A letter from Jul 14, 2023

Time Travelled — almost 3 years

Peaceful right?

Dear FutureMe, Hiii^^ it's me again hehe your 17 years old self. My future self alam mo ba hirap na hirap na naman ako ngayon:( ang hirap kasi sa edad kong ito ngayon hindi ko ma-enjoy yung pagiging teenager ko, hindi ko lang maiwasan mainggit sa ibang kabataan na katulad ko na nakakagala sila, may allowance sila na hindi nila need paghirapan. Ako kasi ngayon malapit naman magpasukan pero hindi ko man lang na-enjoy yung bakasyon ko, gusto ko man sumama sa gala ng mga kaibigan ko kaso wala akong pera eh haha hindi naman ako pwedeng gumala ng 100 lang ang dala kasi pamasahe ko lang yon eh nakakahiya naman kung nakatunganga lang ako habang nagala kami diba? Binibigyan naman ako ng pera ni papa pero minsan lang but thankful naman ako don syempre kasi kahit papa'no nakakain ko yung cravings ko na napapanood ko lang sa socmed pero ayon nga hindi ko rin maiwasan mainggit sa mga kaibigan ko na Linggo linggo may pang online shopping sila, madalas din silang nakakagala tapos ako nasa bahay lang paulit-ulit pa yung routine ko haha, Linis bahay, kain tulog and so on HAHA kaya nililibang ko na lang sarili ko sa tiktok kaya sa pang load na lang hinihingi ko para kahit papa'no hindi ako mabored. Tsaka may part time nga pala ako, taga linis ng aso 2k a month yon okay na rin no? Pang ipon ko para may pang shopee na rin ako HAHA nakaka guilty kasi manghingi sa kanila eh hindi naman kami mayaman and baon pa kami sa utang kaya kapag nanghihingi ako hindi ko maiwasan ma guilty lalo kay papa kasi nag iipon yon ng pang motor niya eh kaso walang maipon dahil siya nagbabayad ng tubig at ulam sa araw araw kaya sobrang thankful ako kay papa sa pagbibigay niya ng pera sa'kin kapag need ko^^ (love u papa<3) btw ikaw? may naipon ka na ba? Nabili mo na ba yung mga want mong damit? Eh yung phone mo eto pa rin bang Huawei or bago na? I hope hindi ka na naiinggit sa iba hehe gawin mo silang inspiration ha na dapat nakakabili na tayo ng luho ng hindi naguguilty sa paghingi kasi sariling pera mo na yung ginagastos mo galing sa pinagsikapan mo^^ wag ka rin sana gumaya sa iba na umutang kasi sabi nga ni ate Sarah na hanggang maari huwag umutang kung matitiis tiisin lang. Maga na yung mata ko habang tinatype to hahaha sige na babye na munaaa thank you sa pagbasa neto, thank you din dahil kapag nagsusulat ako sayo ng letter gumagaan pakiram*** ko^^ byeee muna I love youuuu <333

Jul 14, 2023 → Jul 14, 2026 • 442 words
Comments are turned off.

Sign in to FutureMe

or use your email address

Don't know your password? Sign in with an email link instead.

By signing in to FutureMe you agree to the Terms of use.

Create an account

or use your email address

You will receive a confirmation email

By signing in to FutureMe you agree to the Terms of use.

Share this FutureMe letter

Copy the link to your clipboard:

Or share directly via social media:

Why is this inappropriate?