Dear FutureMe,
May 16, 2023
Hindi ko alam kung paano ako kakalma sa mga oras na 'to kasi sobrang sakit ng nararamdaman ko. Kakatapos ko lang sa masidhing breakdown last week, tapos heto na naman... Nawalan na naman ako ng kaibigan. Oh, scratch that, nawalan kami ng kapamilya. Jiyo just died today.
Nakita siya ni Kien sa labas ng bahay, sa usual and favorite spot niya sa gilid ng Fortune plant na tinanim ko, nakahiga... But hindi kagaya ng dati na natutulog lang siya... Kasi ngayon, wala na talaga siya. Yung tulog niya, hindi na siya magigising pa. Of course, seeing your dog lying on the ground lifeless is talaga nga namang nakakadurog ng puso, naiyak ka kami pareho ni Kien. And as I type these words right now, patuloy pa rin ang pag-iyak ko kasi sobrang sakit nga naman talaga.
Marami na ring napagdaanan si Jiyo, isa na r'on yung nagkaroon siya ng matinding sakit sa balat, but he still managed to survive that kahit ang akala namin ay hindi na niya maususurvive. Medyo naging malupit din sa kaniya si tatay noong nabubuhay pa sila, pero kahit na gano'n, naging masunurin, mabait, at malambing pa rin siya sa amin. I remember naming him after my friend na parang tinuring ko na ring kapatid noong pinanganak siya.
He's such a very loving dog hindi lang sa amin, kundi pati na rin sa ibang tao. Never siyang nangagat ng kahit sino kaya nga tuwang-tuwa sa kaniya ang kahit sino mang taong magpupunta rito sa bahay. Lagi rin siyang nakangiti kaya lagi siyang nasasabihang pogi, which is totoo naman. Hindi rin siya yung tipo ng aso na maarte sa pagkain, kahit kanin lang na may sabaw at asin ay papatulan niya kaya nga naman malaman siyang aso.
He has always been there for me, especially sa mga panahong nalulungkot ako. Kapag umiiyak ako, nandiyan siya nilalapitan ako na para bang sinasabi niyang magiging okay din ang lahat. Kapag naman lalabas ako tapos uuwi ako ng bahay, siya ang unang sasalubong sa akin. Tatalon-talon pa siya na para bang lagi siyang excited na makita ako. Napaka-well behaved niyang aso, kaya sobrang mahal namin siya.
Hindi namin alam kung ano ba talaga ang totoong cause ng pagkamatay niya. Isipin ko na lang siguro na tapos na ang mission niya sa mundong ibabaw.
Ang tamlay ni Bruno, ikaw pa naman mawalan ng bestie. Hanggang gabi teary eyed siya. Nakakalungkot naman.
May 17, 2023
Pakgagising na pagkagising ko sa umaga, inaya kong mag-jog sila Zed, Bruno, at Miya. Napag-isip-isip ko kasi na malaking tulong ito para maka-cope up sa pagkawala ni Jiyo. Imbis naagmukmok, makikipag-laro na lang ako sa kanila palagi para hindi sila malungkot. Siyempre noon una medyo nahirapan ako, lalo itong si Zed laging galit gusto manakit. Feeling niya lagi siyang inaagawan ng pagkain hahaha. Pero okay lang 'yon, magkakasundo rin sila soon. Lalo kapag may treats sila palagi.
Open ako for adoption ng bagong puppy para may makakasamang bago sila Bruno at Miya kapag dumating yung time na kukunin ni ni Khyle si Zed. Sana bago dumating ang araw na 'yo,n may bago na kaming aso at napataba na rin namin si Zed. Hehe.
Sign in to FutureMe
or use your email address
Create an account
or use your email address
FutureMe uses cookies.
Learn how we use cookies to improve your experience by reviewing our Terms of Service
Share this FutureMe letter
Copy the link to your clipboard:
Or share directly via social media:
Why is this inappropriate?