A letter from Jan 30, 2025

Time Travelled — 12 months

Peaceful right?

Dear FutureMe, happy birthday, matandang claire! kung binabasa mo 'to ngayon, ibig sabihin nalagpasan mo 'yung mga araw na akala mo katapusan na. ang galing mo! pero if things still aren’t okay, i hope na by now, natutunan mo nang maniwalang magiging okay din eventually, hindi tulad ngayon na paulit-ulit kong hinihiling na mamatay na. alam kong hindi laging madali, pero sana kahit anong mangyari, wag mo nang maisip na sumuko. oo nga pala, kamusta na kaya ang iniisip mong pangarap? gusto mo pa rin kayang maging teacher, o iba na naman ang naiisip mo? pero ayos lang, kahit ano pang dream 'yan, basta it's stopping you from thinking of dying because you really want to achieve it. wag mo din hayaan na matakot kang gawin ang mga gusto mo dahil lang sa sinasabi ng iba. wag mong i-take seriously lahat ng sinasabi nila, hindi mo kailangang patunayan ang sarili mo sa kahit sino. sana proud ka sa sarili mo, sa kahit anong pinagdaanan mo. kasi kahit gusto mong sumuko noon, nandito ka pa rin ngayon. at higit sa lahat, kahit iwan ka pa ng buong mundo, sana never mong iwan sarili mo. kahit mag-isa ka, kahit walang sumuporta, sana piliin mo pa rin ang sarili mo. you deserve to live, not because of anyone else, but because ikaw mismo ay sapat na dahilan. maging malakas ka palagi.

Load more comments

Sign in to FutureMe

or use your email address

Don't know your password? Sign in with an email link instead.

By signing in to FutureMe you agree to the Terms of use.

Create an account

or use your email address

You will receive a confirmation email

By signing in to FutureMe you agree to the Terms of use.

Share this FutureMe letter

Copy the link to your clipboard:

Or share directly via social media:

Why is this inappropriate?