Press ← and → on your keyboard to move between
letters
Hi future self gusto ko lang sabihin na ngayong taon na to napakabigat na tila akala mo bawat oras para kang pinapatay sa mga naaalala mo na sakit kung paano kayo nagsimula hanggang sa nagtapos. Ang gusto kolang sabihin sana masaya kana kapag nababasa mo to at kung ano man ang sitwasyon mo ngayon ay dahil sa desisyon ko yon ngayon, and ang hiling sayo. Please be happy kahit ano mangyari masyado kana kasi marami pinagdaananng masasakit na pangyayari. Alam ko sa mga oras na to confident akong sabihin na okay kana na nalagpasan mo na. Dahil araw araw ko pinagdarasal kay lord na alisin nya ang sakit araw araw kahit hindi agad agad basta unti unti. As long as nawawala at unti unti nagagamot yung pinakamalalim na sugat na natamo mo. Sorry din dahil sa mga maling desisyon na ginawa mo sana talaga masaya kana sa oras na binabasa mo ito dahil kung hindi malulungkot akong nakaraan mo. Perk wag ka mag alala sa darsting na 2025 sisikapin ko bumangon, sisikapin ko magpakatatag. Dahil gusto ko maging masaya ka dahil alam Kong deserve mong maging masaya after all. Dahil sa totoo lang you've been hurt many times, a multiple times. Kaya sana mag heal kana in God's perfect timing. I know kakayanin mopa kung ano ang mga bagay bagay na haharapin mo. Basta lagi mo tatandaan magpakatatag ka dahil proud ako sa future na ako. Hihintayin ko yung araw na ngingiti kana ulit ng walang halong pagpapanggap, hibdi kana iiyak dahil sa mga problema. Basta palagi ako nandito at mahal ka ni Lord kaya sana patuloy kang magpatuloy, palakasin mo sarili mo. Patatagin mo yan dahil ayan ang goal ko, ang goal namin ni Lord para sa future na ako. Basta palagi ka magdadadasal. At nawa'y magpatuloy nang mapalaya ang sarili mo sa mga nangyari sa nakaraan. Lahat ng bagay na nararanasan ko ngayon alam ko may dahilan, At alam Kong lahit na halos durog na durog ako habang sinusulat to kakayanin ko. Pipilitin ko bumangon sa umaga. Pipilitin ko magpakatatag hanggang sa maging better ka. Hanggang sa mapunta ka sa tamang tao na deserve para sa'yo. Wag mo kalimutan pinanghahawakan mo Verse haa. (Isaiah 60:22) When the time is right, I the lord will make it happen.
Magpalakas ka kailangan mo yan. Maging masaya ka deserve mo yan dahil hindi ko hahayaan na patuloy pa rin miserable buhay ko sa mga panahon na binabasa mo 'to. Gusto ko may mga ngiti kana na hindi pagpapanggap lang. Meron kana bagay na nagiging source ng happiness mo. Wag mo na sya isipin if ever man. Dahil marami man kayo memories dalawa. I consider mo nalang sya nilang isang malaking lesson para sa'yo. Isipin mo nalang na blessing in disguise break up nyo. Dahil sa pangyayari na yun namulat ng tuluyan isipan mo. At mas naging matured kana mag isip kaysa ngayon na halos eto ako mukhang kawawa. Wag mo'ko gagayahin haa gusto ko masaya ka ngayon. Dikita bibiguin sisipakin ko na magiging masaya ka sa oras na mabuksan mo ito.
Mahal na mahal kita, at mahal na mahal ka rin ni Lord. Kaya you don't have any reason para malungkot. We're here always watching you. I hope you find this letter as your moralization in life. Life is hard, and life is always fair. I hope you find genuine love that you truly deserved. May you always continue to pursue the Lord. I hope sana active kapa sa church sa mga oras na 'to wag mo hayaan na iwanan mo ang Lord kagaya ng ginawa sayo ng isang tao habang pure ang intention mo.
Sign in to FutureMe
or use your email address
Create an account
or use your email address
FutureMe uses cookies, read how
Share this FutureMe letter
Copy the link to your clipboard:
Or share directly via social media:
Why is this inappropriate?