Press ← and → on your keyboard to move between
letters
Hi dreisaints at 26th, happy birthday!!! Kwento ko lang na i'm really really doing great ngayon. Ang dami nangyari sa taon na to drei, ups and downs talaga. Nag break kami ni Mayette, nakapag travel ng solo (saya neto!!), nakakuha ng bagong car, and naging full time employee sa Steadfast. sobrang daming blessing non di ba, kase parang few months ago kabado ako sobra about sa pagiging unemployed pero grabe lang rin talaga eh no everything falls into place. Eto something unexpected pala, nag v-vlog na ko ulit!! hahahaha sobrang kulit kase di ba last time na nag v-vlog tayo was really a lowest point sa buhay natin. Imagine, lagi ka lang paycheck to paycheck kahit okay naman yung salary mo, nasira yung ecosport, nasira yung cellphone mo pang vlog, tapos struggle ren talaga sa relationship non kasi parang di na kayo nagtutugma ni Mayette. Plus tanda mo pa ba na nag brownout sa gabi at wala kang cellphone dahil sira nga, may laptop pero wala namang internet at data, wala kang ibang mapuntahan tas tiniis mo na lang matulog sa apartment na sobrang init kahit nakakatakot kasi sobrang dilim sa buong paligid non. Mga storya naten na tayo lang rin may alam eh no hahaha pero pero pero who would have thought di ba na parang andito tayo ngayon sa situation na okay ang lahat. Kalmado lang ang buhay ngayon, hindi na tayo kinakapos gaya ng dati, nakakapunta at nakakabili ng mga bagay na gusto natin, nakakapang libre pa minsan. Grabe drei galing mo sobra!!!
Happy birthday ulit sayo, wish ko na sana mas maging maganda yung career mo, honestly hindi ko alam kung nasan ka at this time either nasa ibang company sa pinas or nasa abroad ka na hahahaha!! Galingan mo lang palagi ha tapos tingin ko maganda na katawan mo ngayon kasi boy self improvement ka eh pag hindi pa rin aba'y nakakahiya ata deactivated muna ang tiktok? hahahaha joke lang it is your own journey and race, it is a race between you and you lang so wag mo isipin sasabihin nila. love you, paps!
Sign in to FutureMe
or use your email address
Create an account
or use your email address
FutureMe uses cookies, read how
Share this FutureMe letter
Copy the link to your clipboard:
Or share directly via social media:
Why is this inappropriate?