Dear FutureMe,
Hi. Eto na naman tayo. Alam mo ba ang nangyari sa araw na 'to? Ayun. Sa awa ng Diyos, nakapasa ka pa sa quiz sa Stat. The best ka talaga sa cramming. Tapos ulam niyo kanina sa dinner ay yung algubati at beans na galing pa sa probinsya. Sana nalalasahan mo habang binabasa mo ito. Tapos ayun, umuulan pala kaninag umaga. Bingi ka na rin sa kakakinig ng worship song. Ngayon din ang pangalang beses na pagpunta niyo nila Judy at Sheilo sa Manila's Best. Umorder ka ng Hazelnut Iced Coffee. Ngayon din yung record contract mo sa kanila na sa Sambokojin ang libre mo sa kanila sa 18th mo. Kaya bawal ka sumuway kasi may pangako. At ngayon din ang araw na nagtanong ka kung anong papel ni Kuya Moses sa buhay mo. Iniisip mo siya kanina ng sobrang tagal dahil kinakabahan ka sa kung anong mangyayari kasi ibang klase siyang tao. Nais niya pumunta sa bahay niyo. Nais niya makausap ang nanay mo. Nais niya tulungan kang mawin ang family mo para kay Lord. Pero hindi ka sigurado kung seryoso. Pero ramdam mo na seryoso. Natatakot ka rin kasi hindi mo pa siya fully kilala. Nakarinig ka na ng false identity niya sa ibang tao. Pero hindi ka sigurado. Kasi wala pa kayong pinag samahan. Napapatanong ka kung bakit ang bilis. Napapatanong ka kung bakit siya gumugulo sa buhay mo. Tinanong mo ng paulit ulit si Lord. At paulit ulit ka na rin nagdadasal at nagsosorry kay Lord dahil kinukuha niya ang atensyon mo. At ang malala bakit mo siya iniyakan? Umiyak ka dahil natatakot kang magtiwala at nagkapag share ka sa kanya ng biglaan. Mukha kang nafall na pero kailangan bumangon at ilagay ang atensyon kay Lord. Mahirap ma aattach. Mahirap mag ka feelings. Hindi ko alam kung paano ko siya iiwasan. Hindi ko alam kung bakit pero may naoobserbahan ako sa kanya. Na sana ayos lang siya at hindi niya ako pinaglalaruan sa salita niya. Na sana tama ang hinala ko na isa siyang tunay na sumusunod kay Lord at may authenticity siya. Na sana tanggapin niya ako sa kung sino ako dahil tanggap ko siya sa kung sino siya. Sabi nila may ugali ka daw pero lahat naman kasi tayo may ugali at kung ano ano pang identity mo na parang niwarningan talaga ako pero eto ako katulad ng lagi kong ginagawa. Tinanggap kita sa kung sino ka at hindi kita tinitingnan sa kung anong ugali mo na kinaiinisan o sa physical appearance mo. Ang gusto ko ay kilala mo si Lord at close kayo at may puso kang marunong umintindi at mag think outside the box. Halata ko na may problema ka sa family mo kaya i pray na tulungan ka ni Lord. In Jesus' name. Nagulat ako kasi gusto mo ako tulungan. Kaya salamat sayo. Kailangan ko na lang siguro ay masanay na sayo? At tanggapin ka na kasi eto na eh. Nag uusap na tayo. At alam mo na ba kinikwento na kita madalas kay Lord at grabe na yung reklamo ko tungkol sayo sa Kanya. Kasi naninibago ako. I pray na maging super close tayo pero no attachment at love flings. At dalangin ko rin na isa kang maganda at good blessing sa buhay ko. Sana you will prove to me something na more than what I have thought about you. I pray na we will be super fine to be with each other. And I pray na magkaroon ako ng lakas na loob. Kung alam mo lang na grabe na utang na loob ko sayo at grabe salamat sayo ng sobra. I pray na igrant ni Lord ang desires ng puso mo. Mabait ka at may gusto ka talagang gawin na gusto mong makamit at I pray na ibigay yun sayo ni Lord if ever naman na yun ang makakapagpasaya sayo. Kung alam mo lang sana na nagtytype ako about you sa mga oras na to imbes na matulog na. Wala eh. Kailangan ko ilabas. Kuya Moses, salamat po from the very bottom of my heart. Lord, salamat po sa Iyo sa lahat lahat sa araw na ito na ipinagkaloob Niyo po sa akin. Hindi ko man po maintindihan ang mga nangyayari sa mga oras na ito, pero in God's time, I believe everything will makes sense at may matututunan ulit ako. This day is never the same as what is on this day. So ayun, matutulog na ako and thats it for today. Goodnight, Pearl. 💖
Sign in to FutureMe
or use your email address
Create an account
or use your email address
FutureMe uses cookies.
Learn how we use cookies to improve your experience by reviewing our Terms of Service
Share this FutureMe letter
Copy the link to your clipboard:
Or share directly via social media:
Why is this inappropriate?