maaga. Malungkot ka ngayon kase new year wala ka sa pamilya mo tapos hangal ka nakikinig ka pa kay YIRUMA kung di ka ba nman tungaw. Balikan natin mga pinagdaanan mo nung mga nakaraang taon from trabaho mo sa UAE na nagkameron ka ng pagsubok na sumubok talaga sa tunay na pagmamahalan nyong magasawa na akala mo ay yun na ang katapusan pero pinili nyong dalawa na mahalin pa rin ang isa't bumalik ka sa UAE after 7 days nung masolve mo ang problema nyong magasawa ang hirap nun di ka nakikita ng asaawa mo na umiiyak dahil ayaw na ayaw mong makikita nyang humihina ka, after nun pinadala ka sa dubai form abu dhabi dun ay nagkameron ka ng pagkakataon na makuha ang kapatid mo para magtrabaho iniwan mo sya dun after a month at nagkaproblema sya syempre wala kang magawa kase that time nasa pilipinas ka na nagkandautang utang kayong pamilya nung mga panahong yun nabuntis pa ang asawa mo at magiging dalawa na anak nyo, Dec 24 nung isilang ang bagong baby nyo ANG POGI POGI syempre mana sayo, the after 2 years humingi ka ng tulong sa dati mong boss at kinuha ka nya sa kuwait kung saan eto nga at nagtatrabaho ka ngaun. Sa dami ng utang nyo may pagsubok na nman kayong pinagdadaanan nabatak ung TV nyo iniwan nyo ang bahay nyo na kinalakihan nyong magkapatid, napatigil sa pagaaral ang panganay mong anak at ang pamangkin mo na ikaw din ang isa sa nagsusuporta, magpakaganun man biniyayaan ka ng panginoon ng isang magandang regalo ang magkameron ng regular na trabaho ang iyong asawa at nakatira sila ngaun sa isang maliit na apartment, syempre di ka papayag na hindi ayusin ang lahat at eto nga unti unti mong nababayaran ang utang ng pamilya mo dahil na rin sa tulong ng iyong boss GODBLESS HIM, sa totoo lang ito ata ang paraan ng ng dyos para matutununan mo ang buhay dahil lumaki kang umaasa ka lang sa magulang mo, natuto ka rin magpahalaga sa pagmamahal ng magulang mo mas lalo mo silang nakilala mas lalo mo silang minahal nagkakatampuhan man kayo lalo na ng asawa mo na ikaw nman ung may kasalanan dahil SELOSO kang hawot ka e talagang mahal ka pa rin ng asawa mo dahil di ka nya iniiwan.. Ngayong bagong simula ng taon mababasa mo ulit ito at tatanda ka na nman ng isang taon balitaan mo ko sa nangyari sayo kung "naabot mo na ba ang target mo? 31 years old ka na! pangarap mong maging successful at the age of 35 di ba? 5 years na lang GRIND pa para sa pamilya mo". Sabi nga ni CONG TV. kapag break mo na kagatin mo na - "Mata sa langit Paa sa lupa" Godbless sayo at wag na wag kang makakalimot sa nasa taas yan lang ang nakakaalam ng lahat kaya humingi ka lagi ng gabay sa kanya WAG KANG HANGAL ang pagpapalaki ng pwet at pagiging tamad ay walang mararating.

Load more comments

Sign in to FutureMe

or use your email address

Don't know your password? Sign in with an email link instead.

By signing in to FutureMe you agree to the Terms of use.

Create an account

or use your email address

You will receive a confirmation email

By signing in to FutureMe you agree to the Terms of use.

Share this FutureMe letter

Copy the link to your clipboard:

Or share directly via social media:

Why is this inappropriate?