Press ← and → on your keyboard to move between
letters
Dear 24 y/o Tani,
Hi! How are you? How's your life? I bet you're still alive, strong ka kaya! Congrats! You've made it this far. By the way, I'm your 20 years old version. I'm writing this right now habang nakahiga sa kwarto mo haha. Hindi ako makatulog, may work pa tayo mamaya. If hindi mo na naalala, nagwowork ako ngayon sa Icelerskin as a part time, sa may isabelle de valenzuela. Anyways, now is May 19, 2:00am.
Graduate ka na? if hindi pa, that's ok! Life is not a race. Kasalanan ko yan, sorry. Naging tamad ako pumasok sa school. Sorry kasi mas priority ko ang work, nahihiya na kasi ako magpasalo kina mama at papa eh. Sana proud ka sa akin, kasi kaya ko na agad kumita ng pera.
Kumusta? If graduate ka na, flight attendant na ba tayo? or magiging pa lang? if wala sa nabanggit, okay lang! Proud na proud pa rin ako sayo! Galing mo! Galing natin!
May anak ka na? Ilan? Kamukha ba natin? Natupad ba yung dream wedding natin?
Nabigyan na ba natin ng bahay sila mama at papa? Nakabawi na ba tayo? Si liam? kumusta siya? nakakapag aral na ba siya sa private school? Sana di mo pa rin limot si liam ah. Sana baby mo pa rin siya kahit na baka may baby ka na rin ngayon.
Alam mo ngayon, hindi kami okay ni papa. Simula pa nung january, hindi na kami nag uusap. Ngayon ba? okay na kayo? Pinapansin ka na ulit niya? Sana naman nag uusap na kayo.
Si mamang, buhay pa ba? Sana umabot si mamang na graduate na tayo kagaya na rin ng mga pinsan natin. Namimiss mo pa rin si papang noh? Ako rin eh. Miss na miss na miss na miss ko na siya. Dalawin mo pa rin siya ah! In case na makalimutan mo, mang inasal ang fav niya!
Kinasal ka na ba? May asawa na ba tayo? May sariling pamilya na ba tayo? Alam mo ba yung date ngayon? Ngayon dapat ang 5th year anniversary niyo ni Eli as girlfriend and boyfriend hehe, si babe! Naalala mo pa? Kayo pa rin ba? Siya ba napangasawa natin? Inc ka na rin ba?
Sana naman si Eli pa rin ang kasama natin hanggang diyan sa time mo. Ngayon kasi masaya ang puso ko! Sobrang saya! Mahal na mahal tayo ni Eli! Lahat ginagawa niya para sa atin. Tho, minsan feel natin nagkukulang siya pero ginagawan naman niya nang paraan para makabawi sa atin. Kaya sana, siya ang napangasawa natin kasi kung hindi mo siya asawa ngayon, sigurado ako single ka! Alam ko na yan. Kay Eli lang talaga tayo tinamaan, alam kong pareho lang tayo ng thinking na kung hindi siya, wag na lang. Kasi sa kaniya lang natin nakita yung future natin as wife. Sa kaniya lang tayong handang magpakasal at magka anak. Sana Mrs. Elevado ka na ngayon. Sana may anak na kayo ngayon. Magiging masaya ako kung oo.
I love you future me! Patuloy ka lang sa life kahit na minsan parang di mo na kinekeri. Kaya natin yan! Kaya mo yan! Lalaban ako dito para sayo, kaya sana ilaban mo rin diyan ah! 💓
Sign in to FutureMe
or use your email address
Create an account
or use your email address
FutureMe uses cookies, read how
Share this FutureMe letter
Copy the link to your clipboard:
Or share directly via social media:
Why is this inappropriate?