Hi self!
Congrats sayo! Sabi ko sayo kayang-kaya mo eh😛 Pagkatiwalaan mo lang sarili mo.
Kamusta na kayo ni bessy? Kamusta na feelings mo para sa kanya? May bago ka na bang mahal? Siguro sa mga oras na ito, may bago na. Meron nang ibang taong nagpapatibok ng puso mo. Hindi na siya. Friends parin ba kayo? Better.
Naaalala mo pa ba itong sinulat mo noong after ng prelim exam ng second sem nung 2nd year ka?????
Dated: December 16, 2016
"Isinusulat ko ito sa pangalawang pagkakataon. Tungkol sa isang tao na hindi ko maintindihan ang nararamdaman. Hindi ko alam kung meron ba talaga. Hindi ko lubos malaman kung ano ba talagang tingin sa akin. At lalong hinding hindi ko masagot ang mga tanong sa aking isipan kung magkakaroon din nga ba ng kami sa tamang panahon.
Naghihintay ako. Naghihintay ako na ipadama mo rin sa akin ang matagal ko nang nais maramdaman. Kaso, hindi naman tayo. Wala namang tayo. Pero sa pagkakataong ito, umaasa ako sa mga katagang, "Darating din tayo dyan".
Gusto ko nang itigil. Gusto ko nang tumigil sa patuloy na pagmamahal sayo. Gusto ko nang itigil ang nararamdaman ko. Gusto ko nang mawala ang kilig kapag magkasama tayo. Ayoko nang kausapin ka tungkol sa iba't ibang bagay. Ayoko na yung mga panahon na sa buong oras na magkasama tayo, puro tayo tawanan at asaran. Ayoko na. Pero hindi kita maiwan. Ayokong iwan ka kahit na parang matagal mo na akong iniwan. Mali, bakit nga pala kita iiwan, wala nga palang tayo.
Pero sabi ng sarili ko, hindi pa kita mahal. Ano nga ba? Gusto kita. Hindi yung gusto kita bilang kaibigan ko kundi gusto kita ng mas higit pa sa pagiging kaibigan ko. Gusto ko lahat ng bagay na tungkol sayo at patuloy akong nahuhulog sa patibong hanggang sa sinasabi na ng puso ko na iba na yan. mukhang mahal mo na siya. Hanggang kailan.. hanggang kailan kita hihintayin sa matagal ko nang sinasabing dulo ng daan. Hanggang kailan ako maghihintay. Hanggang kailan ko hihintayin na sabihin mo sa akin na, "Halika na, sabay na nating tahakin ang patungo sa dulo ng daan na ito". "
HAHAHAHA OH ANO? TINATAWANAN MO NALANG SARILI MO NGAYON NOH??? OKAY LANG YAN!! CONGRATS ULIT!!!! GET THAT RMT❤
Sign in to FutureMe
or use your email address
Create an account
or use your email address
FutureMe uses cookies.
Learn how we use cookies to improve your experience by reviewing our Terms of Service
Share this FutureMe letter
Copy the link to your clipboard:
Or share directly via social media:
Why is this inappropriate?