A letter from Dec 24, 2024

Time Travelled — about 1 year

Peaceful right?

Dear FutureMe, Hello future self, kakabasa ko lang nung letter na pinadala mo nung 2023. May mga bagay pa din na di nag-bago. Madami at tambak parin tayo ng gawain, at mukhang mananatili ng ganon. Lumipat kami sa mas maayos na bahay. Mas magaan narin kahit paano ang buhay. Next year third year na ako. Ang bilis ng panahon, pinili ko nalang tapusin ang program na ito, kahit hindi ito ang first choice natin, alam ko in the future may mapapala din naman ako. Nararamdaman ko na ang pag-babago. Bumibilis na ng bumibilis ang oras, mas kaya ko narin kontrolin ang galit ko. Pero kanina hindi, inilock ni Mama yung gate kaya nasa labas kami ng ilang minuto, medyo nainis ako parehas kay Mama at Kuya alam kong di dapat pero nainis parin ako. Pero this time, kahit paano, hindi ko iyon naipakita ng sobra. Alam kong di naman iyon sadya ni Mama, kaya't ewan ko bakit ako nadala ng nararamdaman ko. Ang dami kong natutunan sa sarili ko ngayong taon. Bunga iyon ng pag-pili kong lumabas sa comfort zone ko. Hindi talaga maganda sa pakiram***, pero ayun yung kailangan natin. Mukhang wala na tayong magagawa, hindi na talaga tayo bata. Tapos na ang punto ng buhay natin na iyon, panahon na para umusad. Nakaka-takot pero ayun ang kailangan. Hindi ako kailan man magiging handa kaya't ang dasal ko sana palaging manatiling bukas ang isip ko at matatag ang loob ko. Nawa'y kayanin ko ang lahat ng darating sa buhay ko. Kaya natin ito, patuloy lang πŸ’™πŸ’™πŸ’™ See you next year, mag-iingat ka, and sana maging worth it ang susunod na taon! πŸ¦–πŸ’™πŸ¦–

Load more comments

Sign in to FutureMe

or use your email address

Don't know your password? Sign in with an email link instead.

By signing in to FutureMe you agree to the Terms of use.

Create an account

or use your email address

You will receive a confirmation email

By signing in to FutureMe you agree to the Terms of use.

Share this FutureMe letter

Copy the link to your clipboard:

Or share directly via social media:

Why is this inappropriate?