Press ← and → on your keyboard to move between
letters
Dear Future Shaine,
As of now, you’re not getting that With Highest Honors title. Ang sakit, ‘di ba?
Kumusta ka na sa PUP? Hanggang ngayon, hindi mo pa rin sigurado kung anong landas ang tatahakin mo. Talking about passion, you really wanted to take BS Psych or BS Bio. Pero dahil sa practicality, napunta ka sa course na hindi mo naman talaga “dream” — pero somewhere deep inside, alam mong gusto mo rin. Kasi ever since, you've loved taking challenges. BS Applied Math? BS Physics? BS Stats? BS Economics?
You’ve known yourself for so long, yet you’re the first to tell yourself, “you can’t.”
Akala mo noon, hindi mo kayang makakuha ng mataas na grades. “Okay na ‘yan. Impossible naman makuha ko ‘yung highest,” sabi mo pa dati. And now? With that 89 on your card, .2 na lang eh — 98 na.
Ang dami mong iniisip hanggang ngayon.
“Paano kaya ako sa college?”
“Ano kayang trabaho ko in the future?”
“Buti pa sila, ang taas ng grades. Ang dami pang naipasang CETS.”
Alam mo, Shaine, nakakainis ka minsan. Kasi kaya mo naman talaga eh. Nauuna lang ‘yung takot. Imagine, kung ‘di ka nag-take ng mga CETS, doon mo lang malalaman sa results kung gaano ka na pala kalayo. Takot ka lang kasi. Lagi mong sinasabi, “Hindi ko naman kaya ‘yan. Okay na tong grade na ‘to.”
Outside academics, ayan, future naman. Grabe no? Ang boring ko siguro kausap. Laging about academics, about success in life. ‘Yun lang ‘yung kaya kong sabayan sa usapan. Kasi parang ang hirap palang mag-open up kapag wala kang masyadong alam. Nakakatakot pala ‘yung hindi ka pa sigurado sa tatahakin mong landas.
Sa relationships naman… kamusta? Wala rin, olats din. Nakakalungkot, ‘no? Wala kang mapaglabasan ng problema. Walang andyan sa panahong sobrang down ka. OA ba? Pero sana, ma-redirect mo ‘yung focus mo ngayon. Prioritize your growth. Your healing. Your studies.
Ang hirap, Shaine. Pero sana, ma-figure out mo rin lahat sooner or later.
Ayoko na magsalita ng masama sa’yo, Shaine. :( Kasi alam kong kahit ang bigat-bigat na ng lahat, sinusubukan mo pa rin. Hindi mo lang siguro nakikita, pero ang dami mo nang nalampasan. Hindi mo lang nabibilang, pero araw-araw mong pinipiling lumaban. Kaya sa susunod na mapagod ka, magpahinga ka lang, okay?
You did your best. And what you did was enough.
Kung sakaling maligaw ka ulit, basahin mo 'to. Baka sakaling maalala mo kung gaano ka kalayo sa kung saan ka nagsimula. Kapit lang, ha?
Sign in to FutureMe
or use your email address
Create an account
or use your email address
FutureMe uses cookies, read how
Share this FutureMe letter
Copy the link to your clipboard:
Or share directly via social media:
Why is this inappropriate?