Dear FutureMe,
Hi, kung mababasa mo ito, gusto ko lang magpakilala, ako nga pala si Past Self mo. Kung tatanungin mo kung ano ang kalagayan ko ngayon, masasabi ko na di ko malaman kung ano ba ang sasabihin ko sayo, kung positive ba or negative. Eme lang HAHA wala namang negative its just that nagkakaroon ako ngayon ng malaking problem, di humihinto ang pimples ko kaya di ko na alam ang gagawin ko. Patuloy ko paring ipinagdarasal na sana mahinto na'tong pimples ko. Lagi ko kasing naiisip na dadami at titindi na naman ang insecurities ko lalo na ngaong ilang araw nalang ay pasukan na namin. Syempre ayaw ko namang magpasukan na mukhang inamag ang mukha, gusto ko din namang maging presentable. Andami kong rants no!
Sayo ko nalang ikukuwento ang araw ko kasi wala naman akong ibang pagkukwentuhan. Pansin ko ngayong bakasyon is napakabilis mag-init ng ulo ko like to the point na kahit ang liit na bagay lang naman is napaka big deal na sakin. Lagi ko tuloy napagbubuntunan ng galit yung mga kasama ko sa bahay at di ko din naman mapigilan ang sarili ko kasi di ko alam kung saan naggagaling lahat ng galit ko sa mundo. Pero ang araw na ito ay parang isang normal na araw lamang kung ituturing. Wala namang bago, dati parin at di naman talaga ako nag eexpect. Pero sa bawat araw na ginawa ni G. ay umaaasa pa rin ako na sana maranasan ko yung mga bagay na gusto kong maransan at makuha. Ipinagdarasal ko padin na sana ay ako naman, sana kami naman. Pero dont get me wrong ha, di ko sinisisi si G...Back to the topic na nga tayo, masyado na tayong napapalayo. Basta kanina umaga ay tanghali na ako nagising and as usual ang una kong ginawa is nagtiklop ako ng hinigaan ko then naghilamos na ako, actually di pa nga yung hilamos kasi binasa ko lang ng tubig yung mukha ko at di ako nagsabon. Naiinis kasi ako dahil hanggang ngayon ay di pa din natitigil ang pagtubo ng mga pimples ko. Lahat ng paraan na try ko na pero di pa din😒. So yun na nga pagkatapos kong maghilamos is nagtimbang ako kasi yun naman ang lagi kong ginagawa, minomonitor ko kasi kung ilang kilo ang nabawas\nadagdag sakin and then naisipan ko magkape kasi natuwa ako sa timbang ko ngayon (54.10 kg.) then pagkatapos ko is pumunta na ako sa aking favorite place at dun ibinuhos ang time sa pag seselpon. TInawag nalang ako ni mama nung mababa na at maliligo na sa Apple Resort. Inabot ako ng 1 hour sa paliligo kasi di pa ako satisfied sa paliligo ko and nauna na umahon sila Mama kasama si Tita Julie...............................................Past Forward, madilim na and magluluto si Dhana ng Egg pero uminit yung ulo ko kasi natatak ni Dhana yung mantika and maraming nasayang and in the end ay ako parin ang pinaglinis ng kalat nya kasi wala naman akong choice. Makakipas ang ilang sandali ay duating nadin si papa, lasing sya and halatadong nasusura, di ko alam kung bakit pero tinanong daw kasi sya kung anong ulam sa bahay eh kadarating lang daw nya HAYYYYYYSSSSSTTTTTT. We're used to it, alam na namin ang mga ganoong eksena kaya di na namin pinatulan cuzzzz lalo lang yung magugulok. Iba kasi talaga si papa kapag nasa impluwensya ng alak, idunno pero ang alam ko lang is itatry ko na di maging parainom para incase na magka anak ako (katok sa kahoyyyyy) di nila mararanasan yung mga ganoong pangyayare. And ayaw ko rin talaga kasi kahit ngayon palang mulat na me na iba talaga ang epekto ng alak sa katawan. Yun lang naman ngayong araw and sana matikal na yung mga pimples and pimple marks ko and sana may maayos na bukas pag gising ko🙏 GOODNIGHT SELF LUVVVVV YOU MUCH
Ang letter na ito is hindi lang para ikuwento ko sayo ang naging araw ko ngayon, ang letter na ito ay isinulat ko kasi nagtatry ako mag type ng mabilis sa keyboard ko HAHAHA eme pero sana dahil sa letter na ito is maalala mo na kung nasaan ka man ngayon "You did a great jobbbbbbb"
Sign in to FutureMe
or use your email address
Create an account
or use your email address
FutureMe uses cookies.
Learn how we use cookies to improve your experience by reviewing our Terms of Service
Share this FutureMe letter
Copy the link to your clipboard:
Or share directly via social media:
Why is this inappropriate?