Dear Future You,
4 years was a long way run, and yet here I am, still in love with ü. I've left u without any reasons, without any words coming out from my mouth. I'm sorry, Ryne. I really do. Kasi napuno rin ako, napagod ako, naubos ako. U know how much I want us to work. Kasi this was my prayer since I was in first year hs. Pinagpepray ko kay Lord na kung sino man tatanggapin ng pamilya ko ayokong hiwalayan, and yet I failed. Sabi ko noon, baka tinetest lang ako ni Lord kung hanggang saan yung patience ko, kung hanggang saan yung kaya ko. Pero wala eh, ewan ko. :) Feeling ko kasi ako na lang nagmamahal sa'tin, feeling ko ako na lang nagpu-put ng effort para magwork tayo, feeling ko ako na lang yung tao doon sa relationship na binuo natin. Masyado mo akong nasaktan, and maybe ganon din ako sayo. Hanggang ngayon masakit, natrauma ako, honestly. Sa lahat ng nagawa mo. Yung time na may kavideo call ka na iba, hanggang ngayon masakit pa rin sakin yon. Parang every time na may gulo tayo at di mo ko kinakausap, feeling ko meron'g bago. May kausap kang iba. Sabi ko baka kaya okay lang na di tayo nagkakausap kasi meron'g iba? Ewan, masyado akong nagooverthink. Tapos nung time na nagkaron ng gulo between me and ur ex, circle of friends na rin. Hindi kita mahagilap non, feeling ko ako lang yung nandun na dapat sana ikaw kasama ko. Kasi ngay hindi mo man lang ako naprotektahan against them, the saddest part is isa ka mismo doon sa nangiinsulto sa akin. Bumalik sakin lahat, lahat ng pain mula nung nag-uumpisa pa lang tayo. Sabi ko baka nga mahal mo pa. Baka nga mas matimbang siya, wala naman ako choice e. Alam mo yon, akala ko sa lahat ikaw yung magiging kampi ko, kasi ganon naman sana dapat di ba? Partner nga e. Kaso wala ka eh, wala ka sa tabi ko. Tapos dun, unti-unti kong narealize na siguro kaya di mo ko mashow off noon kasi nakakahiya nga naman ako di ba? Sa unti-unting realization non, andami kong narealize Ryne. And I thank you for that.
Sorry rin kung naging selfish ako at pinili ko yung sarili ko, I had to. Kasi Ryne wala na kong makitang rason ba't dapat pa 'kong magstay. Puro pain na lang yung nafefeel ko and wala ka naman ginagawa noon para maease yon. Dati rati pag di ako okay or di tayo okay, di yun okay sayo. Dapat nga bago matulog okay tayo eh. What u want is silent treatment na lang, ayaw mo na yung nag-oopen ako sayo, pag may problema tayo bahala akong umayos, pag nagalit ako sayo, ako pa rin manunuyo, di ko na nga alam feeling noon ng sinusuyo eh. Kasi busy ka sa laro mo, studies mo, wala ka ng ibinibigay na time sakin. Kesyo mas okay na di tayo nag-uusap, less away and whstvr. Alam mo why? Kasi mas madami ka ng time sa ibang bagay, and yung nararamdaman ko non nababalewala.
Ang sakit-sakit ngay, pinakita mo how worthless I was during those times. Siguro nga okay na rin yon para maggrow tayo sa mga sarili natin, tsaka sure ako na di rin yon magwowork, kasi nasa SLU ka non, tapos ako DMMMSU, yung friends mo, ex mo andun, di rin ako mapapanatag. Pero sana ngayon okay na, ready naman ako eh. Kasi di ba sabi ko sayo di ako magmomove on sa'tin, eto oh, ikaw pa rin. :) Yung kanta ng Paramore na favorite ko nung 2018 kasi yun yung kanta ko for you, yun parin kanta ko ngayong 2025. Sabi ko naman sayo I won't let na magfade yung love ko sayo, kasi sure na ako sayo Ryne. Siguro nung 2021 hindi pa yun yung right time para sa'tin. Baka sabi ni Lord tapusin muna natin pag-aaral na'tin. Eto oh, RN na ako, sure ako na Engr. ka na. This was written 4 years ago, kaya di ako sure kung may bago ka na o baka kasal ka na. (Wag naman sana, hehe) Yun lang gusto kong sabihin, I still want the best for you, always. At lagi ka ring nasa prayers ko, magmula nung nagpart ways na tayo, di ka nawala sa prayers ko Ryne, ikaw lagi laman non, alam ni Lord yan. Alam niya how I waited for u, for us. Kasi sinettle ko na sarili ko sayo eh. Ayoko na ng bago, kasi ikaw kilala mo na ko e, u know all my flaws and scars. Alam kung gano karaming ex ang meron ako, pero honestly, I never loved them the way I love ü. Another thing no, pag nagsawa na ko sakanila, maghahanap ako ng bago, tsaka ko ieend yung connection samin. Pero that was the thing I never did, and never would do to you. Ewan ko, masaya na ko sayo eh, di lang naman ako pati pamilya ko. :)
Ready na ko magrisk ulit Ryne, ready na ko maging selfless ulit para sa'tin. You don't know how much I love you, at kung gaano ko kaayaw na tapusin yung tayo noon. Kung hindi lang para sayo, sakin, at satin hindi ko naman gagawin yon eh. Sabi ko kasi hindi ba mas selfish ako kung ipipilit ko na tayo tapos ayaw mo na pala, sabi ko baka gusto mo maggrow tayo na magkahiwalay ganon. Kasi di ba actions speaks louder than words? Ganon ka eh di ba? I missed you, I miss you, everyday. Pinaghirapan ko rin maging better person para sa akin, sa atin Angelooo.
Pero kung meron mang iba na ngayon, okay lang sa akin. I just want you to hear me out, closure na rin siguro. Kasi yun yung wala tayo non. Aminado naman ako na umalis ako na walang pasabi, pasensya na ulit, masyado lang din ako nasaktan sa mga nangyari. Gusto ko lang din magheal ng ako lang. Kasi ikaw mismo di mo ko matutulungan magheal noon kasi to be honest ikaw nagkocause ng pain noon. Tapos di ko alam paano ba kita papatawarin noon kasi u weren't even sorry for the things you've done. Alam mo yun na lang hinihingi ko noon, yung tulungan mo akong patawarin ka, pero wala pa rin eh. Pero ngayon okay na, napatawad na kita Ryne. Ilang taon na rin naman yung lumipas eh, sana ako napatawad mo na rin. :)
I love you always, my Almario. <3 (John 15:9)
Sign in to FutureMe
or use your email address
Create an account
or use your email address
FutureMe uses cookies.
Learn how we use cookies to improve your experience by reviewing our Terms of Service
Share this FutureMe letter
Copy the link to your clipboard:
Or share directly via social media:
Why is this inappropriate?