V,
Isang taon na pala. Ang nakalipas. Ang nakaraan. Mula nang una tayong magka-usap sa isang sketchy website. Na Omegle. Naaalala mo pa ba yung panahong yun? Ako, oo. Naalala ko pa. Nang umagang yun ng June 30, sa dinami-dami ng naka-chat ko nang gabing iyon, na puro Batch 10 pababa, sobrang umay na at biglang napa-chat sa'yo. Ang galing ng pagiging FC ng chat na yun. Ang daming sharing at revelation agad. Umabot ng alas siyete ng umaga. Cool lang. Ayos lang. At na one of the firsts na umamin ako ng identity ko. Sobrang weird man, pero bahala na lang.
Ilang araw na pagpapalitan ng texts at chats na umaabot ng hanggang alas otso o alas nuwebe ng umaga. Tapos three days after, nagkita na nga tayo, matapos na makuha mo ang number ko sa FB (at mangulit ka ng pagtetext), kahit pa sinabi mong dapat di ko nilalagay ang mga ganung information sa Facebook ko. Yung pagkikita na chill lang, na parang close agad. Ilang oras na kwento sa Starbucks Technohub, dinner at inuman sa Sarah's na nakita pa ng brods mo. Tapos yung pelikulang, "There wath(was) never an ath (us)" movie nila Sarah G at Coco. Na nasundan ng SDTG at 1st ko si 3rd sa sinehan at kung anu-ano pa. Andaming ganap.
Isang taon na pala mula nung unang pag-uusap na yun. Ngayon, wala na. Kahit isang kamusta at hi, wala na. At ilang buwan nang wala nang "tayo." Parang di na lang nag-eexist ang isa't isa. Pag napapadaan ako sa ASCAL walk, hindi ko alam nararamdaman ko pero sobrang kaba at sketchy talaga. Ewan. Ewan lang.
Nag-o-omegle pa din ako paminsan-minsan. Nagbabakasakaling baka andun ka din. At maka-chat muli. Baka sakaling mabura lahat at magchat tayo na parang dati. Yung wild palitan ng messages, Pero hindi na nga pala ganun yun. Sa perpektong mundo, oo magkakachat tayo at mag-uusap muli. Pero hindi nga pala perpekto ang mundo, maski tao, kaya malabong mangyari na yun.
Pasensya ka na. Pero na-block kita sa FB, panay tingin pa din kasi ako sa profile mo para makibalita. Sobrang stalker mode nga at totoo, sinasaktan ko lang ang sarili ko sa mga nakikita ko (kung may ka-date ka o parang masaya nang wala ako). Kasi wala na nga pala. Walong buwan na din. Pero bakit ganun? Di pa din ako fully recovered at makalimot. Napapanaginipan pa din kita paminsan-minsan, pati mga brods mo. (Kumusta pala sa mga brods mo). Sobrang labo. Ganun ata yun. Naiwan na lang ako sa past. Sa feeling na may perpektong mundo at baka magkatotoo ang iniisip ko. Hindi na ako tumanggap ng ligaw mula nung wala na. Wala na talaga.
Mukhang move on na move on ka naman na. At di na talaga nag-eexist sa nakaraan ng buhay mo. Ako, sikretong nakalimot lang sayo. Kasi bawal na. Masyado nang matagal. Masyadong kupas na ang alaala. Ako na lang ang naiwan.
Ewan at sumusulat pa ako sa'yo ng ganito. E pagka-send ko naman nito, parang hangin na lang naman ito at baka di mo pa mabasa (dahil maling address) o basahin (dahil sino ba naman ako!?). Pero gusto ko lang mangamusta. Sana. Gusto ko lang malaman kung ano'ng balita? Hindi na ba talaga kayang maging friends o whatever. Oh my, baka iniisip mo na sa pagkakataon ito (kung basahin mo man), na ako pa din si Pathetic girl na panay sorry at “habol” pa din sa'yo. Or not. Nakakainis noh? E ganun talaga e.
Namimiss lang kita. Paminsan-minsan. Naaalala ka pa din. Oo. Sana ikaw, kahit papa’no ay may ganung moment din. Pero asa naman noh?
So yun. Grabe naman tugtugan habang tinatype ko 'to. Someday ni Nina. Masyadong malungkot, masyadong nakakalungkot. Masyadong nakaka-ewan.
OO NGA PALA! CONGRATS KUNG GRADUATE KA NA!
Sana maging successful ka sa tatahakinmong career, Vernon.
Nangangamusta at nagpapaalalang naaalala ka,
Nics
Sign in to FutureMe
or use your email address
Create an account
or use your email address
FutureMe uses cookies.
Learn how we use cookies to improve your experience by reviewing our Terms of Service
Share this FutureMe letter
Copy the link to your clipboard:
Or share directly via social media:
Why is this inappropriate?