Press ← and → on your keyboard to move between
letters
Dear FutureMe,
I hope you’re doing great right now—doing the things you love and surrounded by people who make you feel happy and loved.
Alam mo ba? Ngayon, finally, naka-move on ka na sa taong matagal mong minahal. Kaya sobrang proud ako sa’yo! I hope na habang binabasa mo ’to, may taong tunay na nagmamahal sa’yo at tinatanggap at minamahal ang buong pagkatao mo.
DAPAT: Pogi Matangkad Matalino At syempre, Mabait! Pero kung wala pa, okay lang ’yan. Ang mahalaga, mahal mo ang sarili mo—kasi dadating din ’yung taong para sa’yo. Pero sana meron na, no? :)) Kamusta na studies mo? May bagong org ka ba? Dapat member ka na ng Red Cross kasi isa ’yan sa mga pangarap mo. Kamusta mga kapatid mo? Okay ba sila? Topnotcher sa nursing board exam ba si Ate Ash? SANA OO! Kasi ’di ba pangarap natin ’yon? 11:11 manifesting hehe. Si Mama at Papa, kamusta naman? Healthy ba sila? Sana oo! Dapat lang. Sana may family picture na rin kayo. Manifesting ulit hehe.
Nakakapagsuot ka na ba ng shorts sa labas?
Alam kong ngayon hindi pa—kasi ang hirap nga naman tanggalin ng mga peklat na ’to. 😅
Pero sana, by the time binabasa mo ’to, confident ka nang magsuot ng shorts…
At wala na yang mga peklat na yan!
Yun ang ultimate dream, diba? 😭
Alam mo, proud na proud ako sa’yo. Kahit sobrang bigat ng mundo minsan, hindi ka sumusuko. Kaya keep going, ha? At huwag kang tatamarin tuparin lahat ng pangarap mo. I love you. 💘🫂
Sign in to FutureMe
or use your email address
Create an account
or use your email address
FutureMe uses cookies, read how
Share this FutureMe letter
Copy the link to your clipboard:
Or share directly via social media:
Why is this inappropriate?