Press ← and → on your keyboard to move between
letters
Dear FutureMe,
Good day! I am the 20 year old Menchie. I wrote this letter at 10:17 pm, July 12, 2023. Kamusta kana? Masaya ka na ba ngayon? Hindi ka na ba nahihirapan? Sana may maayos kang trabaho kasi yan ang pangarap mo. CPA ka na ba? Sobrang proud ako sayo kasi nalampasan mo yung mga challenges sa buhay mo. Proud na proud ako sayo at sana nakuha mo na lahat ng gusto mo. Kayo pa rin ba ni Harold? Hmmm, sana mas naiintindihan ka na nya ngayon. Alam mo, pagod na pagod na ako. Ngayon ko lang naramdaman yung pagod na matagal ko nang gustong ilabas. I always wanted to be loved and to be heard. Sobrang nakakapressure mabuhay because they all expect na magaling ka sa ganito at parang wala lang sa kanila yung mga paghihirap mo. Don't worry, this week I'll buy a laptop for you. That's my reward for you because you worked hard for it. Ingatan mo ha? That's my 5 month savings from myside hustle which is academic commissions. Sana masaya ka na ngayon, ayokong nalulungkot ka. I hope you find a comforting place and person para mawala ang lungkot mo. Kumain ka ng ice cream ha, gusto ko cookies and cream kasi favorite mo yon diba? Ako? hmmm never naging favorite ng kahit na sino. Nag-away kami ngayon ni Harold at nalulungkot ako kasi wala akong kakampi, wala akong papahingahan.
Sana mas tapangan mo pa. Wag kang papadala sa tukso, pls. Ang bigat bigat ng nararamdaman ko ngayon pero sana mas okay ka na ngayong 23 years old ka na. Mahal na mahal kita, sobrang proud ako sayo. Sana araw araw ko nang mapadalhan ka ng email mula sa araw na ito para mabawasan man lang ang lungkot na nararamdaman mo. Siguro kung CPA ka na ngayon, malaki ba sahod mo? HAHAHAHAHA yan lang naman ang gusto mo e. Nakapag abroad ka na ba? Sana for the next 5 years may sarili ka nang business, bahay at lupa. Wag mong kalilimutan yung 4 wheels na ipinangako mo sa papa at sa mga kapatid mo. Ford na black? hmmm. hirap naman ibyahe yun dito sa bundok HAHAHAHA.
Saglit lang ang panahon kaya alam ko okay ka na ngayon. Be happy always,loveyouu. You deserved to be love, mahal. Kung di ka nila mamahalin, aba sayang ka! Kidding aside. Good night na. Tutulog na ako kasi mag-aaral pa ako bukas ng Market Valuation approach para sa exams namin next week. Balita sa crush mong prof? Bilis nya magturo, hindi ko nga magets e. Nakatulala lang ako sa kaniya kasi (pogi) hindi ko maintindihan ang lesson. Pag hindi na kayo ni Harold, magboyfriend ka nalang ng CPA oki HAHAHAHAHA eme. Alam ko namang marupok ka, di mo kaya yon. Sana maraming pogi dyan sa work mo para mainspire ka araw araw. Goodluck, future self. Proud ako sayo.
Sign in to FutureMe
or use your email address
Create an account
or use your email address
FutureMe uses cookies, read how
Share this FutureMe letter
Copy the link to your clipboard:
Or share directly via social media:
Why is this inappropriate?