Time Travelled — about 1 year

A letter from July 16th, 2018

Jul 15, 2018 Jul 16, 2019

Peaceful right?

Dear FutureMe, hindi ko alam. masyado yata akong nao-overwhelm sa mga nangyayari. kahit sobrang sama kasi pilit tayong pinaglalayo. pero hindi sya balakid kasi alam kong mahal mo ‘ko. ewan ko ba. basta ayoko mawala ka pa sa’kin kasi handa akong ibuhos ang lahat ng natitira kong pagmamahal sa sarili ko. para sa’yo. handa ulit akong magpakatanga. para sa’yo. kasi wala akong hinangad. hindi ko in-expect na babalik ka. pero napakabait ng tadhana sa’kin at binalik ka niya. ikaw lang ang minahal ko sa lahat ng lalaking nagdaan sa’kin. sinasabi ko sa’yo. iba treatment ko sa’yo. ewan ko rin kung bakit. bukod sa sobrang mahal kita nabobobo na ‘ko. tunay pala sadya yun no? pag mahal mo yung tao, mabobobo ka. iniisip ko pa rin naman ang kapakanan ng iba pero mas matimbang ka. mas matimbang ‘yung pagmamahal ko sa’yo. alam mo, sobra akong natatakot kapag nawala ka sa’kin. hindi ko man sya pinapakita sa’yo kasi puro tayo biruan, walang dramahan pero sobra sobra talagang laki ng mawawala sa pagkatao ko kapag bumitaw ka. hindi ko na alam. kasi almost third of my life kilala kita. almost third of my life di nawala pagmamahal ko sa’yo kaya pano na ko sa susunod? kapag umalis ka. sa ngayon, sobra pang tatag ng pundasyon na na-build natin kasi babago palang tayo. pero pano kapag nakahanap kana ng kasama mong magbu-build ng panibagong pundasyon? paano ako? alam mo namang di ko kayang tapusin to ng ako lang. sinimulan nating dalawa, bakit ko tatapusin mag-isa? hindi mo naman siguro maaalis sa’kin yung thought na yun kasi nangyari na sa’tin. sobra kong insecure sa sarili ko nun. kako sa lahat ng lalaki, ikaw lang yung may lakas ng loob palitan ako. sabi nga ng iba bakit ko pa ikaw binalikan. wala eh. di ko na naisip kasi ikaw lang ang hinihintay ko bumalik. almost 4 years kita hinintay. oo marami na rin akong nakarelasyon, pero hindi umaabot sa point na masasaktan ako ng sobra pag nawala sila. mabilis ko sila palitan alam nila yun. ilang lalake na rin ang nasaktan ko. ilang beses na rin ako nagloko. alam ko kasing hindi sila ang gusto ko makasama pag tumanda ako. narealize ko yun nung tayo na ulit. ikaw talaga ang gusto ko. at ikaw pa rin ang gugustuhin ko. oo, sobrang daming mas higit sayo. marami na ko nakilala pero sobrang walang epekto nila sakin kasi nabulag na ko. kahit pa nga yata saktan moko ng paulit-ulit wala na kong pake. kasi pinangako ko na yun sa sarili ko. na once na bumalik ka, handa na ulit akong saktan ang sarili ko. at tinatanggap ko yun bilang pinakamalaking karma ko sa mga lalaking nasaktan ko. sobrang laking karma sa’kin nun kasi ikaw mundo ko. tapos kapag nawala ka pa, ewan ko na mangyayari sa sarili ko. sobrang nainis ako sa nanay ko nung sinabi niyang hiwalayan kita. parang nung una botong-boto sya. pero nung may nangyari, halos pagsukluban niya na ang langit at lupa. alam ko nasaktan ka nun. ngayon naman, yung teacher na tropa mo. medyo nasaktan ako nung pinapapili ka niya. ewan ko bakit parang ang laki ng galit nya sakin. ang sakit kasi bakit nya ikaw papapiliin? kung ako ba o sya na kaibigan niya? para saan? anong pinupunto niya doon? kahit pa alam namin kung sino pipiliin niya, hirap na hirap pa rin akong tanggapin na may galit sa’kin yung taong yun. kahit pa sinabi mong ako ang pipiliin mo, di ko pa rin lubos maisip kung gaano ba ko sumobra o gaano ba ako nagkulang sayo para ikumpara niya ako sa kanya? basta ang alam ko lang ngayon sobrang mahal kita. hindi ko man sya pinapakita pero alam mo na yun. sobrang mahal kita. to the point na ikaw lang ang binalikan ko sa lahat ng nakarelasyon ko. you’re worth the wait. you’re worth the pain. you’re worth the fight. iloveyousomuch! 071618

Load more comments

Sign in to FutureMe

or use your email address

Don't know your password? Sign in with an email link instead.

By signing in to FutureMe you agree to the Terms of use.

Create an account

or use your email address

You will receive a confirmation email

By signing in to FutureMe you agree to the Terms of use.

Share this FutureMe letter

Copy the link to your clipboard:

Or share directly via social media:

Why is this inappropriate?