Press ← and → on your keyboard to move between
letters
Dear 18 years old rich,
5 months nalang mag 18 kana :)) sana naman masaya ka sa bday mo kung ano naman celebration yan bawi nalang tayo sa magiging anak natin alam kong gustong gusto mo mag debut, grande na debut pero wala hindi natin kaya yun kasi una sa lahat hindi naman tayo mayaman o kaya yung fam natin alam natin na hindi tayo gaano kaoopen sakanila kaya natatakot ka na baka may ma react sila if ever man na ganun sana gets mo. di ko alam kung anong nararamdaman mo ngayon, pero gusto ko lang sabihin na ang layo na ng narating mo. ang dami mong iniyakan, ang dami mong tiniis, pero tingnan mo nakapasok ka sa ust :,)) yung school na iniiyakan mo dati kasi feeling mo never ka makakapasok. kasi walang pera, kasi ang daming kulang. pero andito ka. you made it. and i’m soooooo proud of you kahit minsan nakakalimutan mong i-celebrate sarili mo proud na proud ako sayo lagi. sana nasasabihan o masendan ko rin yung dating ako na gustong gusto makapasok sa ust kasi hindi niya alam na sa dream school niya tayo nag aaral ngayon. sana kahit pagod ka, naaalala mong maging thankful. kasi dati dasal mo lang ‘to. literal na iyak ka ng iyak dati, feeling mo wala kang future. tapos ngayon? student ka na sa dream school mo. deserve mo yann basta aral lang ng mabuti magigung piloto ka rin.
sa school, i know nakakapagod. minsan parang di mo na alam paano ka tatayo. pero please, pahinga ka rin. wag mo masyadong pahirapan sarili mo. okay lang di perfect. okay lang di palaging mataas grades. ang mahalaga, sinusubukan mo.
sa friends, sana kasama mo parin yung mga totoong tao. yung hindi lang nandyan pag okay ka. sana natuto ka na rin i-let go yung mga hindi mo na deserve.
kay dale, ewan. if kayo pa ngayon, sana mas okay na. sana mas nakakapag-usap na kayo nang maayos. sana hindi ka na paulit-ulit nasasaktan sa tahimik lang. sana marunong na siyang rumespeto sa nararamdaman mo. sana mas sweet na siya, hindi lang pag feel niya, kundi kahit ordinary day lang, kasi deserve mo naman yung lambing at effort.
sana mahal ka niya in a way na hindi ka na nagdududa. kasi pagod ka na kakatanong sa sarili mo kung mahal ka pa ba talaga. ang dami mong binigay. yung tiwala, yung patience, yung understanding, kahit minsan wala ka nang natira sayo. kasi mahal mo eh. kasi pinili mo siya. pero kung hindi na kayo ngayon, kung natapos na rin kahit anong pilit mo, sana okay ka na kahit papano. kasi alam ko gaano mo siya minahal. alam ko kung gaano mo pinaglaban. hindi mo deserve ‘yung laging ikaw lang. hindi mo deserve ‘yung nagmamahal ka habang tinatanong mo kung sapat ka ba.
hindi sayang ‘yung love na binigay mo sa kanya. totoo ‘yun. kahit masakit, kahit parang binura lahat, alam mo sa sarili mo na totoo ka. and one day, makikita mo rin kung bakit kailangan mo munang masaktan.
love doesn’t have to hurt all the time. love is supposed to feel safe. and i hope, with or without him, natutunan mong mahalin sarili mo nang buo.
pero sana kayo parin :,) sana kayo parin please love na love ko si dale pero ang hirap masaktan ng tahimik ang hirap pag kailangan mo siya pero wala siya kasi mismong actions niya na ang nag sasabi eh nakakaiyak miss ko na yung dating siya ang sabi niya ibabalik niya yung self niya na yun pero bat ganun? wala. sana rin na matuto ka na maging open sa nararamdsman mo please wag kana masyadong mag kimkim kasi lalo ka lang masasaktan at mapapalayo sa lahat. sana if ever na wala na kayo sana may meet ka na pinagdadasal natin kay God na mamahalin ka palagi yung love na love na love ka in a way na ganung love na gusto mo kasi ayun lang naman hinihingi mo alam ko yun and sana yung taong yun is maka Diyos, mabait, matalino, hindi ka sasaktan o d ka papabayaan, mayaman, matangkad, ****, gwapo pogi basta lahat may emotional intelligence, green flag at mahal ka ng family niya pero sana si dale na yan if hindi i hope may ma meet ka na ganun. i love you alam kong cringe pero sana piliin mo sarili mo at matutong mag stand up para sa sarili.
ayun lang. proud ako sayo. kahit pagod ka, kahit gulong gulo isip mo minsan… di ka sumuko. ang tapang mo. sobra.
- draft from july 04, 2025
- sent may 28, 2026
Sign in to FutureMe
or use your email address
Create an account
or use your email address