Press ← and → on your keyboard to move between
letters
Dear FutureMe,
Hi 22-year-old MJ! I hope you’re doing really great by now. I am writing this because I wanted to know kung ano-ano ang mga bagay na magbabago in your life after two years. May nagbago na ba? Masaya kana ba? Kung oo, is it genuine? May mga taong nanloloko pa rin ba at nananakit sayo?
Sana natupad na yung ilang wishes mo by the time na nababasa mo ‘to. Malapit na pala birthday mo, oh. 23 kana next month.
Time flies so fast. Ikwento ko muna kung ano ka ngayon habang sinusulat ko ‘to.
You graduated in college few months ago. April 30, 2024 to be exact. You finished your On the Job training sa Banko bandang June first week na. Sobrang tagal, no? Halos araw-araw ka nga nakikipagsiksikan sa Jeep at MRT noon eh pero you liked it. Gustong gusto mo kasing nakikita at nararansan ang mga totoong nangyayari sa buhay. Through that, marami kang nare-realize at natututunan.
Hindi ka muna nag-work after graduation. Pinili mong magpahinga. Pero as time goes by, parang nagi-guilty kana. Nakikita mong nagwo-work na mga ka-batch mo kaya may konting inggit kang nararamdaman. You overthink things so much. You felt like napag-iiwanan kana. You are at the point of your life na ayaw mo na gamitin social media accounts mo. Naiiyak ka kasi pag nakikita mong umuusad na sila habang ikaw, nandyan pa rin. Nakahiga at umaasa pa rin sa magulang.
Actually, habang sinusulat ko ‘to(tinatype) you wanted to end your life. Gusto mo na mag-disappear na hindi nagpapaalam. Super depressed ka at malungkot. Kagagaling mo lang kasi sa break-up.
Ikwento ko ba? Ayaw ko sana ipaalala sayo pero sana while you’re reading this, hindi ka na nasasaktan. Instead, grateful kasi nalampasan mo ‘to and you learned.
After your first heartbreak, you stopped entertaining people for almost 2 years. During that two years, you focused on your studies, you focused on yourself, and that was your healing phase. This year lang (2024) you let yourself entertain people again. But, your not that serious because you learned na ‘wag ma-attach agad sa mga nakakausap lang. (pero may times na na-attach ka) You talked to them but end up being ghosted. All of them. Hindi ka naman nasaktan. Medyo lang. Naging back burner ka kasi haha.
You promised to yourself na kapag hindi pa nag-work yung last na makaka-usap mo, hindi kana mage-entertain pa ulit. And then, you met this guy on a random Saturday night. You get to know each other for almost two months bago kayo nag-meet. Taga Baguio siya kaya sobra mong na-appreciate his efforts. He’s kind and you feel safe with him. Funny how you think na siya na talaga pero hindi pala. Nanligaw siya and sinagot mo naman agad. Umabot pa nga kayo ng isang buwan eh. But, noong malapit na ang second month niyo, something happened.
Hindi man ganon kataga pero nasaktan ka pa rin. Nag-invest ka, eh.
You woke up feeling heavy. That’s the sign na pala. Yung messages niya sayo that time parang hindi maganda ang tono. He’s working on morning kaya sa gabi kayo nakapag-usap. You broke up that night. His reason was naiisip isip niya “raw” na hindi niya mabigay yung love na gusto mong ma-feel kasi nga LDR kayo. Everytime na nag-aaway kayo, hindi ka raw niya masuyo sa paraan na gusto niya. At paulit-ulit lang rin ang nangyayari everyday sa inyo sabi niya.
Yung routine niyo ganon, wala raw nadadagdag. Super confused ka that time kasi akala mo okay kayo pero ganon na pala iniisip niya the whole time. That was the time you also realized na oo nga no, paulit-ulit lang pero never pumasok sa isip mo yon kasi each day, excited kang makausap siya. For you, araw-araw ay iba.
Maayos naman kayong naghiwalay. Sabi pa nga niya ay kung mag-iba man raw ang ihip ng hangin, try niyo ulit. Ipapagpatuloy niyo pa nga sana yung streak na feature sa tiktok kasi you both think na sayang yung 50 streaks niyo pero nag-end rin. Magkikita pa nga sana kayo for formal closure kasi sabi niya deserve ko raw ‘yon.
