A letter from May 27, 2025

Time Travelled — 8 months

Peaceful right?

Dear Future Self 9:00 PM Date: May 27, 2025 To: May 27, 2028 Yo, anong balita sayo future self? 21 ka na dyan! Ako to, si ikaw ngayon na 18, NBSB pa rin, no jowa, at halos walang kausap kundi sarili sa salamin. Pero ayos lang, kasi kahit wala pa lahat ng ganap, at least buhay pa rin, laban pa rin. Sana kahit 3 years na ang nakalipas, hindi ka naging robot. Sana marunong ka pa ring tumawa kahit sa mga joke mong ikaw lang nakakaintindi. Sana pinili mo pa rin yung sarili mo, kahit walang pumili sayo naks. At sana kahit single ka pa rin, NBS pa rin pero hindi NBSB kundi Never Been Sabaw Beshie dapat sharp pa rin utak mo! Sana pinagpursige mo ang sarili mo sa school, sa work, at sa mga goals mo kahit sobrang hirap. Sana natutunan mong mahalin ang sarili mo, kahit sa mga araw na feel mo parang extra ka lang sa pelikula ng buhay ng iba. Tandaan mo to hindi kailangang madaliin ang kahit ano. Kung wala pa silang lahat, edi ikaw muna. Kung hindi pa dumadating ang right person, edi huwag mong pilitin. Huwag mong hayaang ang loneliness ang maging dahilan para mawala ang respeto mo sa sarili. Alam ko minsan yun pa ang pinaka mahirap tanggapin ang sarili kahit walang kasamang cheerleader. Pero yun din ang nagpapalakas sayo. Sana habang binabasa mo to, alam mo na yung worth mo. Sana hindi mo na sinasabing ang pangit ko o wala naman akong silbi. Luh, grabe ka naman sa sarili mo. Ayusin mo yan. Magsuklay ka rin minsan, future self. At please lang, sana marunong ka nang kumain ng gulay. Sana nagkaroon ka na ng kahit isa o dalawang tunay na kaibigan. Yung hindi lang kasama sa gala kundi kasama rin sa pag-cram, sa iyakan, at sa mga hindi inaasahang moments ng buhay. Kung wala pa rin, edi ikaw pa rin bestfriend ng sarili mo. at kung sakaling may dumating, sana hindi dahil sa lungkot mo kaya mo sila pinatuloy. Dapat dahil gusto mong makasama sila habang nilalakad mo yung journey mo. Hindi para punan ka, kundi para sabayan ka. Sana natutunan mo ring patawarin ang sarili mo sa mga maling desisyon, sa mga sabaw moments, at sa mga panahong napagod ka. Okay lang yun. Hindi perfect ang buhay. Hindi rin ikaw. Pero bawat araw, may bagong chance para ayusin ang lahat. Reset lang, refresh lang. So ayan, future self, 21 ka na. Paki-check kung adulting na ba talaga ang ganap o umaasa ka pa rin sa delata at itlog sa almusal. Kung medyo lost ka pa rin, edi okay lang. Progress is progress. at kung wala ka pa ring jowa, edi mag-jowa ka muna ng pangarap mo. I-date mo yung goals mo. Ligawan mo yung peace of mind mo. At kung wala pa ring friends, edi ikaw muna yung tropa ng sarili mo. Mas loyal yun, promise. Keep going. Keep laughing. Keep healing. Hindi to sprint, marathon to. Hindi mo kailangang mauna. Basta wag kang titigil. @ryz — Valenzuela City HAHAHA XD lang to future self, pero seryoso rin sa loob loob.

Load more comments

Sign in to FutureMe

or use your email address

Don't know your password? Sign in with an email link instead.

By signing in to FutureMe you agree to the Terms of use.

Create an account

or use your email address

You will receive a confirmation email

By signing in to FutureMe you agree to the Terms of use.

Share this FutureMe letter

Copy the link to your clipboard:

Or share directly via social media:

Why is this inappropriate?