A letter from June 25th, 2025

Time Travelling — 6 months

Peaceful right?

Dear Pinakamamahal ko,
Hi! Ngayon yung araw na pinakamasakit na nangyari satin. Nag decide ka na tapusin nalang kasi sobrang hirap na ng pinagdadaanan mo dahil sa ginawa ko. Hindi ko alam if by this time nag heal na ba tayo? Pero wish ko sana okay na tayo nito. Nangyari satin yung pinaka kinakatakutan ko. Ang ironic no? Ako pa pala magiging dahilan. Kung hindi ikaw ang magiging asawa ko o kung hindi na talaga tayo magkakaayos hindi ko alam kung ano mangyayari sakin. Buhay pa kaya ako by this time? Sana sana sanaaaa nag heal ka na at nahanap mo na yung peace ng puso mo. Sobra sobra sobrang mahal kita at hindi ko alam kung kaya kong mabuhay na wala ka. Sana kinaya natin for Aria. Sobrang sakit mahal ko. Pero kailangan kong tiisin to kasi ginawa ko to. Hindi ko alam kung paano ko pa mapapatawad yung sarili ko after nito. At sana mapatawad mo ko hindi para sakin, kundi para sayo. Para sa peace mo. Hinding hindi ko kaya na mawala ka sakin. Ikakamatay ko. Pero wala eh, kasalanan ko. Sobrang sakit. Gustong gusto ko ibalik yung panahon. Sana kaya mo parin akong tingnan at makita mo parin yung “Love” na minahal mo. Miss na miss na kita. Sobrang miss na miss na kita. Gustong gusto kitang mayakap at isumbong sayo lahat. Kaso pano? E sayo ako may ginawang mali. Pano ako makakausad? Ikaw nagse-save sakin sa lahat ng bagay. Sino na magse-save sakin ngayon? Salamat sa tapat na pagmamahal sakin ng 9 years. Sa mga sakripisyo at sa magandang buhay na naibigay mo samin. Bakit ganito kung kailan wala ka na saka ko narealize lahat ng sakripisyo mo? Sorry sa mga pag aaway at di pagkakaintindihan. Sobrang laking lesson nito sakin. Kung by this time tayo parin, promise ko sayo hinding hindi ka na masasaktan ulit. Hinding hindi nako gagawa ng mga bagay na ikakasakit ng damdamin mo. Pero kung hindi naman, sana may peace na sa puso mo at nakuha mo na yung happiness na deserve mo. Mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal kita hanggang kamatayan ko ikaw lang mamahalin ko. Sayo lang ako at yung puso ko. Sorry sa lahat ng sakit at thank you ng sobra sa pagmamahal! Mahal na mahal na mahal kita. 
Angela 🩷

Load more comments

Sign in to FutureMe

or use your email address

Don't know your password? Sign in with an email link instead.

By signing in to FutureMe you agree to the Terms of use.

Create an account

or use your email address

You will receive a confirmation email

By signing in to FutureMe you agree to the Terms of use.

Share this FutureMe letter

Copy the link to your clipboard:

Or share directly via social media:

Why is this inappropriate?