Time Travelled — almost 10 years

A letter from February 26th, 2015

Feb 26, 2015 Feb 26, 2025

Peaceful right?

Dear Awesome FutureMe, Right now I'm thinking kung ano ba yung gusto kong marinig from past me. You're probably thinking na sana wala akong masabi na cheesy or korny, well right now, hindi pa naman mukhang korny yung mga sasabihin ko, ewan ko lang sa future ah. So anyways...di ko alam kung matatanggap mo to kasi alam kong hindi ka mapakali sa isang e-mail or baka by that time hindi na uso ang g-mail :P I-explain ko muna kung pano ako napunta dito..gumagawa ako ng thesis ngayon, nang mapadaan ako sa youtube para manuod ng video tapos ayun! Nakita ko tong website na to hehe Nasabi ko na lag rin, gumagawa ako ng thesis ngayon, 75% endorsement na bukas pero andito ako at nagsusulat ng future letter. 3:20PM na pero maglulunch ka pa lang at ang lunch mo siopao at scrambled egg lang. Nasa dorm ako ngayon, naaalala mo pa ba? Oo, nag-dorm ka nung 4th year in college. Anyways, buksan ko muna yung siopao bago ka lumamig, may MiniStop pa kaya sa future? Update sa siopao, matagal-tagal na akong hindi nakakain ng siopao, nakalimutan ko may papel nga pala sa ilalim yun huhu..nakain ko tuloy...wait lang ahh... Huhu ano ba yan, ang alat nung scrambled egg na niluto ko..sana by the time na binabasa mo to marunong ka ng magluto. 3:34PM na biglang nag ring yung intercom namin ngayon sa dorm, akala ko tinetest na naman nila pero nung sinagot ko wala ding idea yung guard sa kabilang line...mej creepy pero buti na lang umaga...meron akong suspetcha na bakka ikaw yun from the future. Naaalala mo pa ba yung lagi kong sinasabi kay Met na theory ko sa time-travel? Dalawa yun eh: (1) Yung mga alien sightings mga time-travellers from the future talaga sila at kaya wala pang nahuhuli or nacocontct sakanila kasi ayaw nila ma-disrupt yung sequence ng time (2) Feeling ko mauunang maimbento yung cloaking devices tapos after nun yung time-travelling kaya maslalo kami ngayon sa past na maka-huli ng so-called "aliens" nila kasi feeling ko talaga time-travellers with cloaking devices yung meron sa future haha! Mejo ang wild ng theory ko pero sa tingin ko naman plausible siya. Habang binabasa mo to 30 ka na siguro, omg ang tanda mo na huhu...pero ok lang yan, life begins at 40 naman daw eh. Wala naman akong ine-expect na malaki sayo, sana lang by this time na binabasa mo yung letter ko may maganda at stable na trabaho ka na at lahat tayong magpipinsan. May sarili na rin sana tayon bahay or at least apartment man lang. Di ko alam kung saang bansa ka ngayon pero sana magkakasama tayong apat nila mama, ahya at met. Sayang nga lang wal na si papa. Hanggang ngayon na mimiss ko pa rin siya. Habang sinusulat ko nga to ngayon umiiyak na naman ako eh haha! Sana by this time na binabasa mo to, nafully accept mo na na nasa Heven na si papa kasi ako, hanggang ngayon, after 3 years, hindi ko pa rin 100% na matanggap. Wala akong ibang mapagsabihan nito kasi nga, 3 years na pero hindi pa rin ako maka-get over. Baka isipin nila ang weak weak ko naman. Minsan napapanaginipan ko pa rin si papa. sobrang linaw nung mga panaginip ko, minsan akala ko totoo na sila, pero magigising na lang ako, tapos marerealize ko na wala na pala siya. Naaalala mo pa ba? Nung kakamatay lang ni papa napanaginipan mo siya, sa loob ng panaginip ko akala ko buhay pa siya nun kaya parang normal lang sakin yung panaginip pero nung patapos na yung panaginip bigla