Press ← and → on your keyboard to move between
letters
Wala akong ibang hiniling ngayon at wala akong ibang masasabi kundi ang mag bukas at palayain ang mga salitang sa isip ko lang pero nais na ipahayag. Pagkatapos ng lahat, pagtapos akong lisanin ng mga taong nangako sa akin na sila amg magiging kakampi ko sa lahat. Akala ko ay magiging malaya ako, pero ang kalayaan pala na iyun ay may kakambal na mga tanong. Mga tanong na habang buhay kong hahanapan ng sagot kahit sila lamang ang maaring makasagot. Akala ko ay madali lang din akong magmamahal at magtitiwala ulit. Ayun ang hiling ko. Malayo sa katotohanan ngunit hindi ko inakalang darating sa akin na makalimutan kung paano mag mahal nang walang takot at pangamba. Tanungin at isipin kung darating ba ang araw na magmahal uli na puno ng tiwala at pag asa sa taong minamahal ko. Dahil ayun ang kinuha nila saakin. Kaya sa dinami dami ng sinabi ko, iisa lang naman ang tanong ko. Sa araw ba na ito ay tuluyan na akong nakalaya o nakakulong pa din sa mga pader na aking tinayo at pinangakong walang kung sino ulit ang makakapasok at makakasira. Dahil sa araw na ito wala akong ibang pinipili kundi ang sarili ko lamang at ang pigilan ang sariling magmahal hindi dahil sa ayaw ko sila ngunit dahil sa nabubuhay ako sa pangamba. Kung pagbibigyan ako ng tadhana, hihiingin ko lang sana na sa susunod na araw na ito ay malaya na ako at nagmamahal nang hindi natatakot at walang pangamba na maulit ang sakit at maguho ang pader na aking itinayo para sa taong sisirain lang uli ang tiwala ko. Probably i am cringe by reading this HAHAHA, pero sa dami dami ng sinabi ko iisa lang naman ang hiling at Tanong ko. Yun ay ang sa araw na ba na ito ay kaya ko nang magmahal nang walang takot at kayang magbigay ng tiwala sa pag ulit, at ang hiling na sana nga kaya ko na.
Sign in to FutureMe
or use your email address
Create an account
or use your email address
FutureMe uses cookies, read how
Share this FutureMe letter
Copy the link to your clipboard:
Or share directly via social media:
Why is this inappropriate?