A letter from Nov 22, 2024

Time Travelled — about 2 years

Peaceful right?

Dear FutureMe, Hello. Hi. My greatest love. My greatest enemy. Hi self. I'm currently 19 years old, turning 20 na next year. It's November 23, 2024 and 3:43 in the morning. Hahahaha. As usual, puyat ka self. Puyat tayo. Nalimutan ko na kung kailan pa 'yong last na healthy sleep natin mahal ko. Hays. Bigla kong naalala 'yong time na nasa Fairview pa tayo. Bawat mag mamadaling araw nasa tv ka, hinihintay mong magtapos ang lahat ng palabas sa tv bago matulog kasi iniisip mo na ang cool noon. Wow self. Wow. Umabot pa tayo sa ganito? Hahahahaha. After ko basahin 'yong letter mo last 2021 na sinend mo din sa'kin gamit itong futureme, I cried. You sound really like a 15 year old. Naaalala ko iniisip ko habang ginagawa ko 'yon ay kung ano magiging perspective ko kapag binasa ko na after 2 years. Inisip ko rin that time na malilimutan kong may letter ako but I do remember it occasionally even after 1 year. Pero mag 3 years na now and I forgot about it. Pinaalala lang sa'kin ng Tiktok hahaha may lumabas sa fyp ko about sa futureme. Tinatanong mo kung anong ginagawa ko rito sa future mo. I'm here alone, renting sa Mama ng friend mong si Zea. Yep. Things went like that. Idk if ngayon na binabasa mo 'to sa future ay nag rerent ka pa rin but who knows🤔, maybe u do pa rin, and also maybe.... Sa ibang place ka na nag rerent? And much more goods for you? OR!! nasa true family mo na ikaw nakatira. Hays. Even diyan sa future, maaalala mo pa kaya ang hapdi ng taon nang pagkawala ng Kuya mo and pag alis mo sa bahay ng kinalakihan mong pamilya? I'm sure you do. **** it. I don't feel regret about the things we've done but... Ang lungkot. Sobra sobra. How did it turned like this? Well, since bata pa lang tayo alam na nating may big na mangyayari kapag mas lumaki na tayo and I knew that it'll be unexpected but hell... Iyon pala ang mangyayari. Ngayon, nakahiga ako habang sinusulat ko 'to. Medyo masakit ang ulo kasi buong araw ka lang nakahiga. Tumayo ka lang noong binanlawan mo ang uniform and pe uniform mo at kinuha 'yong order mong 6pcs wings and fruity soda. Hindi mo iniisip na laking sayang ng oras kasi you feel that you deserve to rest and you also feel proud. Dati hindi mo maiisip na maghihilata ka lang all day kasi you got works to do but look at your past now, you can do whatever you want. Limited siya of course as to wala ka pa namang big big money to buy the things you really like and will be satisfied about. Pero now, hindi ka gigising sa masasakit na salita. Hindi ka gigising nang patay ang electric fan mo. Puwede kang gumising kahit anong oras mo gusto kasi walang magagalit sa'yo. Puwede kang tumayo sa higaan kahit anong oras. Ang nakakapanibago lang, ikaw at existence mo lang ang mararamdaman mo sa loob ng bahay. Walang gumagalaw na kahit ano. Walang pag gising mo ay may ganap. Walang pag gising ay puwede kang kumain kasi may pagkaing luto na. But kahit ganiyan, you are defined more happy than before. You feel free. You feel the things that you always wanted to feel. Ang hindi ma pressure. Ang hindi matakpan ang true nature and feelings mo. And cons nga lang ay you have to take care of yourself and... I think I do it like 60% lang hahahhaa. You see, it's 4am and I have class at 7am but still... I'm not sleeping. Ang tigas ng ulo ko. Iniisip ko na naman na sana ay hindi matuloy subject teacher natin now. We also have classes on 1pm - 4pm and 4pm - 7pm. Yeah it's long for you sa past pero I think na it's better now. Hays. I feel aligaga only in mind these days. Idk what's going on but I feel... baka siguro magkakaroon lang ako. I'm emotional din hahahaha so yeah siguro nga. Ano kaya ang ginagawa mo ngayon? Kailan mo kaya ito mababasa? 