A letter from Apr 25, 2026

Time Travelled — 7 months

Peaceful right?

Dear FutureMe, April 25, 2026. wala man sa'yo yung babaeng buong buhay mong pinanghawakan, siguro sa susunod kasama mo na siya. Sa kabila ng ilang beses niyong sinubukan piliin ang isa't-isa, hindi pa rin nagtagumpay. Pero siya ayos lang ’yon kasi baka kailangan talaga natin mag grow individually. Noreen, miss na miss na kita. Ilang beses kong sinubukang umusad. Ilang beses kong sinubukan kalimutan ka. Ilang beses kong itinanggi na hindi na kita mahal, na malaya na ako sa pagmamahal ko sa'yo. Pero mali pala ako. Until now iniisip ko yung happy moments, yung unforgettable ones. Hindi kasi kailanman nawala sa isip ko kung gaano tayo kasaya dati. Sa palagay ko nakalimutan mo na. Sana hindi na lang ’yon nangyari. Hanggang ngayon sinisisi ko pa rin yung sarili ko kung bakit pinili ko yung taong hindi din naman pala sure saakin. I'm not talking about you, I'm talking about Adele. Siguro nakapag ayos pa tayo nung gabing ’yon. Sana nakapag reach out ka pa saakin. Kamusta na kaya ang mahal ko? kamusta na kaya yung babaeng hanggang ngayon hindi ko pa din makalimutan? Hindi ko man masabi sa'yo lahat 'to directly, kaya ko naman sabihin sa sarili ko. Hindi ko na alam kung nasaan kana. Hindi na kita nakita pagkatapos ng lahat, pero sigurado akong ginagawa mo naman ang best mo. Palagi akong proud sa'yo. Hindi ko man mapanood lahat ng wins at loses mo, sana maalala mo na kahit papaano... hindi nawala ang anino ko sa tabi mo. Alam mo until now hindi ko pa rin makabisado kung paano ako gigising ng wala ka para batiin ng good morning. Nasanay na lang talaga ako na may kulang sa araw-araw ko. Hinahanap ko pa rin yung ibang parte na nawala saakin after ng pagbe-end na ’yon. Wala akong sinisisi sa nangyari, kailangan ko lang panindigan kung anong natapos na. Mahal, alam kong ayaw mo na akong balikan. Pero hindi pa rin talaga ako nauubusan ng hope para saating dalawa, eh. Siguro hindi lang ngayon, baka hindi pa tayo para sa ngayon. Pero hayaan mo, hihintayin pa rin kita. Hindi ako mawawalan ng pag-asa. Hindi ko hahayaang mawalan ako ng pag-asa knowing na one day baka bumalik ka. Mamiss mo ako. Hindi muna siguro kita guguluhin. Pero sana maalala mo pa rin ako sa ibang bagay. Hindi masasayang ang oras ko sa paghihintay ng milagro, Noreen. Hindi masasayang ang oras ko sa paghihintay na baka balang araw, sa'yo pa rin ako ikakasal. Tatandaan ko palagi na kamahal-mahal ka, na hindi ako magagalit sa'yo for doing this such things because you're the one I love. The one i want to be with for the rest of my life. Mahal, sisikapin kong tuparin lahat ng pangako ko sa'yo. Alam kong mahihirapan ako sa kurso ko, pero gagalingan ko para mabawi kita. Para pakasalan mo ako... para maibigay ko ang lahat ng gusto mo. Pasensiya kana ha? alam kong pagod kana bilang eldest daughter. Pero babawiin kita Noreen. Babawiin kita. Balang araw, maipapaliwanag din natin sa isa't-isa ang lahat ng nangyari. Makakahanap pa rin tayo ng way para balikan lahat ng magagandang ala-ala. Tutuparin ko ’yon Noreen. Tutuparin ko. Kaya sa ngayon, mag-iingat ka muna ha? galingan mo din pala sa kurso mo. Kung Doctor man, or pangarap na HM man. Proud ako sa'yo. Hindi ako mauubusan ng Hope, Noreen. Habang buhay kitang hihintayin. Hanggang sa muli. — Deins.

Load more comments

Sign in to FutureMe

or use your email address

Don't know your password? Sign in with an email link instead.

By signing in to FutureMe you agree to the Terms of use.

Create an account

or use your email address

You will receive a confirmation email

By signing in to FutureMe you agree to the Terms of use.

Share this FutureMe letter

Copy the link to your clipboard:

Or share directly via social media:

Why is this inappropriate?