Dear Future Mich,
Oi te! Buhay ka pa pala? Akalain mo yun, buhay ka pa (ako)! Hahaha! Cheers! Alam mo kasi, I wrote this four years ago, nung hindi maganda ang mga pangyayari sa buhay ko (mo). But seeing that you are now reading this letter, ibig sabihin na-survive mo tong one hell of a chapter ng buhay mo, ng buhay natin. So congrats!
Na-realize ko na ang weird magsulat para sa sarili, nalilito ako kung anong pronoun gagamitin ko. For clarity, "ikaw (2020 Mich) at "ako" (2016 Mich) na lang. Tutal, mukhang malaki naman ang mababago ng four years sa isang tao; I'm pretty sure hindi na ikaw ako. Magkaibang tao na tayo. Gets mo?
So kumusta ba ako? Hindi ko alam kung naaalala mo pa ang mga nangyari sayo nung 2016, pero medyo mabigat te. You started the year with TB, nagleave sa Rex for two months, at pagbalik mo nalaman mong may girlfriend na si JJ. Actually, kanina ko lang nalaman yung sa girlfriend thingy, at hindi ko alam kung pano ilalabas tong mga luhang gusto kong iiyak. Today, galing din kami ni Vince sa Dangwa, namili ng succulent at cactus na gift niya sa tatay niya. Binilhan ko ng sunflower si Buchi (request niya) at si AJ (dahil kinomfort niya ako nung malaman kong may gf na nga). Ayan, dahil dyan, may mga tanong ako sayo:
Una sa lahat, kumusta si Mama? Papa? Kuya? Okay si Mama right now, ganun din si Papa, pero inuubo siya. Si Kuya nasa work as always. Night shift pa rin ba? Sila pa rin ba ni Flovel? O kasal na sila? Sa Makati pa rin ba kayo nakatira? O nakakita ka na ng rent to own na bahay (Pinaplano KO yan ngayong 2016).
Sa Rex ka pa din ba? As of the moment, wala pa naman akong planong magresign. Masaya pa ako sa trabaho ko. Eh ikaw? Nasaan ka na? Gusto mo pa ba ang ginagawa mo? Umalis ka na ba sa publishing? Nakapagstart ka na ba ng Educ units? Sa PNU? O tapos mo na ba?
Saan ka na nakapagtravel? Gusto kong makaalis man lang ng bansa para magbakasyon. Nakapunta ka na ba sa Wizarding World of Harry Potter? Eh sa Batanes?
Si Kollene, nakauwi na ba ng Pilipinas? O nasa Singapore pa din? Si Vince, nagseminaryo na ba? Nage-MS theology siya ngayon sa UST. Binitawan na ba niya ang pangarap niyang magpari? Kasal na ba sina Leah at Ardee? Eh si Angel at Nicole nasan na? Si Michael at Liezel? Si Carmen at Earlo?
Kumusta na ang kalusugan mo? Lungs mo kumusta? Nag eexercise ka ba?. Mataba ka na ba? Baka panay internet ka ha... Inaalagaan mo ba ang sarili mo?
Mahal mo pa ba si JJ? Sa puntong to ng buhay ko para kasing di na ko makaka-move on eh. May boyfriend ka ba? O single ka pa din? Gusto ka ba ni Buchi? O talagang wala kayong pag-asa? Anong estado ng puso mo?
Kilala mo pa ba ang Diyos? May faith, hope, and love ka pa ba sa kaluluwa mo? Bumalik ka na ba sa Diyos? This is the darkest night of my soul. This season is the worst. I am depressed to the point of losing my purpose. Para na akong robot ngayon. Eh ikaw? Naka-survive ka ba sa depression ko? Bumalik ka na ba sa simbahan?
Sana nasa mabuti kang kalagayan. Dahil ngayon down na down ako, hindi ko alam kung maaabutan pa kita. O mapagbubuti pa kita. Kung gaganda ba ang kalagayan mo. If you turned out to be worse than I am, I owe you an apology. Hirap na hirap akong lumaban eh. Labanan lahat ng sakit ko ngayon. Ang sakit sakit, Mich. Ayokong maranasan mo pa to ulit, assuming na nakalampas ka.
Sana mabuti ka nang tao. Sana may joy pa rin sa puso mo kahit malapit ka nang magtrenta. Sana mas malakas ka kesa sakin. Weak ako sa puntong to ng buhay ko eh. Pero sana, sana talaga, kumakapit ka kahit mahirapan ka ngayon. Sana hindi mo nalilimutan ang Diyos.
Kung mabuti ang kalagayan mo, nagpapasalamat ako sa Diyos. It just proves na mabuti talaga Siya at hindi ka Niya pababayaan.
Yun lang, Mich. Wag mo sanang kakalimutang malakas ka, maganda ka, mahalaga ka, karapat dapat kang mahalin (ayan, at this point umiiyak na ako habang sinusulat ko to). Kahit ano pang kinalabasan mo, I am proud of you dahil buhay ka pa at lumalaban sa buhay. Aja Mich! God bless you!
Love lots,
2016 Mich
Sign in to FutureMe
or use your email address
Create an account
or use your email address
FutureMe uses cookies.
Learn how we use cookies to improve your experience by reviewing our Terms of Service
Share this FutureMe letter
Copy the link to your clipboard:
Or share directly via social media:
Why is this inappropriate?