'yong letter mo noong 2021 ay supposedly mababasa mo noong March pa this year pero November mo na nakita. Panay ka kasi erase lang sa notif ng emails mo. Well forgiven na self kasi wala ka namang important na hinihintay sa emails mo. Maybe diyan sa future mayroon na? You also asked me if nag wowork na ako now. Hahahah, no self. Nakaasa ka pa sa weekly allowance mo kay Tito Allan. Although very delay bigay niya, atleast you are surviving everyday. Hindi ka nga lang magaling mag budget, (maybe?) idk rin. Nag oorder tayo ng food cause it takes less time and ikaw lang naman kakain. Pero Hussle lang sa expenses kapag bibili ng food online. Tinatamad ka naman mag cook for yourself pero you always wanted to try. Maybe you'll try in the next couple of months pa hahahaha. But i know na once u tried na, you'll continue it na hahaha cause that's who u are Nikanikzy. ay cringe. Ang sabi mo rin pala ay for sure na tamad ako but like HELLO??? hindi tayo tamad 'no. Isipin mo kayang mabuti dzuh!! U then asked me if I'm depressed or stressed now. Hmmmmm... I'm not in my depression era anymore babygirl. Maybe a little bit of stress but overall it's just fine. You can manage. I'm starting to feel antok na as I'm writing this hahahahaha. Don't worry, I'm not overdoing things this time. Kulang pa nga eh. But I know that it's fine cause that's what we are hahahhaa. Yeah yeah in that time nanonood ka lagi ng anime and naglalaro ka ng otome games. Now nagbabasa ka naman lagi ng manhwa. Kung dati ay anime, ngayon manhwa ka na. Maybe sa future manga na?? But I feel like... Maybe hindi ka naman masasayahan sa manga kasi gusto mo colorful kapag nagbabasa ka and it adds thrill. Future me, kamusta ka??? Hala ngayon ko lang natanong. Masiyadong naatat magsabi ng kung ano ano. Kamusta ka naman?? Ano nang ginagawa mo now??? Pinagpatuloy mo ba pag aaral mo? Nasaan ka na? Masaya ka ba?? Ano na kayang perspective mo sa buhay? May makikilala ka bang mamahalin mo? Ano nang relationship niyo ng Mama natin dati? Hays. I love you self. I love us. I'm not really in the mood or what to console you. But, Nika. Nika. Nika. Please. Be strong. Be strong Nika. May pinagdadaanan ka bang mabigat ngayon? Will you hate yourself more or will you love yourself more? I'm afraid, self. Ano kaya nasa future natin? Please. Self. I know na you're rushing and doing things without think it thrice. Thrice kasi iniisip mo agad agad lahat kapag may nangyayari even for a short time. I trust you self. I hope you will stop clinging for validation from people. Now you are halfway from doing it. You don't give a **** but you also do. It's kind of half half pa but idk what will happen diyan sa future. Hmmm now, you have a lot of skincares. Halos lahat from luxe organix hahahaha. Mahilig ka talaga mag stock. Kahit may stock ka pa hindi mo matiis na hindi bumili kasi nasa isip mo ayaw mong maubusan. Bakit ka ganiyan self? Ngayon hindi mo pa inaalam kung bakit kasi baka kapag inalam mo, you'll stop from doing it and alam mong may cons siya. Baka hayaan mo sarili mong walang skincare ha. Bawal 'yan. Beauty is you. I love you. Self, you've been through a lot. A LOOOTTTTT and kapag iniisip ko, how did you even handle it????? and kapag iniisip ko ulit, I'm like yeah I know. Enduring it while hurting and letting it be. But now it's fine. You feel negative sometimes but panandalian lang. You are carrying only yourself so wala kang sinisisi. Habang sinusulat ko 'to naiisip ko na 'yong oras hahahaha 4:24 na and nag aalala na ako kasi may pasok ka pa later 7am but, nvm that. Nag backread ako dito sa sinulat ko and whattt?? So long na already. Mag 1 hour na vebs hahahhaah. Nika ha, dapat mas malaki na money mo diyan now. Dapat even kapag gumastos ka for food mo, may extra ka pang marami ha. Or 'yong plan b natin. Mag boyfriend ka ng mayaman and will spoil you. Omygash, 'yong first letter ko hindi naman umabot ng ganito karami but it's understandable. Excited ka na maglaro ng otome o manood ng anime kaya onti lang last letter, or need mo na matulog, or kaya naman, it's related to Nancy. Hmmmmm. What should I write pa kaya? Ano kaya winowonder mo right now while reading this? I feel like lutang na ako to think more pa. Sayang