Press ← and → on your keyboard to move between
letters
Dear FutureMe,
Hi!! May pasok ako bukas pero feeling ko di ako makakatulog pag di ko to nilabas sayo. Kamusta ka na ngayon? Nasa Canada ka na ba?
Tanong ko lang, nay inaalagaan ka ba jang hayop? Kasi hindi ko na kaya. Ilang araw na kasing hindi kumakain si coco at sobrang payat na niya. Kanina nagsuka siya ng dugo tas hindi ko alam kung anong gagawin ko. Pag nakikita ko siya sa ganong sitwasyon sumisikip dibdib ko. Mahal na mahal na mahal ko si coco kasi tinuturing ko siyang kapatid ko. Umabot nga siya sa birthday niya (August 12) kaso may sakit naman naman siya. Parang 3 linggo nang may sakit yung pusa natin... Naiiyak ako pag nakikita ko na gusto niya pang lumaban. Kita naman sa kanya kasi pilit niyang dinidilat yung mga mata niya kahit hindi na masyadong maidilat. Pag naririnig niyang bumababa si mama pinipilit niyang tumayo, pansin ko rin na gusto niya ng atensyon kasi sinubukan niyang mag meow kanina kahit hinang hina na siya kasi wala nang boses dahil hindi kumakain at umiinom man lang. Tapos himdi siya umiinom pag hindi ako nakatingin. Sabi nila pag daw namatay ang isang tao, ung sense of hearing yung huling nawawala. Kung ganon din sa pusa gusto ko sanang kausapin siya nang kausapin kaso hindi ko kayang kausapin si coco nang hindi ako umiiyak.
Coco, mahal na mahal ka naming lahat. Ako, si mama, si nanay at tatay, si step, stephen, pia, sila tita, si kuya dodie kahit lagi kang inaaway. Lahat kami. Coco salamat kasi hinayaan mo kaming maging parte ng buhay mo. Thank you kasi dumating ka samin, hinayaan mong alagaan ka namin, pakainin, tapos hindi ka nangangagat pag pinapaliguan ka, pag tumatabi ka samin pag tulog, pag nakikipaglaro ka, pag hinayaan mo kaming asarin ka, pag nag memeow ka na maingay miss na miss ko na. Coco gusto ko na marinig yung meow mo uli, gusto na kita makatabi matulog, gusto na kita maasar sa pagpapakain. Mahal na mahal kita coco pero kung kapalit non ay paghihirap mo, sana magpahinga ka na. Nahihirapan ako na makita kang lumalaban kahit sobrang thankful ako na gumigising ako na gising ka. Hindi ko maisip na makita kang abo na lang. Di ko kqyang makita kang nakapikit na hindi didilat, nakapikit na hindi didilat pag narinig na dumating si mama. Akala namin na kami yung mang iiwan sayo pero kami ung iiwanan mo. Ang duga-duga mo nakakainis ka. Pero coco mahal na mahal kita, mahal na mahal ka namimg lahat. Ikaw ang nagtatanggal ng pagod ko, ng lungkot ko. Ikaw ang kasiyahan ko, coco. It breaks my heart to see you like this, and I wish I could take away your pain. But I want you to know that you've filled my life with so much love and happiness. You've been there for me in ways I can't even describe, and I hope I've been able to do the same for you.
from faith (august 24,2024)
Comments are turned off.