Press ← and → on your keyboard to move between
letters
Dear FutureMe,
Hi self, sa araw na ito September 15, Grade 12 first quarter nag-aaral ako sa St. Cath para makapag-graduate. Kamusta ka na diyan? Anong meron ka na na wala pa ko dito? Sana natupad mo yung mga pangarap natin, wala pa sa dulo pero alam kong papunta ka na sa dulo. 17 years old pa lang ako, ikaw diyan 20 years old na, 3rd year college ka na!
Sana masaya ka at walang pagsisisi sa course na kinuha mo, Accounting ba ito o Tourism? Pero alam ko Tourism talaga ang gusto mo dahil di ka pa sure sa Accounting dahil sa Math.
Sana andyan pa family natin, masaya na tayo, successful na si Ate, at maayos na buhay natin, maayos na financial needs natin ngayon kasi ang hirap pa, si Mama lang lahat, parang anino lang si Papa. Sana nga anino na lang siya para hindi na siya dagdag sa problema natin.
Sana diyan may boyfriend ka na at hindi ka NBSB para may magmamahal sa'yo, haha! At sana yung hindi ka lolokohin ang mapili mo, sana TDH naman yun, taas pa naman ng standard mo, ganda yarn! At sana matured ka na, sana may mga medal o awards ka nang naipon, sana proud si Mama sa'yo.
Sana marami kang kaibigan, sana may pera ka na kasi dito wala pa, wala pa akong kaibigan na masasabi kong alam ko sa lahat. Sana may sarili na tayong pera diyan, sana mayaman na si Ate. Sana malaki na si Dondon at hindi na palamura at hindi na mabaho, haha!
Hindi na ako magwiwish pa kay Papa dahil alam kong hindi na siya magbabago.
Sign in to FutureMe
or use your email address
Create an account
or use your email address
FutureMe uses cookies, read how
Share this FutureMe letter
Copy the link to your clipboard:
Or share directly via social media:
Why is this inappropriate?