Press ← and → on your keyboard to move between
letters
Dear FutureMe,
Thoughts lang lately, kasi hindi ko alam if nahihirapan ba ako, burnout na ba or pa ba? Ngayong third year naging madalas sakin yung mga tanong gaya ng, gusto ko ba talaga magturo? Gusto ko ba talaga ng Values Education? And higit in the future magiging masaya ba ako sa pagtuturo?
Noong first year ako, gusto ko talaga ng psych, gusto ko ng guidance and counseling as a career, yung dream ko na yung yung nagtulak sakin para maging independent financially. Kasi gustong gawin ang lahat para sa pangarap ko, para sa ikakasaya ko, kahit mahirap alam kong kakayanin ko. Kahit mag isa ako, tiwala ako sa sarili ko na kakayanin ko. Sobrang tiwala ako sa sarili ko kasi, all these years, sa lahat ng naranasan ko, lahat ng yun tinuro sakin na pagkatiwalaan sarili ko.
Fast forward second year na ako, tinanggap ko yung Values Education kahit na may kirot at umiiyak pa ko nun habang naiingit sa ibang batch ka na nasa BSMA. Para kalaunan napamahal ako sa Values Education. Andami kong gustong gawin, kasi nakikita ko andaming dapat baguhin sa sistema at sa lahat lahat. Andami kong pangarap kasi alam ko, sa capability ko madami akong matutulungang tao. Alam ko yun.
Ngayon, nasa third year na ako. Parang angulo gulo na ng sistema ko. Andaming tanong, gusto ko pa ba maging teacher? Ano ba talaga gusto ko? Gusto ko pa ba tinatahak ko? O ginagawa ko na lang siya kasi kailangan. Kailangan ko makatapos, kailangan ko magtrabaho, kailangan ko makaipon. Hindi ko lang maintindihan din, currently nalolost ako. Ano ba talaga ang gusto kong gawin? Pero, despite, ginagawa ko best ko para gaurin lahat ng responsibilities ko. And most of all ginagawa ko ang best ko ngayon para sa sarili ko. Basta alam ko ginagawa ko ang best ko kahit alam ko na yung best ko na yun ay 40% na lang. Siguro nga, pagod na pagod lang talaga ako. At wala akong kaibigan na masabihan, kasi busy kami.
Andami kong gustong gawin, at alam ko may capability ako pero andaming nakablock sa isip ko. Nahihirapan ako mag articulate ng tots lately, feeling ko nabobo ako. And nito lang narealize ko, kaya siguro ganun kasi wala akong kaibigan na nasasabihan lagi. Of course, nanjan yung partner ko, pero at some point alam ko sa sarili ko na nangangailangan ako ng kaibigan, kasi minsan iba pa din talaga ako kaibigan. Pero, all these years nue sa univeristy, ito ang nahihirapan akong e-build. Kasi unang-una sobrang busy ko, hindi ko kaya magsustain ng connection kasi andami kong kailangang gawin, kasi kailangan. And most importantly hinahanap ko yung pag-aalaga ng mga kaibigan ko dati ng shs. Kasi hindi ko siya magawang hanapin ngayon, at nahihirapan ako makifit in sa ibang tao. All this time, sabi ko sarili ko, kaya ko itong university life kahit na wala masyadong kaibigan na masasabihan all the time unlike ng dati, pero minsan nagyeyearn din talaga ako, sa mga kaibigan ko dati, sana nasa pnu sila. Kasi parang tuwing nakakapagform ako ng friendship with others, parang laging hindi swak.
But now, I know that I’m making an effort to be part of meaningful connections sa college life ko.
Sign in to FutureMe
or use your email address
Create an account
or use your email address
FutureMe uses cookies, read how
Share this FutureMe letter
Copy the link to your clipboard:
Or share directly via social media:
Why is this inappropriate?