Dear V,
Kumusta ka na? Ano na pinagkakaabalahan mo ngayon?
Simula kasi Sept24, naging sketchy na ang lahat. Hindi ko na alam kung ano'ng nagaganap sa buhay mo, wala na akong balita sa'yo. Ayaw mo kasi akong kausapin muna simula nang magtalo tayo. Dahil dun, totoo nga siguro na mas nalalaman mo ang worth ng isang bagay o tao pag nawala na sa'yo. At nakakadepress pala talaga. Ngayon ko nalilinaw na kahit pala gaano kadami ang pagkakaiba niyo ng taong mahal mo, kung mahal mo talaga, mas iintindihin at uunawain mo pa din... Pero masakit din palang maramdaman na nakakaya ng taong mahal mo na iparamdam sa'yo na hindi ka man lang niya naaalala o naiisip.
Two days from now (na sinulat ko ito), sa Oct 7, 100 days na nating magkakilala. Ang bilis lang. At itong sulat na ito, matatanggap mo sa mismong kaarawan mo (sana tama email address na ginamit ko). Meron pa kayang "tayo" nito? O napagdesisyunan na ng isa't isa sa atin na tapusin na lang ang lahat at wala na? Naging fratball date mo pa kaya ako? O iba na ang ka-date mo?
Andaming tanong. Andami kasing biglang hindi na sigurado.
Mahal kong Vernon, kung saka-sakali mang hindi na nga "tayo" sa araw na ito, sana masaya ka na sa buhay mo. Sana ako din. Sana magkaibigan o nagpapansinan pa din tayo. Alam ko sobrang hirap kong intindihin (ganun ka din naman), pero nagpapasalamat akong inunawa mo ako kahit papaano (kahit halos 2 buwan lang). Sana lang mas dinamihan mo pa ang pang-unawa at pasensya mo para sana tayo pa din. Gusto ko ding malaman mo na sa mga panahong may tayo, minahal kita: tunay, wagas, at dalisay. Dahil sa'yo, binigyan ko ulit ng chance ang sarili kong maniwalang may "true love" at na magtiwala't magmahal muli. Hindi rin ako nawalan ng pang-unawa at pang-intindi sa'yo. Ayoko kasing dumating ang panahon na isumbat mo sa'kin ang pagkukulang ko bilang girlfriend mo. Sana alam mong ginawa ko naman ang best ko para maging "best gf" sa iyo kahit pa hindi naman talaga ako physically sweet sa'yo, nag-try pa din naman ako.
Pero masakit pa din pala pag nawala (o isipin mang nawala na). Tapos pag nasaktan kang muli, pati yung mga dating sakit na naramdaman mo sa ibang tao ng nakaraan mo, babalik kaya mas masakit sa pakiramdam. Nakakabaliw. Mas nakakatakot na ulit sumubok kung saka-sakali. Mas nakakatakot nang magtiwala pa ulit.
Pero mahal, tiwala ako sa ating dalawa, na magiging okay pa din tayo. Na malalampasan natin ang issues natin sa isa't isa. Sana lang talaga kung mabasa mo ito, sana tayo pa din, sana 2nd monthsary natin na babatiin mo na ako ng "happy 2nd monthsary" at masaya tayo! At sana ako pa din ang fratball date mo, sexy loves. Kung ako ang fratball date mo, kikiligin siguro talaga ako (di nga lang halata). Alam mo naman, never ko pa naexperience ang mga ganitong event o na maging formal date ng isang tao. At kung saka-sakali, magkasama tayong magce-celebrate ng birthday mo! Matagal ko nang iniisip ang surprise ko niyan sa'yo e, sana nga magawa ko pa din.
Sa totoo lang, nung unang magkakilala pa lang natin, yung pagkakakilala ko pa lang sa'yo, naimagine ko naman na ang future kong kasama ka. Natutuwa talaga ako pag sinasabi mong nabuo mo na ang bahay mo sa future na may painting room (para sa akin), na nakita mo na ako para sa future mo. Na tuwing magigising ka sa umaga't kasama ako, masaya ka at gusto mong sa bawat araw na paggising mo, ako yung kaharap mo. Na gusto mong kasama ako palagi. Kaya ako, ganun na din ako. Ginusto ko na din yun. Naimagine ko na din ang "tayo" sa future.
