dear future hasmin, kagabi katatapos lang ng first meeting ng AdU-Pulitika, napagsabihan ako ni josh na pressy mo na kaylangan kong ayusin dahil minister ka ulit at may posibilidad na yung attention si atty. al mapunta nanaman sakin. takot na takot ako. dahil sabi sakin na ngayon daw wala na daw silang mercy na mga prof. pag hindi ka worth it, bagsak automatic. Ngayon ko lang din na realize na motivated na ako maging lawyer at hinding hindi ako titigil hangga't magkaroon ng ATTY sa unahan ng pangalan ko. This time, hindi ko rin alam kung sino sino yung magiging ka thesis mate ko kasi walang gustong grumupo sakin. I know hindi ako katalinuhan at hindi rin ako masipag. Marami ngang nagtatanong kung paano ako pumapasa at nasa block section parin ngayon at isa pa, pano ako naging minister sa org e hindi naman daw ako worth it. Future Hasmin, ipapakita ko sayong worth it ako, na pag rating ko diyan sa march 2017 masasabi mo sa sarili mong worth it ka kasi ginawa mo yung lahat na kaya mo at itinataas ko kay Lord na iniiyakan ko gabi gabi na makakagraduate ka on time kahit na maraming tao na nagsasabi sayong wala kang pagasa. Alam ni saint jude sa st. vincent church na basang basa lagi yung paa dahil lagi ko siyang dinadaanan at hinahawakan kung gano ko pinangarap at pinaghirapang dasalan at pagsumikapan na makarating ka diyan sa kinaroroonan mo. Alam ng mga kaybigan ko kung gaano ako umiiyak after lahat ng recitation at lahat ng mga papers dahil napepressure ako sa sarili ko. Hindi ako matalino oo, kahit alam ko yung sagot minsan na paulit ulit kong inaral nawawala parin sa utak ko, hindi ko alam kung paano ko iconstruct kaya pagdating ng recit, samahan mo pa ng nakakatigdig balahibo na tingin ni atty, al at atty. dianne, puro blangko. Nagaaral po ako, hindi lang halata. Promise, I do. After lahat ng recit I feel shitty and bobo. Feeling ko napaka tanga ko. Sasabihan ako ng
"veloria, did you study?"
"pacute cute lang naman siya ka siya nakapasa"
"hindi ko nga rin alam kung pano siya nakapasa sakin"
"oh bat ka pa pumasok sa klase ko? drop ka na ah"
"matuto kang magaral bago ka lumandi"
"student muna bago maging leader"
"wala ka pang recitation sakin na matino"
"bakit wala kang masagot?"
"veloria, nagbasa ka ba talaga?"
at ang pinaka sikat na
"SHAME"
Hindi pa nagtatapos dito lahat dahil may law school pa. At kahit muka akong matapang, balat sibuyas parin ako. Oo, natatakot ako sa law school. Natatakot ako sa mga mangyayari dahil mas nakakatakot pa daw kay atty. Al at atty. dianne, kay sir padz at at ma'am pao lahat ng mga makikilala namin doon, hindi ko alam kung pano pa mangyayari yun kasi akala ko sila na yung pinaka nakakatakot sa lahat ng prof ever, seriously. Pero, pagsusumikapan ko, dahil ginusto ko to e.
future hasmin, alalahanin mo na pangarap mo to, pangarap mo para sa mga magulang mo to. Parangap mo para sa nanay mong minsan din nangarap maging abogado ngunit walang pampaaral nung panahong iyon na simula bata ka pa ay minulat na yung mga mata mo upang makita ang kahalagahan ng edukasyon. Parangap mo ito para sa tatay mong pulis at pulitiko dahil marami ang naninira sakanya. Naalala mo ba noong bata ka? wala kang magawa kahit pinagtutulungan nila ang tatay mo, wala kang masabi kundi "hintayin niyong maging abogado ako." Pangarap mo to sa sarili mo, na simula bata ka palang naiimagine mo na yung sa sarili mo sa loob ng korte. Naiimagine mo kung gano kadaming tarpaulin ang ibabandera ng tatay mo sa buong barangay para sayo kapag nakapasa ka ng bar. Naiimagine mo kung paano magiiba yung tingin nila sa hasmin na akala nila dati ay hindi makakapag tapos ng high school sa sobrang tamad at walang patutunguhan sa buhay.
Ipakita mo kung pano mo abutin yang pangarap mo. Wag mong pansinin yung mga nanonood at naghihintay lang na bumagsak ka. Hindi nila to buhay, Sayo ito.
Wag kang matakot sakanila, wag kang matakot sa lahat.
Maging inspirasyon mo sana itong sulat ko lalo na finals na ngayon.
kakayanin mo yan hasmin at ihanda mo na yang toga mo.
Sign in to FutureMe
or use your email address
Create an account
or use your email address
FutureMe uses cookies.
Learn how we use cookies to improve your experience by reviewing our Terms of Service
Share this FutureMe letter
Copy the link to your clipboard:
Or share directly via social media:
Why is this inappropriate?