Press ← and → on your keyboard to move between
letters
Dear Self,
Kamusta ka? Sana this time di ka na struggling financially.
It’s June 2025 here. Akala ko dati kapag lumaki na ng konti sahod ko okay na. Shuta hindi pa pala. Kingina hanggang ngayon wala pa din akong ipon. Napapagod na kong maging mahirap sa totoo lang. Lahat ng uri ng utang or loan ginawa ko na without them knowing. No one knows na ganto ko kadespirado sa pera. Muhka akong pera and so what? We all need money anyway. 2024 nung na-scam ako ng dahil sa punyetang loan na yan. I thought ng dahil sa scam na yon kaya nagkanda leche leche ako financially only to find out na di naman pala yung scam ang ugat ng paghihirap ko ngayon kundi ako mismo.
Because of my greediness to be able, it brought me to my financial status right now.
Gusto ko lang naman maging successful. Gusto ko lang naman guminhawa buhay ko at ng pamilya ko. Pero bakit ang hirap? Bakit pag ako na sobrang hirap magkaroon ng achievement. I don’t care about recognition or acknowledgement anymore. I want to be financially stable. Ang meaning naman sakin ng financially stable ay yung sapat yung kinikita mo, wala kang utang, di ka namomroblema sa mga bayarin kasi alam mong pag sumahod ka may matitira pa for you. Ni hindi na nga ako naghahangad na makapag save kasi I know in my state right now impossible yon. Maging sapat lang sakin at sa pamilya ko. Yun lang naman eh pero putangina bakit ang hirap?
Ang dami kong pangarap sa sarili ko sa totoo lang. Top of it ay yung makapag travel, pangarap kong mag ibang bansa din, mamasyal kahit ako lang mag-isa. Sanay naman akong mag-isa. I want to watch concerts, sobrang mahal na mahal ko ang BTS and all I want for 2026 is to be in their concert. Sana natupad mo yun self. Kahit yun man lang. Pero how can I do that kung kada linggo na lang my mom is keep on asking me and telling me how poor we are, how much should I give for her dream house and businesses. I’m not saying na mali yon, because I know to myself I should give back to all the sacrifices she’s done to me. Honestly, napepressure ako, nahihiya, nanliliit everytime na nagsasabi yung nanay ko sakin about how she struggle for money kasi sampal sakin yun eh. It’s a lowkey of saying “Hindi mo maibagay yung mga pangangailangan namin. Nasa abroad ka pero wala kang pakinabang” - of course di naman nila sinasabi to sakin but yun ang dating sakin.
I want to help. I want to provide. Pero paano? Ang hirap hirap kasi talaga.
I want to save. I want to pursue what I want. But that fcking responsibilities are stopping me to choose what I want, to do what I truly want.
Sana okay ka na ngayon? Sana mabasa mo pa to. Sana by this time, okay ka na.
I really want you to succeed. To be financially able. Naniniwala kasi ako na pag may pera ka, lahat ng tao magiging mabait sayo. Pag may pera ka mas sasaya ka sa buhay.
Let’s admit it, malungkot ang walang pera.
I can’t blame anyone else bukod sa sarili ko kasi hindi ako matalino sa pera. No one taught me how to be financial literate. At di ko rin inaral kung paano.
So yes, in the end kasalanan ko kung bakit ako naghihirap ngayon.
I just don’t know how to survive. I’ve been drowning and no one is saving me.
No one understands because no one asks. And that’s okay. Kailangan kong kayanin kasi mag-isa lang naman ako.
I can’t even ask my mom about such things kasi di lang naman ako ang nahihirapan. Alam kong mas nahihirapan siya. It’s just that hindi kasi ako equipped and trained for this situations unlike my mom.
Ayoko na. Masyado nang mahaba. Masyado nang madrama. Isa lang naman hangad ko…
Just be okay Elaine. Please be okay.
Sign in to FutureMe
or use your email address
Create an account
or use your email address
FutureMe uses cookies, read how
Share this FutureMe letter
Copy the link to your clipboard:
Or share directly via social media:
Why is this inappropriate?