Press ← and → on your keyboard to move between
letters
Dear SELF,
As of this writing, 33 years old ka pa lang. Pag na-receive mo ‘to, 36 ka na. We’ve been trying to stay young looking and healthy. Hindi pa rin tayo nananalo sa lotto. Haha!
Sana sa araw na na-receive mo ‘to, mas naging maayos ang buhay mo. Ngayon kasi, maayos naman ako, SINGLE NA at parang wala na yung pakiram*** na gusto ko pa mag-stay sa isang relasyon ng long-term. Parang di na ako naniniwalang may forever sa tulad natin. After kay Noel, marami ring naganap. Nandyan yung naging kayo ni Dah ng more than 1 year pero hiniwalayan natin kasi hindi pa stable yung emotions natin. Dumating din yung Ronel, pero 1 month lang kasi na-realize mong hindi worth it sumugal sa kanya. So sa araw na na-receive mo ‘to, may nakilala ka ba? Nag-asawa ka ba? Nagka-anak ka ba? Kamusta si Mama? Nawa’y maayos pa rin siya.
Iniisip ko ngayong panindigan na lang maging single. Pero alam nating ayaw nating mangyari yun. Masaya pa rin yung may kaagapay ka sa buhay at may kasama ka. Kaso alam natin na dahil tumatanda tayo, mataas na ang chance na wala na tayong makikilalang magugustuhan natin.
Kung ano mang magiging desisyon mo sa buhay, suportado ka ng old self mo. Wag mong kakalimutan na maging masaya lang. Umiyak ka kapag puno na para maibsan naman. Normal maging malungkot. Pansamantala lang yan. Wag na mag-isip ng tungkol sa relasyon. Ang mahalaga MASAYA TAYO!! Kung pwede nga lang manalo tayo sa Lotto para mas lalo tayong magiging masaya. Magta-travel pa tayo di ba? Kaya be healthy.
Ken, wag mong pababayaan si Mama. Mahal natin yan. Alam mong kapag nawala yan, parang mawawala na rin yung landas mo. Wag mong kalimutang ganun ang nangyari sayo nung namatay si Nanay.
I LOVE YOU!! STAY HEALTHY!! STAY STRONG!!
Kenneth, 33
Sign in to FutureMe
or use your email address
Create an account
or use your email address
FutureMe uses cookies, read how
Share this FutureMe letter
Copy the link to your clipboard:
Or share directly via social media:
Why is this inappropriate?