na lang ako nalungkot kasi sabi ng mga tao na kailangan ng umalis ni papa, hindi ko alam kung saan siya pupunta kaya pinigilan ko pa siya, tapos hinug niya na lang ako tapos nag thank you. Thank you daw sa lahat...nagising ako nun, umiiyak na ata ako..hindi ko kaagad nasabi kay mama yun kasi kakamatay lang ni papa, ayoko nang malungkot pa si mama. Nung papaalis na si mama nun pabalik sa London, umiiyak na naman ako kasi nga ayoko na magtrabaho si mama doon, masyadong malayo, lagi na lang ako nahihiwalay sa family ko. Nung una nung pinag-aral ako sa grace, tapos nag OFW si mama, tapos nawala naman bigla si papa. Gusto ko lang naman ng lumaki kasama yung pamilya ko, pero bakit ganon? Nung paalis na si mama tinanong niya ako kung napapanaginipan ba namin si papa, kasi siya daw hindi. Naisip ko nun na baka ayaw na muna dagdagan ni papa yung sakit na dinaranas ni mama nung time na yun. Sinabi ko sakanya na maraming beses ko nang napaniginipan si papa. At pinapasabi ni papa na thank you raw para sa lahat. Hindi ko talaga alam kung bakit kailangan mawala na lang bigla si papa. Kung kailan medyo hindi pa kami in good terms. Ayoko na maalala yung nangyari na yun, sana talaga hindi na lang nangyari yun. Sana nakapag-sorry agad ako kay papa bago pa siya mawala pero hindi eh, masyado akong naging duwag. Hanggang ngayon sinisisi ko pa rin ang sarili ko sa mga nangyari. Hindi lang yung nangyari kay papa kundi sa maraming bagay. Yung pagkamatay ni daddy, feeling ko kung hindi ako nagpumilit na lumipat sa Ste.Anne nun, hindi siguro siya mamamatay sa cancer, kung hindi siguro akong nagpumilit na lumipat sa Ste.Anne, hindi siguro mag-aabroad si mama kasi sila daddy naman nagpapa-aral saakin. Bata pa kasi ako nun, hindi ko alam ang mga nangyayari, ngayon ko lang na-realize kung kailan matanda na ako..kung kailan huli na ang lahat. Sana talaga maimbento na yung time-travel noh? Hiningi ko lang naman talaga ang isang buo at masayang pamilya. Akala ko nung bata ako madali lang siya makuha kasi dati, nung kumpleto pa kami, hindi ko naisip yung mga ganung bagay. Naisip ko tuloy if ever man, na ikakasal ako, sino nang maghahatid sakin sa altar? Sinong sasayaw ng first dance ko? Si ahya? Ok lang sakin actually, pero sana close na kami by that time. Ngayon kasi hindi masyado. Nakakamiss lang talaga si papa. Sorry sayo ako nag rarant, wala lang kasi talaga akong mapagsabihan nito eh. Baka sumulat ako ulit bukas, kailangan ko munang gumawa ng thesis...sorry kung umiiyak ka ngayon, grabe naman tong feels ko, nag trtranscend hanggang 10 years from the future hehe... Pag saktong Feb 26, mo to binasa, may darating siguro ulit na e-mail bukas..or kung hindi mo to nabasa at inakala mong spam mail to, dalawa na siguro yung e-mail ngayon sa inbox mo or more... This has been nice...bukas na lang ulit, may deadline pa ako eh

brightandbrave:

3 months ago

awww!!! very touching letter

jsza216:

3 months ago

HAHAHA natuwa ako magbasa, nabasa na po ba 'to ng 30 years old self mo?

Load more comments

Sign in to FutureMe

or use your email address

Don't know your password? Sign in with an email link instead.

By signing in to FutureMe you agree to the Terms of use.

Create an account

or use your email address

You will receive a confirmation email

By signing in to FutureMe you agree to the Terms of use.

Share this FutureMe letter

Copy the link to your clipboard:

Or share directly via social media:

Why is this inappropriate?