Dear FutureMe,
Dalawang taon na ang nakalipas nung ginawa mo 'to!^^
Hay napakasaya ng araw mo ngayon simula nung isang araw, kasi nasabi mo na rin yung biggest secret mo kay kuya drin at ian. Grabe di ko inakala na may pareho kaming experience ni kuya drin. Nagulat talaga ko ng sobra nung nalaman ko yun, at sobrang naginhawaan ako nung nasabi ko rin sa ibang tao yung secret na kahit kailan di ko pa sinabi kahit kanino, yung secret na tinago ko ng higit sampung taon. Sobrang natouch ako kay ian kasi sobrang nakinig sya at naintindihan nya ko, di ko akalain na ganun pala si ian, parang si kuya drin din. kaya ayun sobrang komportable ko na kay muddy, parang kagaya na rin nung kay kuya drin. Sobrang close na namin ngayon, ilang gabi na lagi kaming nagkikita, nung isang araw magkasama kami from 9.30pm-6.10am!! haha. Nakaakyat na rin kami ng Carillon at nakita ang sunrise!Sobrang saya ko talaga nung araw na yun kasi lahat ng mga bagay na gusto kong gawin nagawa ko!^^
Sa sobrang close namin ni mamuy ngayon natsitsismis na kami.haha. Oh well, kung pwede lang nga na maging kami eh.hehe.kaya lng taken na sya, at mukhang mahal na mahal nya si may at malabong magkasgusto sya sakin.haha.anu ba tong iniisip ko?!haha.malamang ito yung dahilan kung baki ayokong maging sobrang close sa kanya, kasi nahuhulog ako eh.haha.
Hay sino ba kasi ang someone ko??may bf ka na ba ngayon?sino? alam mo ba totoong nakalimutan mo na si archie ngayon at di pa rin kayo ulit nagkikita hanggang ngayon.haha.buti pa sya may lovelife na.@_@
Kailan ba talaga darating ang special someone ko??Sobrang nahihirapan na kong magpanggap na walang nararamdaman kay mamuy eh, nahihirapan na kong itago ang selos ko sa kanila ni may.abayan.Baka mangyari sakin yung kakaibang lovestory ni mamuy.hahaha.
Sino na bf mo ngayon?meron ba?o wala pa rin?haha.Ngapala di ko pa rin nakukuha yung xray, d ko pa tuloy alam kung ano resulta, siguro naman wala akong malalang sakit.haha.
Hay daphnie...sobrang kumplekado ng buhay mo.May exam ka pa sa econ bukas at di ka pa nag-aaral,puro ka kasi date eh!haha.Sige ka kapag lumalala yang feelings mo for him ikaw din ang mahihirapan,eh ano gagawin ko eh di ko mapigilan eh?!wah!!! Lalo pa ngayon na sobrang close na namin, nakita na nya kong umiyak at nakita ko na rin syang umiyak.haha.
Aalis na si kuya drin sa tuesday papuntang germany,sayang naputol yung pagkkwentuhan namin, sobrang mamimiss ko talaga si kuya drin,pero buti na lang at mapapalitan ni ian.Binigay ko kay kuya drin yung baller id ko ng kkb, namimiss ko na nga yun eh kaya ibig sabihin din namimiss ko na si kuya drin, di bale 6months lang naman syang mawawala, hmm..ano na kayang itsura ni kuya drin pagbalik?hehe.
Ano na nngyari nung bumalik na si kuya drin?ano na itsura nya?malaki na ba pinagbago?^^ Kumusta na kayo ni buddy ian mo ngayon?^^
Oh sige na tama na 'to next time naman.hehe.^^
God bless you more Daphnie!^^
Epilogue
1 day laterDear PastMe,
Hahahahahaha
Sobrang natuwa ako nung natanggap ko tong email mo!
Alam mo ba na ang dami ng nagbago simula nung sinend mo tong...
This user has written an update to this letter.To see what they wrote, please
Sign in to FutureMe
or use your email address
Create an account
or use your email address
FutureMe uses cookies.
Learn how we use cookies to improve your experience by reviewing our Terms of Service
Share this FutureMe letter
Copy the link to your clipboard:
Or share directly via social media:
Why is this inappropriate?