Umasa ka pero hindi ‘yon natuloy.
Until dumating yung araw na he unfollowed you sa lahat ng socials niya. He even blocked you on Facebook and Messenger pero in-unblock ka rin niya after a week tapos he accidentally hit the like button so naisip mong kamustahin siya pero hindi na siya nag-reply.
This week lang, nag-message siya. You thought na siya ‘yon pero yung bagong girlfriend niya pala. Takang taka ka kasi nananahimik kana tapos biglang magcha-chat yung new girl niya sayo gamit account niya ng mga masasamang words. You were mad, it hurts you kaya you chatted him on instagram pero yung girl pa rin ang nag-reply so you waited na siya na ang gumagamit ng account niya.
He explained na he cheated on you. May something raw siyang nafe-feel sa ka-work niya which is yun raw naka-MU niya rin five years ago. You were mad by the thought na he cheated kasi anong nangyari sa sinasabi niya sayong “deal breaker” niya ang cheating? Plus, alam niya yung story mo and nagawa niya pa rin sayo yon. Nasaktan ka lang sa part na akala mo siya na talaga, na akala mo nahanap mo na yung magte-treat sayo ng tama kasi yun yung pinakita niya noong una.
Hindi pala. He fooled you.
You can’t do anything but to blame yourself. Sinasama mo pa siya sa prayers mo everyday kahit break na kayo tapos ganon ang malalaman mo. Mapapatanong kana lang kay Lord kung bakit favorite kang saktan ng mga tao.
You told him na you respect it naman if he’s already in a relationship pero sobra kang nasaktan kasi sinabihan ka ng malandi ng bago niya eh wala ka namang ginagawa. Akala raw kasi ay may communication pa kayo ng ex mo. Remember what you told him? “pls tell your girlfriend na hindi ako malandi and I have high respect for myself, unlike her” kasi kung ako ako nasa pwesto niya hindi ko magagawa sa kapwa babae ko ‘yon. Umaatake siya ng hindi inaalam ang buong story.
Yung last message mo sa kaniya ay wala na siyang maririnig mula sayo ulit. You blocked him. Sa lahat.
You cut your connections with him and you decided to move forward. Iniyak mo lang lahat ng walang nakakaalam. You are too private kasi. Hindi ka nagkkwento sa mga friends mo about your life. Wala ka ngang social life eh. Literal na ikaw lang at ang family mo ang meron ka that time.
Pero noong time na parang sasabog kana at gusto mo mailabas lahat, wala kang choice but mag-rant kay (friend). Nakakatawa kasi he was there, all ears. He was the first to know rin about your first ex’s story haha. No cap, I super appreciate him rin and I’m grateful kasi nandyan siya. Sana friend mo pa rin siya diyan ngayon. Sila pa rin ba ng girlfriend niya? hahaha
Anyways, noong broken hearted ka, you applied for a job. Parang naging coping mechanism mo ang maghanap ng trabaho at maglakad ng requirements. Awang-awa kana kasi sa sarili mo na lagi nalang umiiyak sa gabi. Grabe na yung trust issues mo before sila dumating and then ngayon sinagad kana nila.
After a week, you got a job. Actually, kakastart mo lang last week. You are sooo lost. Literal na beginner pero you are enjoying it naman. Sa finance department ka na-assign and super bait ng mga staff. Sa sobrang dami nila, ilang pangalan lang ang natandaan mo. Sana dyan, kilalang kilala mo na sila at may increase na rin sa sahod haha. Ay, diyan ka pa rin ba? I hope you learned a lot and maraming na-improve sayo.
I may not be okay right now pero sigurado akong okay na okay at masaya ka diyan ngayon. Huwag kana basta bastang magpapapasok sa buhay mo ha? If ever man, sana natuto kana.
Sana rin you stopped yung habit mo na pagkutkot sa lips mo hanggang magdugo if inaanxiety ka ha. Sana hindi kana rin takot sumagot ng calls.
I really really hope na you’re living the best version of your life! I love you!
Sign in to FutureMe
or use your email address
Create an account
or use your email address
FutureMe uses cookies, read how
Share this FutureMe letter
Copy the link to your clipboard:
Or share directly via social media:
Why is this inappropriate?