Press ← and → on your keyboard to move between
letters
Dear FutureMe,
By the time you received this it will be 5 years from now have you moved on already? Do you still can’t say his name? Kahit sa isip manlang? Nakakatingin ka na ba ng deretso sa mga daan na dinadaan nyo noon? Nakakatingin ka na ba ulit sa buwan? Bumalik ka na ba ulit sa social media? Or wala ka na talagang balak?naalala mo parin ba boses nya? Tawa nya? Eh yung iyak mo nung gabi na yun? Nasasaktan ka parin ba pag naalala mo? Namimiss mo parin ba sya? Tinatakpan mo parin ba tenga mo kapag naririnig mo yung mga songs na dine-dicate nya sayo sa daan? It pains me to write this kasi it’s been almost 3 years simula nung nawala sya and yet may mga oras parin na napapahinto ako bigla sa mga ginagawa ko kasi naalala ko sya sa mga bagay na yon. Micah please I hope by this time na makuha mo to you had enough of your time to recover already.
Sorry, hindi ko sinulat to para i-discourage ka kung sakali man na kailangan mo pa ng time to completely heal and recover, okay lang yun naiintindihan kita, one step at a time. Eto nalang para pareho tayong ma-cheer up since nalulungkot din ako today, sabihin ko nalang mga naovercome mo na simula nung nangyare yun. Una, nakakapag paint ka na ulit, yes dumating man tayo sa point na naging hate natin ang art kaya tayo nag drop out sa dream course natin kasi naalala mo sya pero we both made the courage to hold our brush again. That’s a big step! We both improved rin! We stopped loving traveling after what happened kasi you can’t see yourself na pumupunta sa ibang lugar lalo na yung mga nasa bucket list nyo knowing na he’s out of the picture na but this is the most travel that we did kasama ang fam and you enjoyed it very much! Baka nga hindi mo na tanda by now na dumating ka sa point na yan eh haha, also nakakapag ayos ka na rin ulit and selfie, you gained your confidence again! Nakakapag skin care ka na rin ulit ng hindi natutulala. Tapos nasasabi mo na rin yung word na “buwan” ni kahit basahin mo kasi sa isip dati hindi mo magawa. Medyo nagiging malabo na rin sayo ano yung pagkakasunod sunod ng shake hands ninyo. Micah wala na rin yung bigat na parang may nakasaksak na malaking kutsilyo sa dibdib mo, hindi na natin nararamdman yung bigat na yon. Bukod dyan, na wo-word out mo na ulit itong mga nararamdaman mo. Wow nakakatuwa hahaha ngayon na tinatype ko marami pala ako naovercome na rin I mean okay ang simple rin pala nila tignan pero para saatin alam natin gaano kalaking courage and faith kay Lord yung ginawa natin just to get here. We both know na hindi na mawawala sa isip natin to kasi palagi rin sinasabi ng isip and heart natin “alam kong hindi ko kaya mag isa non, at hindi ko talaga maimagine kung paano ko nalagpasan yun basta ang alam ko lang sinamahan ako ni Lord, hindi nya ko iniwan ram*** na ram*** ko Sya.” kaya no one can change our mind and say na hindi sya nag eexist, NO ONE. We both know hindi talaga natin kaya yung nangyare something in us died that day pero God gave us a new hope, a new life to look forward to. I’m so amazed na as I tell my heartbreak story to myself in the future talagang hindi mawawala pangalan ni Lord kase palagi Syang andyan eh. Palagi Syang involve. Micah let this story be our testimony. Kalimutan natin yung sakit pero wag natin kalimutan yung kwentong to kasi dito natin mabibigyan ng glory si Lord, grabe yung comfort at pag mamahal na binigay Nya satin deserve ng mundo na malaman yon. ++ yung family pa na binigay Nya sayo, sila na naging support system mo besides kay Lord during this tough times. Micah you are so blessed. I love you so much, kamahal mahal ka. Anak ka ng Diyos ❤️
Sign in to FutureMe
or use your email address
Create an account
or use your email address
FutureMe uses cookies, read how
Share this FutureMe letter
Copy the link to your clipboard:
Or share directly via social media:
Why is this inappropriate?