A letter from Jun 03, 2025

Time Travelled — 12 months

Peaceful right?

hi self, how are you? sana okay ka at masaya ka ngayon. naalala mo pa ba yung lalaking nagustuhan at minahal mo nung january to may 2025 bago mawala ang lahat? yung gabi-gabi mo ka-call at kausap noon sa chats, walang araw na hindi kayo magka-call at magkausap. siya yung dahilan kung bakit ka masaya sa araw-araw, kaya napagtanto mo noon na mahal mo na siya. ngunit dumating yung araw na napapansin mong hindi kayo parehas ng pinaparam*** sa isa’t isa. hindi mo naramdaman sa kanya yung love na gusto mong maramdaman kaya kinukwestyon mo sa sarili mo kung mahal ka ba talaga niya. hanggang sa nakapag-desisyon ka na tapusin yung lahat sa inyo. tinapos mo, pero yung pagmamahal mo sa kanya nandoon pa rin at hindi nawala. ilang araw ang nakalipas, sinubukan mong tanungin siya kung wala na ba talaga or pwede pang maayos. ikaw ay nagbabakasakali na maayos pa at mabago, pero ang sabi niya ay wala na talaga. at wala ka nang nagawa kundi tanggapin at mahalin na lang siya nang tahimik. ang hirap diba? bawat araw iniisip mo pa rin siya. kahit anong gawin mong i-distract ang sarili mo, bumabalik pa rin yung sakit. minsan iniisip mo kung may pagkukulang ka ba, kung may mali kang ginawa. pero alam mong ginawa mo lahat, kaya wag mong sisisihin ang sarili mo. deserve mong mahalin sa paraan na gusto mong maramdaman. kung ngayon binabasa mo na ‘to, sana mas okay ka na. sana mas natuto ka na mahalin ang sarili mo, at hindi mo na hinihintay yung taong hindi naman pala para sa’yo. sana mas pinili mo na ang peace kaysa sa paulit-ulit na sakit. alam kong hindi naging madali, pero proud ako sa’yo kasi pinili mong bumitaw kahit mahal mo pa. sana ngayon mas pinipili mo na yung sarili mo. at sana kung may dumating mang bago, mas alam mo na kung paano protektahan ang puso mo. deserve mong mahalin nang buo, nang tapat, at nang walang pag-aalinlangan. at kung sakaling iniisip mo pa rin siya ngayon, okay lang. mahal mo eh, hindi naman yun basta-bastang nawawala. pero sana, habang lumilipas ang panahon, mas pinapalaya mo na rin ang sarili mo mula sa alaala niya. mahal na mahal kita, self. sana sa mga susunod na buwan, mas maging masaya ka. hindi dahil may taong nagpapasaya sa’yo, kundi dahil natutunan mong pasayahin ang sarili mo.

Load more comments

Sign in to FutureMe

or use your email address

Don't know your password? Sign in with an email link instead.

By signing in to FutureMe you agree to the Terms of use.

Create an account

or use your email address

You will receive a confirmation email

By signing in to FutureMe you agree to the Terms of use.

Share this FutureMe letter

Copy the link to your clipboard:

Or share directly via social media:

Why is this inappropriate?