Time Travelled — almost 5 years

A letter from March 25th, 2014

Mar 28, 2014 Mar 28, 2019

Peaceful right?

Dear FutureMe, Hi Christine! Gusto ko lang ipaalala sayo na nung panahon sinusulat mo tong e-mail na to eh napaka apathetic at apolitical mo. Lagi mong sinisisi yung poor quality ng high school at elementary education mo kaya ka ganun pero sana marealize mo na hindi lang naman mga guro mo nung high school ang dapat na humuhubog sayo (though malaking factor sila), effort effort din na mag-aral at matuto by yourself pag may time noh? Sana sa panahong binabasa mo to, isa ka nang produktibo at matinong mamamayan ng Pilipinas. Sana hindi na lang napapako sa homosexuality at mga personal na interes mo lang ang ginagawa mong mga papers, research proposal at thesis. Sana patungkol sa national interest na. Freshie ka pa lang noong sinusulat mo to at sana naman sa panahong matatanggap mo ito ay nakagraduate ka na! Alam ko na malamang malaki na ang ipinagbago mo sa panahong babasahin mo na ulit ang e-mail na ito. Hindi na ikaw yung freshie na memasabi sa mga papers mo at napaka rhetorical ng mga argumentong inilalatag. Alam ko na sa panahong babasahin mo ito, isa ka ng hubog na Political Science major na iniisip hindi lamang ang yumaman o mag law kundi ang paglingkuran ang bayan. Ngayon, bakit mo ba sinulat ang e-mail na ito? Baka sakaling nakalimutan mo na, sinulat mo to para sa bonus points sa Socio 101 at hindi para mag-ala Ginny ng Starting Over Again. Maaaring pagtawanan mo to sa panahong mabasa mo dahil napaka walang kwenta ng construction pero okay lang yun. Para naman maalala mo na dumaan ka phase ng buhay mo na hindi ka ganun kagaling at katalino. Gusto ko sanang pasukan ng kung ano-anong mga makayugyog ekonomiyang sociology 101 concepts tong sulat na to, pero pinili kong wag gawin yun sa kadahilanang isinusulat ko na to hindi para kay mam kundi para sa future na ako, para sayo. :)) Bonus na lang kung bibigyan ako ni mam ng plus para dito. Hahaha. Anyways, ano nga ba natutunan mo sa Socio101 mo? O kahit ano sa freshie life mo na marerelate mo sa Socio? Actually, parang halos lahat ng bagay na umiiral sa lipunan marerelate sa socio. Pero ang pinakamahalagang bagay na natutunan ko sa UP, so far, ay ang pakikialam. Pakikialam sa paraan na ikakaunlad ng nakakarami. Dati nung high school ka pa lang at nag-aaral ka sa isang conservative Catholic school, wala kang pakialam sa mga nangyayari sa lipunan. Oo, nagsusulat ka at nagrerecite sa mga klase mo noon ng mga saloobin mo pero wala ka naman talagang konkretong aksyon na ginagawa para ma-solusyunan yung mga problemang yun. Ang iniisip mo lang ay ang makakuha ng mataas na grades, grumaduate ng may honors, makapasok sa magandang university, makagraduate ulit, maghanap ng trabaho, mag-asawa at yumaman. Yun lang. Walang mga keme kagaya ng paglaban para sa karapatan ng mga magsasaka o ng mga manggagawa o kahit para karapatan ng mga estudyante. Pag tinatanong ka ng mga tao bakit gusto mo mag law o mag Political Science, ang sagot mo eh para makatulong sa mga kababayan mo. Hypocritical na sagot. Alam mo sa sarili mo na ang gusto mo talaga sa buhay ay yumaman. Hindi ka naman ganun kahirap, sakto lang. Pero sino ba naman ang may ayaw yumaman? Life long goal mo yun eh. Pero mejo nagbago ang takbo ng buhay ng pumasok ka sa UP, though gusto mo pa rin yumaman. Ang tingin mo noon sa UP eh isang breeding ground ng mga aktibista. Totoo naman, madami talagang aktibista. Pero ang kaibahan ngayon, alam mo na kung ano mga ipinaglalaban nila. Meron mga iskolar na lumalaban para masugpo ang kahirapan at meron din naman mas nakaka-relate ka, dun yun sa mga iskolar na ipinaglalaban yung mga karapatan ng kagaya mong estudyante. May mga pagkakataon na gusto mo ng makiisa sa paglaban pero hindi mo magawa. Hindi mo magawa kasi pakiramdam mo hindi mo kaya. Hindi mo kaya at wala kang karapatan. Wala kang karapatan kasi hindi mo naman ganun pinagbubuti yung pag-aaral mo. Napaka babaw ng mga nalalaman mo tungkol sa mga isyu at hindi ka nageexert ng effort para mapalawak yung kaalaman mo. Sana sa panahon na binabasa mo to, eh kaya mo na. Kaya mo nang tumayo para sa mga ipinaglalaban mo. Sana kaya mo nag mag-analisa ng mga isyu ng mas maigi. Sana hindi ka na lang isang apathetic at apolitical na mamamayan. Ngayon, anong konek niyan sa Socio? Yan kasi ang pinaka natutunan ko sa paggawa ng research ko. Hahaha. Na dapat hindi napapako ang pagtingin sa superficial na mga bagay. Dapat matuto kang lumubog sa kung ano talaga yung gusto mong aralin. Na hindi lang basta basta ginagawa yung pag-aaral. Pinag-uukulan dapat yun ng oras at panahon. Dapat matuto kang maging kritikal at mabusisi. Hindi yung tatango ka lang ang maniniwala sa lahat ng nababasa at nakikita mo. Hindi yung madali kang nauuto ng mga tao na tingin mo eh mas nakakataas sayo. Ipaaalala ko lang sayo yung nakasulat dun sa acceptance letter mo sa UP. "Mabuhay ka bagong Iskolar ng Bayan! Ialay ang galing at talino sa sambayanan." Sana sa panahong mabasa mo to, isinasabuhay mo na yung nakasulat dun sa acceptance letter mo.

Load more comments

Sign in to FutureMe

or use your email address

Don't know your password? Sign in with an email link instead.

By signing in to FutureMe you agree to the Terms of use.

Create an account

or use your email address

You will receive a confirmation email

By signing in to FutureMe you agree to the Terms of use.

Share this FutureMe letter

Copy the link to your clipboard:

Or share directly via social media:

Why is this inappropriate?