A letter from Aug 13, 2024

Time Travelled — about 1 year

Peaceful right?

Dear FutureMe, Hello! Hindi ko alam kung matatandaan mo pa ‘tong araw na ‘to. Pero sinusulat ko ang mensaheng ito ngayong 3:39 a.m., Miyerkules. Wala tayong klase ngayong araw, pero bilang pakikiisa sa Buwan ng Wika, dadalo tayo sa ikalawang palihan ng KADIPAN sa MB Audi ng PNU. Tayo ang magco-cover ng balita para sa rePORsado ngayong araw. Wala pa tayong tulog, pero meron tayong kain mula kaninang ala-una. Naging abala tayo sa pag-iisip kung ano ang pwedeng gawing ayos sa buhok natin, lalo na at may bangs na tayo. (Naggupit ako ng bangs no’ng Lunes ng gabi dahil naisipan ko lang… si Kahel ang unang nakaalam) Uhm, mabigat ang pakiram*** ko ngayon. Ini-stalk ko na naman si Cholo. Dios mio, alam kong pinangako ko sa sarili kong huli na ‘yung pang-stalk ko sa kaniya no’ng July 31, pero ewan ko ba. Napapabuntong-hininga na lang din ako, e. Alam kong ang tanga, pero alam kong kailangan ko rin ‘tong gawin sa sarili ko— hindi para pahirapan ako, kundi para ipadama sa sarili ko ang pait ng lahat. Alam mo naman, tayo lang din ang mapapagod. Tayo rin ang susuko nang kusa at bibitiw sa lahat ng ‘to. May mga oras na naiisip ko si Cholo. Pero parang ang bilis lang, e. Dadaan lang siya… maiisip ko… tapos hindi ko na maaalala kung ano ang naisip ko sa kaniya. Akala ko wala na akong galit, pero may hinanakit pa palang natira sa akin. Hindi ko alam kung para sa kaniya o kung para sa akin… baka para sa amin pareho? Gusto kong balikan ‘yung convo namin sa Discord, pero ako na mismo ang umaayaw. Gusto kong balikan kasi sabi sa napanood kong video sa YouTube, dapat din akong mag-take ng time para pag-isipan ‘yung mga maling nagawa ko noon para sa oras na dumating na ulit ang taong makakapagpasaya sa akin romantically, maiwasan ko nang maulit ‘yung mga maling iyon. Alam mo ba, Ei, naiisip ko… uunahin ko muna talaga ang sarili ko. Hindi lang pagdating sa acads, ah? Pagdating na rin siyempre sa love at sa financial situation ko. Naiisip ko, gusto kong makabili talaga ng iPhone 13 Mini. Siguro uunahin ko munang makabili non bago mag-entertain ng bagong taong papasok o darating sa buhay ko. Wala lang, para napasaya ko na ang sarili ko bago pa man siya dumating. Tapos dahil may break nga kami from November to December, sisikapin kong magtrabaho sa mga panahong ‘yon. Raraket ako kahit saan pa ‘yan para naman makapag-ipon din ako kahit papa’no. Tapos gagawin ko lahat ng mga gusto kong gawin, lalo na kung kaya ko naman at ng pera ko. Tapos kapag hindi ako nakapasa sa SGDC, itutuloy ko ‘yung track and field. Kukundisyunin ko rin ang katawan ko kasi gusto ko talagang maranasan ‘yon bago grumaduate mula sa college. Alam mo, Ei, nae-excite ako sa paparating na classes sa PNU! Siguro naimpluwensyahan ako kanina nang matapos ko ang pag-setup sa Notion ko para sa 2S-FIL11. Na-excite talaga ako, tapos ginusto ko pang mag-advance study dahil may resources ako sa isang Discord server + may ‘onting knowledge na ako gawa ng titles sa Maharuyo Project. Nakuwento ko kina Pichaya na nae-excite ako sa classes, tapos nagsabi silang proud sila sa akin kasi tinutupad ko raw talaga ang pangarap ko. Proud na proud din ako sa amin. Akalain mo ‘yon, magkakaibigan kaming bullsheet since 2019 at umabot pa talaga ng ganito katagal? Siyempre pang-forevs na ‘to, ‘no! Hindi ko kakayanin kapag nabuwag pa ang pagkakaibigan namin. Saksi silang tatlo sa iba’t ibang versions ni Angel, at masaya akong nasaksihan ko rin ang pagbabagong-hubog nila mula no’ng high school hanggang ngayong third year na kami. Hay, Ei, kumusta ka kaya ngayon? Sana mas nasa mabuti kang kalagayan. Sana nakakapagpahinga ka pa rin. Sana hindi mawala sa puso mo ang pag-asa na mas magiging mabuti ang lahaaat-lahat. Sana hindi mawala sa puso mo ang passion para sa Filipino, lalo na para sa pagtuturo. Sana mag-alab pa ang lahat ng magagandang katangian mo ngayon. Sana positibo pa rin tayong harapin ang makulay nating hinaharap! Iidlip na muna ako ngayon. Alam mo, palagi na lang talaga akong mapapaisip na sobrang mapalad ako, lalo na sa pamilya ko. Kahit hindi kami angat sa katayuan sa buhay, masaya akong kumpleto kami. Naiiyak ako, shet. Sana huwag munang kunin sa akin ng kung ano o sino man ang pamilya ko. Huwag muna. Hindi ko pa kaya. Gusto ko pa silang makasama nang mas matagal. Gusto ko pang gumawa ng mas mararaming alaala kasama sila. Mahal ko sila kahit hindi ako affectionate kadalasan. Ei, mapalad ka, at sana ay lagi mong matandaan iyon. Marami ang nagmamahal sa iyo. Marami ang nandito lang para sa iyo. Kaya bilang mapalad na tao, bigyan mo rin ng pagkakataon ang ibang tao na makaram*** ng swerte at pagmamahal mula sa iyo. Iparam*** mo sa kanila kung gaano kasaya at kaganda ang mahalin ng isang katulad mo; nang sa gayon, kapag napagtanto nilang mapalad din sila, maibigay nila ito sa nararapat at mas marami pang tao. Angelica Marie, kamahal-mahal ka. Palagi iyan— walang duda at walang kupas. Tapik sa balikat! 🤍

Load more comments

Sign in to FutureMe

or use your email address

Don't know your password? Sign in with an email link instead.

By signing in to FutureMe you agree to the Terms of use.

Create an account

or use your email address

You will receive a confirmation email

By signing in to FutureMe you agree to the Terms of use.

Share this FutureMe letter

Copy the link to your clipboard:

Or share directly via social media:

Why is this inappropriate?