❤️❤️

Time Travelled — about 1 year

Peaceful right?

para sa akin,
pasensya na kung matagal akong hindi sumulat sa'yo. sa totoo lang ngayong gabi ko lang naisip gawin ulit to dahil matagal kitang hindi inisip. kamusta ka kaya? sana mas maayos ka ngayon. sana mas matatag. mas magaling ka na sana gumawa ng desisyon. pero kung hindi man, palagi ka sanang maging mabait sa sarili mo. patawad kung nahihirapan ka dahil sa mga maling desisyon na nagawa ko. ongoing third year ka na kung sakali man na mareceive mo ito. palagi mong tatandaan proud ako sayo. naalala mo kung paano tayo nagsimula. u witnessed how all the universe conspires to make it happened. iyon ka. kung maging ano o sino ka man ngayon lagi mo sana akong aalalahanin. pangako patuloy kong pagsisikapan pagaanin lahat ng bagay. matutunan lahat ng bagay na kailangan ko. iyon yung paraan ko para makabawi sa'yo. sa mga hirap na pinagdaanan mo. huwag ka sanang bumitaw. magkakampi tayo, handa akong yakapin ka at punasan yung mga luha mo. palagi mong iisipin yung rason kung bakit ka gumigising sa umaga. makalimutan mo man sana patuloy mong hanapin yun. hanggang sa mapadpad ka sa lugar na mas komportable ka. mas maaliwalas. mas minamahal ka. mas bininigyan ka ng importansya. mas magaan kumpara sa dati. hihintayin ko iyon. kung mangyari man iyon ay sana bisitahin mo ako sa isip mo. at sabihin mo sakin na kinaya mo. huwag kang matakot magkamali ha? huwag kang matakot sumubok at bumangon ulit kung sakali man humarap ka sa mas mabigat na challenge. tandaan mo sana na palagi nating nagagawan ng paraan. palagi nating nasisiguro na makakalampas tayo ng buhay. huwag mo sana gamitin yung mga masasamang karanasan mo para gumawa ng mga bagay na ikasasakit ng ibang tao. mabuti tayong tao. palagi mong tatandaan. palagi mo rin buksan yung puso mo sa mga taong handang magmahal sayo. 
mahal kita lagi't lagi. yakap ng mahigpit


Load more comments

Sign in to FutureMe

or use your email address

Don't know your password? Sign in with an email link instead.

By signing in to FutureMe you agree to the Terms of use.

Create an account

or use your email address

You will receive a confirmation email

By signing in to FutureMe you agree to the Terms of use.

Share this FutureMe letter

Copy the link to your clipboard:

Or share directly via social media:

Why is this inappropriate?