Press ← and → on your keyboard to move between
letters
Dear FutureMe,
Dear Rosie in the Future, sinulat ko ang sulat na ito para ipaalala sa iyo kung sino ka at ano ka sampung taon na ang nakakaraan. Ikaw ay 23 taong gulang walang trabaho, umaasa sa magulang, hindi makapagdesisyon ng sarili at higit sa lahat kulang ka sa self-esteem. Alam kong andami mong napagdaanan simula nung bata ka, marami kang napagdaanang hirap sa pakikipagkapwa dahil sa pisikal na katangian na hindi katanggap tanggap sa iba ngunit alam ko na ikaw ay tinanggap ni Jesus. Masyado mong dinadown ang sarili mo dahil hindi ka pinanganak na perpekto. Madalas ikumpara mo ang sarili mo sa iba o kaya naiinggit sa ibang tao na meron sila na wala ka. Ngunit sa kabila nito, ikaw pa rin ay nagpapasalamat dahil may mga tapat na kaibigan na kumakalinga sa iyo at mga magulang na gumagabay at naniniwala sa iyo. At ang iyong kapatid na nagbibigay lakas ng loob sa iyo. Sa edad na 23, dapat ikaw ay nagsisimula na sa pagharap ng future mo pero naiintindihan ko na mahirap dahil hindi biro ang napagdaanan mo. Bagamat ilang taon nang nakaraan, pilit mo paring isinasaisip ang mga bagay na maari mong ikahiya. Meron kang Ptosis. Nahihiya kang humarap at makipag usap sa kapwa dahil iniisip mo na baka ikaw ay libakin lamang. Pero proud pa rin ako sa iyo kase kahit mahirap ay pinipilit mo pa ding kayanin na magbago.
Ngayong araw na ito sa kaarawang ito, sa pagbasa mo, maaring ikaw ay nasa ibang bansa na, may trabaho (nurse man o sa fashion industry), may asawa't anak o kaya boyfriend. Nakakatulong na sa mga magulang o kaya may sariling lupa at bahay na naipundar o kaya naman ay nag migrate ka kasama ng mga magulang mo sa ibang bansa kasama pati ang kapatid mo. Nais kong basahin mo ito upang ipaalala sa iyo na ikaw ay naging matatag sa kabila ng mga unos sa buhay. At higit sa lahat Happy 33rd Birthday Rose!!!!
Sign in to FutureMe
or use your email address
Create an account
or use your email address
FutureMe uses cookies, read how
Share this FutureMe letter
Copy the link to your clipboard:
Or share directly via social media:
Why is this inappropriate?