Press ← and → on your keyboard to move between
letters
Dear FutureMe,
dapat sa diary 'to pero kasi tinatamad na akong magsulat sulat so here na lang. I'm not sad nor feeling lonely… lil' bit, I guess. I have friends, matatawag ko silang friends but not a close friend/s. Wala akong close friend and I know na hindi lang ako nag-iisa. I have friends dahil hindi naman ako mag-isa magrecess or kahit sa mga activities may natatanungan ako, may nac-chikahan din sa mga issue sa class and some stuff of my life. Pero that one person that really know me and the person na mapagsasabihan ko ng lahat-lahat without sugarcoating the story or making it fake, wala. Hindi naman siya sobrang nakakalungkot isipin pero there are times na napapatanong ako kung ano kayang feeling ng may gano'n. Comfy with each other, having same interests or perspectives (hindi naman super super, siguro 'yung kahit maging understanding lang sa each other.) But of course wala akong sinisisi na kahit sino lalo na sa mga NAGING at MGA kaibigan ko. Nasa akin din kasi kung bakit wala akong close friend. Siguro dahil hindi ko sila in-a-allow na papasukin sa buhay ko, na hayaang malaman 'yung buong kwento ko at kung sino ako sa perspective ko. Hinahayaan ko lang kilalanin nila ako sa kinikilos ko at sa kung paano ako makipag-usap, pero hindi ko kinikwento o pinapakilala kung sino talaga ako na sa tingin ko ay ako talaga. Ang gulo, pero ayun. Iniisip ko ring i-send 'to sa Future Me para mabasa ko in the future. Sigeee, good idea! Kakausapin ko na lang ang sarili ko. Anw, dito ako magsisimula.
Kumusta kana? Malapit na kasi akong ma-lowbatt at ang instructor namin sa Basic Microeconomics ay hindi nagtuturo kaya naman puro phone lang ang ginagawa ng karamihan. Ang bilis ma-lowbatt ng phone ko kaya nagsusulat nalang ako sa notes kasi tinatamad pa akong mag-review dahil sa ingay. Ayoko namang malowbatt-an ako kaya hindi ako nanonood sa TikTok at hindi ginagamit ang data ko. Ayoko kasing i-charge 'to sa powerbank ngayon dahil baka hindi ma-full charge at mabawasan na naman ang battery health. Ayoko na tinatamad na ako.
Sana okay ka lang dyan ngayon at hindi nararanasan ang ganitong feeling na feeling lonely. Magpakasaya ka palagi dahil alam kong deserve mo 'yan. Sarili na lang natin ang meron tayo kaya naman dapat natin itong mahalin at ingatan. Mahal na mahal kita self! LMAO, nakakatawa 'yung term na "self." Basta kapag malungkot ka o hindi okay ang mood, mag exercise ka or do breathing exercises and always pray to God. Papakinggan ka niya always at hindi ka bibiguin. Pwede ring i-sulat o i-type mo 'yung nararamdaman o thoughts mo para makatulong sa'yo! Ayon lang, sana maging mabuti ka lang palagi at maging masaya/positibo sa lahat ng pagkakataon.
Sign in to FutureMe
or use your email address
Create an account
or use your email address
FutureMe uses cookies, read how
Share this FutureMe letter
Copy the link to your clipboard:
Or share directly via social media:
Why is this inappropriate?