Mahal, alam kong naging sketchy na tayo. Pero sana talaga, kapit lang. Ikaw na din naman nagsabing hindi magiging madali ang lahat. Na hindi tayo palaging masaya. Sana naaalala mo pa lahat yun. Lahat ng sinabi natin noon sa isa't isa, nung ligawan days pa lang. Sa tuwing nalulungkot ako o naiisip ko kung mahal mo ba talaga ako, binabasa ko lang yung mga sulat mo sa akin, pati yung mga texts mo na masaya at nagiging ok na ulit ako at iintindihin ko na lang ulit ang sitwasyon. Iniisip ko na lang na sana namimiss mo din ako. Na sana totoo nga na mahal mo ako at iinitindihin mo din ako. Na sana puntahan mo ako ngayon at mag-uusap na tayo.
Pero kung sa araw na mabasa mo ito na hindi na nga tayo, hindi ko alam kung maging masaya pa nga ba ako o magiging okay pa ako. Malulungkot talaga ako. Iiyak ako panigurado. At iisipin kung bakit hindi naging okay yung "tayo," akala ko pa naman ang swerte mo na at may nakilala kang kagaya ko na never mo na papakawalan, akala ko andiyan ka lang forever sa tabi ko, akala ko hindi lang pang-isang buwan ito. Aasa pa din ako na kakailanganin mo pa din ako dahil sabi mo nga dati, kailangan mo ako dahil mahal mo ako at mahal mo ako dahil kailangan mo ako. Kung dumating man ang araw na iyon, andito lang naman ako (sana alam mo yun). Pero kung wala na talaga, may magagawa pa ba ako?
Nakakaiyak isipin na walang tayo. Umiiyak na ko habang sinusulat ko ito. Ansakit isipin. Ayoko nang isipin. Sana na lang malagpasan na lang natin ang mga issues natin. Sana intindihin at unawain mo pa ako. Sana pag may di pagkakaintindihan tayo, may magbaba ng pride at umunawa. Sana andyan ka pa din at meron pa din na tayo. Sana marami pa tayong pagsamahan na magkasama.
Alam ko hindi madali ang lahat, pero mahal, kapit lang. Wag mawalan ng pag-asa. Hindi man maniwala ang lahat, naniniwala pa din akong malalampasan natin ito lahat. Kung tayo pa din, wag mo na lang isipin ang mga what ifs ko maliban sa totoong minahal at inintindi kita. Kung tayo pa din, magiging masaya pa din tayo. Dapat masaya pa din tayo.
Haaaay. Sana talaga forever kitang #1 fan, bestfriend, brod, bebe loves, sexy love, mahal, at makasama pa ng mas matagal.
Mahal kita, sexylove! I can't breath. Ikaw lang sapat na sana. HAPPY BIRTHDAY PALA SA'YO! <3
Nagmamahal,
Nics <3
P.S. pasensya na ang labo ng flow ng thoughts ko. Ang hirap kasi mag-isip at makaramdam, pero sure ako, hindi ko man sigurado at sketchy na ako sa word na mahal, pag kasama kita, feeling ko yun na yun talaga...
P.P.S para sana sa 1st monthsary, kung di mo pa nakita. Paalala ko lang kung ganu ka ka-love: http://danicallyproven.tumblr.com/post/98316310180/happy-first
(THIS WILL BE SEND ON NOV 5, 2014 (bday ni mama), dahil ang letter daw dapat ay 30days mula sa sinulat. Mas iisipin ko kung push pa nga ito, sorry malelate ng ilang araw)
Sign in to FutureMe
or use your email address
Create an account
or use your email address
FutureMe uses cookies.
Learn how we use cookies to improve your experience by reviewing our Terms of Service
Share this FutureMe letter
Copy the link to your clipboard:
Or share directly via social media:
Why is this inappropriate?