naman. Marami sana akong ikukwento kung goods ka now self. 1 years lang ba ilagay kong pagitan or 3 years? May option din na 10 years but it's too long naman masiyado. Baka pinalitan ko na email ko for other purposes niyan eh. Edi sayang 'di ba? Ayan na. Sleepy ka na pero 'di ka pa matutulog. Mag bobrowse ka pa online hanggang sa mafeel mo na naman na it's time to sleep na because u need to. Now, you don't find joy in sleeping pa pero nag search ka last day about how to sleep enjoyably hahaha and the answers.. you know it na. Ayaw mo lang gawin kasi ganiyan ka talaga #dwow. Ano bang gusto mo talaga self? Sana sagutin mo na 'yan ha. Ngayon pala ay may parang boyfriend ka. Dinideny mo existence niya kasi ayaw mo pang ma feel na may bf ka. Actually last year pa kayo magkakilala. Hindi niyo alam kailan monthsary niyo kasi nag start na lang kayo bigla. Ano ba 'yan. Alam nating deep inside e ayaw natin niyan pero wala akong ginagawa now. He's there but I can do what singles can do so it's fine naman hahaha. As for if u love him..... mmmm... a little yeah? Little bit romance.. idk din. Ayo'ko ma figure out. I trust u self na if something terrible happens, you wouldn't be affected much much, like how you got affected before sa previous rs mo. He's existence isn't even worth explaining to you here. Iniisip ko now if ikekwento ko ba siya but I can't find the point kasi hindi siya 'yong type mo overall, but, you feel happy naman sa kaniya and u always greet him and say Iloveyou, kapag chinachat mo 'yon you're filled with questions if it's the right thing or not. WHAAATT!! nagkwento na naman siya. Ang purpose ko sana is tanungin kung ano nang nangyari sa'yo ngayon. Ano nang ganap nika? Dapat may genuinely na nagmamahal sa'yo ngayon ha at 'yong may naitutulong sa buhay mo. 'yong may ambag ha. You're tired of people na walang silbi sa buhay mo kung hindi maging problema sa'yo. And don't worry you're not selfish dzuh😛😛. Mygosh whaat even is there to say pa????? Oh sa school? Hmmm sige. Last week pumunta ka sa birthday ni chai and nag celeb. Naka red na bikini ka and u looked good on it. Nag celeb kayo, u had fun naman. You miss Mama Pao now. Ano na kayang ganap sa inyo nila Mama Pao, Mama Vienne, Dada and Kuya Jc? Sana it's not something you'll be sad about. After mo mag celeb it's time for your departure na so u need to balik sa bulacan. Hesitant sila na magbyahe ka mag isa so tinext natin si Papa noon na ihatid ka. Pero maihahatid ka lang hanggang sa sakayan (basta doon heheh). So from there hanggang starmall ay nagbyahe ka and guess what?? It's 3 hour ride like ngek ngek. Hindi ka nakaabot sa last sub mo sa school. Oh no, kailangan ko pa pala harapin 'yon later. And si Sir din na isa, magtatanong kung bakit ilang beses na ako absent sa kaniya. You got this Nika. Pero bakit 'di ka pa tulog? 4:47am na girl hahahhahaha. Last na siguro 'to? Huhuhu I'm gonna miss myself now. I miss you already. I miss every version of me. Maybe that's a big sign na you love yourself more than you know??? Hahaha I love you ha. Wait pala. Sa pagiging suicidal mo.... you don't constantly think about it anymore. Minsan lang pero not negative thought. Hehehehe 'yon lang mwamwa. I hope you find this agad agad kapag nag email na sa'yo ha. I hope na you are okay. I hope na you've improved. More more happy. And I hope we'll be contented someday. I really hope that you'll love yourself more and accept yourself for who you are very very very truly. This is the last sentence my love self, Nika. Goodbye and I love you.

Load more comments

Sign in to FutureMe

or use your email address

Don't know your password? Sign in with an email link instead.

By signing in to FutureMe you agree to the Terms of use.

Create an account

or use your email address

You will receive a confirmation email

By signing in to FutureMe you agree to the Terms of use.

Share this FutureMe letter

Copy the link to your clipboard:

Or share directly via social media:

Why is this inappropriate?